The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: martes, agosto 31, 2004Tangna ang lakas lakas ang ulan sa labas. At ang lakas pa naman ng loob ko na magsked ng make up class para sa CW10 ko. Gusto ko na kasing tapusin yung workshop dahil behind sked na kami sa dami ng araw na walang pasok tapos ganito. Siyempre bibiyahe pa ako papuntang QC. Siyempre ulit ala-una ng hapon yung klase. Siyempre by this time hell on earth na ang Katipunan. Kansel ko na lang kaya klase tapos kebs na kung abutin kami ng end of sem sa lecheng workshop na ito? Damn ang sarap sana matulog ngayon. Yung kapitbahay namin nagkakaraoke ng Aegis. Heto ako basang basa sa ulan! La di da la di da. Cannot Find Server at kantogirl 8:38 p. m. | 0 comment(s) Ilan sa inyo ang nakatanggap na ng isang e-mail na galing diumano kay Anna Swelund ng Ericsson at nagsasabing kapag finorward n'yo yun ay padadalhan kayo ng kumpanya (minsan ng Nokia, but mostly Ericsson) ng kanilang latest model na cellphone? Usually, ilang milyong beses nang nai-forward ang email na iyon bago makarating sa akin, at nakalagay pa doon kung sino-sino ang pinadalhan at nagpadala ng basurang email. Sa mga nagoyo na nito: Gumising kayo! Walang Anna Swelund. Walang darating na telepono. Kung marunong man lang sana kayong mag-Google, makikita nyong number entry siya for hoaxes on marketing strategies. Sino ba naman kasi ang magbibigay ng telepono i-forward lang ang email? Something for nothing, ang dali di ba? Naiinis lang ako kasi marami rin sa mga nabibiktima ay mga kakilalang taga-UP at sa akin pa talaga ipapadala. Siguro may limang beses o higit pa sa loob in ilang taon ko nang nakukuha ito. At hindi pa rin nila nadidiscover na walang Anna Swelund, at walang teleponong darating. Heto ang sample hoax email galing sa Breakthechain.org: Dear Friends, Meron pang ibang version na kunyari ay petition na itigil ang shooting ng isang pelikulang nagsasabi na si Jesus ay bading. Pero sa ibang araw na lang iyon. Cannot Find Server at kantogirl 8:16 p. m. | 0 comment(s) So nagbabasa ako ng inquirer ngayon nang may napansin ako sa front page- "House leaders agree to 38% cut in pork" Kahapon, nag-"approve in principle" ang mga magigiting na mga tao sa House of Representatives sa 38% na bawas sa pork budget nila, bilang tulong sa gobyerno para makaahon sa fiscal crisis. nakuha nyo yung "punchline?" "in principle..." principle. prinsipyo. yung bagay na nasa loob natin na nagiging gabay natin para mamuhay nang disente. Kung titingnan nyo ang front page ng Inquirer ngayong araw na ito, at titingnang mabuti ang first paragraph ng nasabing news article, makikita nyo ang isang bagay na pang-ripley's believe it or not- MAGKASAMA SA ISANG SENTENCE ANG SALITANG "PRINCIPLE" AT "HOUSE OF REPRESENTATIVES." Tanong lang, kahit anong number, kapag minultiply mo sa zero, ang sagot ay zero. 1x0=0 2x0=0 3x0=0 etc. So kung nag-agree ang house of reps "in principle" na tulungan ang bansa... obvious na siguro, eh? Bagama't dapat tayong matuwa dahil nagbawas ng pork barrel ang mga representatives natin(at kung binasa nyo yung news item, sapilitan pa ang pagbawas, kundi talaga mga impakto), di ako nagugulat na hindi umabot sa kalahati ang binawas. Tutal, sa panahon ng krisis mas kailangang mataba ang bulsa, di ba? Mga senyores, dumungaw po tayo sa labas ng ating mga air-conditioned na opisina at pakinggan ang sigaw ng mga tao- may krisis tayo, kailangan natin ng pera, malaking porsyento sa kita ng bayan, binabayad sa interes ng utang at foreign aids. At sino nakinabang sa mga foreign aids na binabayaran natin ngayon? Kaya ngayon, sakripisyo na lang ang hinihingi, ayaw pang bitawan ang pork barrel. MAbuhay kayong lahat mga senyores. Sabi nila, sa panahon ng krisis at digmaan, makikita mo ang karakter ng tao. Wheeee! At speaking of "krisis..." 44 gas stations ang nahuli kahapon na nandudugas ng mga motorista sa Quezon City. Ang siste, lumabas sa reading ng isang "calibration bucket" na mas malaki pa sa tolerable na 1ml ang kulang per litro ng binobomba ng mga pumps. Magkano ang "fine?" 400 Pesos. Yay! 400 Pesos! Nadala na siguro ang mga gas stations na yan, ano? Tutal, sa taas ng presyo ng gas ngayon, at sa dami ng nagpapagas araw-araw, lugi na siguro sila sa 400 Pesos! Wow! Astig! For the record, kapag nagpapagas ako ng beetle ko (at beetle na yun, tipid na dapat sa fuel expenses!), ang 100 Pesos ko, hindi pa aabot sa 4 na litro. So ang 400 Pesos na penalty sa mga balasubas na mga istasyon ng gas, roughly nasa 12-13 litro. At sa tagal ng panahon na nandudugas yung mga istasyon, ilang litro na kaya ang nadaya nila sa mga motorista? At magkano yun lumalabas? Tapos 400 Pesos ang "fine" nila? At yan ang dahilan kaya tayo may fiscal crisis... Cannot Find Server at evil wolf 10:50 p. m. | 0 comment(s) Bakit ganun ako lang yata ang walang concrete memory ng Transformers? I remember watching them, vaguely. Kaya nga lost ako nung undergrad when suddenly in the damn sf and ya classes everyone started reminiscing about how they cried when they watched the Transformers movie. Lost ako dun. I think I watched something else. I vaguely remember watching Wonder Woman and The A-Team with my mom, and Fraggle Rock and Knight Rider. Yun natatandaan ko yun kasi I would have really freaky dreams starring David Hasselholf. But no Transformers. Cannot Find Server at kantogirl 9:48 a. m. | 0 comment(s) So two weeks ago, bumili na ako ng DVD player para ipang-regalo sa nanay ko. Wala pa kaming DVD player kasi, at medyo nakakainggit itong mga ka-opisina ko na umaalis pag lunchtime para bumili sa labas ng isang bag ng DVD movies. Kaya ayun, malapit na rin birthday ng nanay ko, at wala rin akong maisip na regalo, kaya yan, isang DVD player. So nung naghahanap ako ng movies, nakakita ako ng binebentang kumpletong set ng season 2 ng Transformers- yung classic generation one episodes ng mga robot na... okay, di ko naman siguro kailangang ikuwento kung ano ang transformers, di ba? 7 discs, more than 20 episodes ng season 2. Sayang nga lang at walang season 1. Naaalala ko yung orig na boxed set ng season one na pinanood ko sa bahay ng pinsan ko, sa boypren niya yata yung set, sayang di puwedeng hiramin at kopyahin. Anyway, nasa around 500P lahat kaya okay na! Grabe, excited na excited ako dahil para akong may kayamanan sa loob ng plastic bag. Lintek, sinong bata ba dati nung '80s ang hindi nangarap na makumpleto ang lahat ng transformer episodes sa bahay niya? Masyadong matagal ang isang linggong paghihintay, tapos may commercial pa! Okay, so fast forward na agad sa pag-set-up ng DVD player. Unang pinanood namin yung Shrek 2 dahil favorite nung pamangkin ko yun. Nung tapos na, sinalang ko na yung Disc 1 ng Transformers... Ang opening scene, isang CG na Optimus Prime, naka-ready for battle... sinelect ko ang "play all episodes" at nagsimula na ang time travel... Naging 1985 ulit! Nang tumugtog na ang intro music, putsa, ito ang Transformers! Hindi yung walang kuwentang Beast Wars crap! Hindi yung mga bagong cartoons na medyo corny na dahil pinagpalit-palit na nila ang pangalan ng mga robots at ginawan ng maraming versions kaya gumulo nang gumulo ang storyline! Nakakatuwa ulit panoorin kasi makikita mo na yung mga flaws sa drawing ng cartoons- yung pagpapatong-patong ng cel na mali, yung dobleng pag-drawing ng isang robot, pero siyempre, fun pa rin. At yung mga simpleng plot at mga inconsistencies sa buong storyline na hindi mo mapapansin nung bata ka pa, nagiging nakakatawa na, lalo na kapag napanood mo ulit kung paano mag-kulitan sina Megatron at Starscream. Sa ngayon nasa gitna pa lang ako ng Disc 4. Pagdating ng weekend, tatapusin ko na yun, tapos balik ulit ako sa Disc 1. Tapos maghahanap ako ng Season 1, at DVD nung Movie. Yun lang. Yung sumunod na episodes pagkatapos ng movie kasi, kakornihan na talaga. At kung makasingil ako ng malaki-laki sa raket, baka makabili ako ng isang Masterpiece Optimus Prime na nasa 5k, tapos makakaganti na ako kay TJ nung tumawag sa amin para ipagmayabang na meron siya nun at kinuwento pa kung paano niya binubuksan yung kahon at tinatransform sa telepono. At least may orig 1980's na Optimus Prime ako, mint in box pa! So there. hehehe. Cannot Find Server at evil wolf 2:11 a. m. | 0 comment(s) siguro depende sa tao yun. sa mga napasukan ko kasi, yung mga taga-UP, di naman maangas o ma-ere. sa ncca, sa viva, at ngayon, dito sa current office ko. wala naman problema. at di ko sinasabi ito sa point of view ng taga-peyups. kaya nga sabi ko, sige, at least para sa'kin, di ganun ka-evident ang taga-peyups. ateneo at dlsu, medyo halata. porma pa lang e. siguro depende na sa college sa loob ng UP. karamihan sa mga nakikita kong maangas na ma-ere ay galing nga sa college natin, specific pa sa department. putsa, sa org pa lang e. hehehe. Cannot Find Server at evil wolf 8:38 p. m. | 0 comment(s) Ang implikasyon ng sinasabi ni CLF, pag estudyante ka pa lang, meron ka pang natitirang hint of an identity. Pero kapag pumasok ka na sa totoong mundo na habulan ng sariling buntot, nawawala na rin ang talim ng tahol mo. Nawawala ang breeding, nagiging run of the mill askal ka na lang. Ganun nga ba yun? May angas pa pag estudyante pero pagdating sa workplace taas kamay na suko na, must blend if we want to achieve yuppie corporate dreams? Pero I think may truth pa din dun sa sinasabi ng ating Diva when it comes to the maangas UP person sa trabaho. Usually, ito nga yung hanggang ngayon ayaw pa ring bumitiw sa supposedly ay "critical thinking" na minsan kumbinsido na ako na it doesn't exist. Kung gusto mo umasenso, don't bite. Yun ang napansin ko sa mga taga-UP na nagtatrabaho at may relative amount of success. Mas naging mainstream na. I don't know if that's bad, kasi nga sa pamantayan ng lipunan successful na sila. Does that mean pag ganun sellout ka na or you just chose to live a life? Yung mga nagmamatigas, ayun magmamatigas at magmamatigas pa rin. Pero di rin ako agree na meron pang so called aktibista culture sa UP. That was so 70s. Yun na siguro ang heyday nun. Yung eksena ngayon, mas bilib pa nga ako sa mga taga-ibang eskuwelahan. Nung high school ako sa PUP, mahilig din sa rally ang mga tao dun, nagbabatuhan pa nga ng molotov, at ang laging sabi nila sa amin, mapalad kami dahil dalawa ang "P" namin ang UP ay iisa lang. Hanggang ngayon marami pa ring aktibista sa orig na Peyups. At somehow mas naniniwala ako sa ipinaglalaban nila dahil mas mukha silang tibak. Yung mga tibak sa UP ang babango at lilinis tingnan. Parang mga career student activists. Pagkatapos ng phase na yun, sige follow their yuppie dreams na ulit. Saka may silbi pa rin ba ang activism chuva na yan? Feeling ko kasi puro porma na lang sila eh. They all know the chants. They all know the songs. Pero parang wala rin naman sa puso nila yung pinaglalaban nila. As for UP being the best, minsan I can't help but think that it is a myth. Parang kapanipaniwala nga na baka one day magising tayong lahat ang number one skul sa bansa ay AMA, followed by STI at ng St Augustine Nursing School. Para saan ba ang mga UP graduates na puro angas lang at ang Ateneans at La Sallians na bangayan ng bangayan kung sino ang hari ng UAAP basketball samantalang nandyan ang strong workforce ng mga caregivers na siyang magpapalutang sa ekonomiya ng Pinas? Yung mga assemblies they take so long. Diskusyon ng diskusyon. Nakakailang assembly na, di pa rin tapos ang agenda. Siguro kasi tungkol yun sa points for promotion, at sabi nila, syempre kanya kanyang puntos ang isusulong. Pero minsan mukha rin namang tama. Kinukuwestiyon nila ang inihahain. Hindi ko naman nilalahat, sinasabi ko lang yung napapansin ko. Cannot Find Server at kantogirl 10:40 a. m. | 0 comment(s) yep. unless na militant tibak ka, wala namang identity ang UP alumnus. maglakad ka sa labas, di mo naman madidistinguish kung sino ang UP person sa hinde. actually, creepy nga e. mas madaling ma-distinguish ang UP student kesa sa UP alumnus. siguro kasi ang UP student madalas may dala-dalang bundles ng photocopied readings. pero nakakatawa kasi minsan, ine-equate ng mga tao sa paligid ko sa pagka-UP student ko yung pag-criticize ko sa mga bagay-bagay tulad kunwari ng istupidong dream dictionary nung pinsan ko. basta, kapag sinabi ko opinyon ko sa isang bagay, ayun, ang banat lagi "ayan umiiral na naman pagka-UP mo!" ako naman, "what the fuck?" so siguro nga, kapag kumontra ka o umangal sa isang bagay, na-e-equate ito sa masayang tibak tradition ng peyups. yep, kahit na hindi na ganun kalakas ang impluwensya ng mga tibak sa peyups as compared nung '70s, stuck pa rin ang identity natin sa "tibak" o "radikal." pero buti nga lumulutang pa rin yung elitist concept na ang UP ang best sa pinas. mas nakakatawa lalo na habang lahat tayo ay nakikisawsaw sa school bashing trip natin, biglang ma-o-overtake-an lahat ng universities ng AMA. (as the diva's prediction) hehe, chuvachuchu to all of us then! okay, change topic na. paano ka makakapagtype nang matino kung may nagpapatugtog ng sandara cd sa background? lakas mag-trip ng mga tao sa opisina, grabe. okay, ayan, tinanggal na, awa ng diyos. pero, wow. walang boses si sandara. wala nang talent sa acting, wala pang talent sa pagkanta. syet, siguro proud ang mga viewers ng scq ano? sandara ang texter's choice? bakit? putsa, talent show supposedly ang scq di ba? kung pa-cute show lang, maiintindihan ko e- yung tipong haharap lang sa kamera para kumaway, tapos walang gagawin. pa-cute. dun okay. pero sa isang show na supposedly ay naghahanap ng new talents? so ano ibig sabihin nito? confused ang pinoy sa pagkakaiba ng pa-cute at talent. kaya makikita natin yung mga models dito na biglang magshishift sa acting. pipol, hindi porke maganda ang mukha, ibig sabihin, puwede nang artista! akh! pero majority nga pala yung bumoboto ng kandidato kasi cute siya, cute yung jingle niya, kasi magaling sumayaw, o kung anu-ano pang kabaduyan na rason. kaya bakit di na lang natin daanin sa text vote ang eleksyon natin? okay di ba? tutal, popularity contest lang naman ang eleksyon natin e. e di swak na swak ang text vote! di na tayo maglalabas ng pondo para sa indelible ink at pag-imprenta ng ballots. tapos di na maiistorbo yung mga public teacher na laging nasa frontlines ng election violence. madali na rin mag-register! di na tayo pipila nang mahaba! text mo lang REG (NAME)(ADDRESS)(BDATE)(PRECINCT) at i-send sa 666! solb na! dahil mas madali at mas convenient na ang pagboto, isipin nyo yung turn-out ng botante! mabenta ito lalo na sa D&E pipol na mas priority bumili ng load kesa sa pagkain! bababa na rin ang election violence! ano gagawin ng warlord mong mayor? haharassin lahat ng may hawak ng cellphone? although problema pa rin ang vote buying dahil puwedeng mag-pasa load yung mga kandidato, pero... putangina, kahit sino rin naman ang iboto natin, maghihirap pa rin tayo, at tuloy pa rin ang protesta ng mga tibak, e di si sandara na rin gawin nating presidente! at least mas cute siya kay GMA. at sa gitna ng isang "fiscal crisis," mas makakampante ako kapag si sandara ang nag-announce nun, sabay kaway at bitaw ng "mahal ko kayong lahat..." awwwwwwww... so there. Cannot Find Server at evil wolf 8:02 p. m. | 0 comment(s) Some guy named Psycho writes about school pride, and here's what they say about our school: UP Gasp! So we don't have an identity pala? Shyet, I knew we should have worn our IDs around like the Ateneans. But it's a good read if you're into school bashing. Just don't bash my school or blood will spill. Seriously. Nyar. Cannot Find Server at kantogirl 6:57 a. m. | 0 comment(s) Basta ang alam ko lang, hindi ako yun. Nakuha ko yung message mo at ni BnC nung kalalapag lang ng eroplano sa NAIA. Obviously, kahit tumakbo pa ako palabas ng airport, hindi ako aabot sa terminal ng landmark. Kung sino man ang impersonator na yun, napakagaling nyang tumayming. Then again, this is coming from the person who has an imaginary roommate. Nagparamdam ulit si roommate pagbalik ko sa Dungeon. May note na may smiley sa table ko. Tapos merong parang malaking orange at yellow na surfboard sa may bintana niya. Sa imagination ko, my roommate is a surfer and archaeologist. Hanep di ba? Hindi kaya siya rin si yuppie xkg? Also, my dear CLF, I don't feel too honored that I was carded and tagged as somebody underaged. I just think the stupid bastard of a bouncer was flailing whatever might his arms had. Power tripping, gah. What do they want? Magte-trenta na lang ako, they'll still card me? Me thinks if it's not power tripping, then I might as well believe W who says that Thailand's Ministry of Health published a study which claims that the national IQ hovers somewhere around 88. Down from 89 a few years back. I wonder what that means. Cannot Find Server at kantogirl 6:19 a. m. | 0 comment(s) belated happy bday din, xkg. actually di ko alam kung kelan yun, sumunod lang ako sa post ni diva. anyways, nakasabay ko ulit ang yuppie xkg kagabi, at nakatabi ko pa. syet, napakaweird. parang katabi ko si xkg na hindi si xkg. kapag nakasabay ko ulit mamaya, susubukan kong batiin na happy birthday, baka madulas. hehehe! nga pala, xkg, dapat matuwa ka kasi napagkakamalan kang underage. putsa, dito sa opisina, walang gustong maniwalang wala pa akong 30. in justice ng buhay yun e. kapag stressed ka, kailangan mo ng beer. afterwards, pinatanda ka na ng stress, tapos may beer gut ka na. wheee! hehehe. Cannot Find Server at evil wolf 9:18 p. m. | 0 comment(s) Still here, but my flight is in less than 2 hours. We were supposed to check out Cabbages and Condoms last Saturday night, but previously, we've been refused admission to Soi 4. The police were asking for ID and I handed them my BIR one. We know it's valid because they accepted the damn piece of paper the previous night. But this time the stupid bastard bouncer refused to accept it as valid. He asked for our passports which was stupid because it's not really advisable to lug a very important document around when it could be stolen. He said that we looked underaged. A Pissed us off because he was letting in other people who looked younger than us. W pointed out that the guard wasn't even looking at their IDs but stupid guy picked this middle aged white man and said, "Does he look underage to you?" That did it. I didn't come all the way to another country just to be told that I still look goddamn underaged. I told W it's not worth it. What really pissed us off was the inconsistency. It was Saturday night and I was suddenly not in the mood to be social. So we retreated to Coffee Society where the couches were nice, and you could actually sleep there. Anyway, the coffee shop was better. Also, we ate na lang at this nice Vietnamese restaurant na refillable yung dishes. Anyhoo, I will cast evil spells on that stupid guard. Parang tangina di ba? Magtetrenta na lang ako hihingan pa nila ako ng ID. Sometimes I yearn for the day when I won't be ID'd anymore. Cannot Find Server at kantogirl 10:16 p. m. | 0 comment(s) I'm getting my supposed "roommate" stuff that "I" would like. Siyempre, we're practically the same person so might as well get stuff that i would like di ba? Honga pala, it might interest you to know that my birthday and the roommates are only a few days apart. How convenient di ba? I haven't greeted her yet. I haven't greeted me either. I am my roommate's neatness obssession. Cannot Find Server at kantogirl 1:23 p. m. | 0 comment(s) Wow. I wonder though what you're "getting" from "Bangkok" for your "Roommate" at Diliman. Pretty vague on what purpose she serves though. Quite obvious you made her up too. Cannot Find Server at Dennis Andrew S Aguinaldo 12:30 p. m. | 0 comment(s) Hello sa lahat. Nagulat ako sa post ni CLF. Hindi ko inaasahan na madidiscover nyo ang aking super secret life. Mahirap talaga kasi ang buhay at hindi sapat ang ibinabayad sa akin ng UP kaya kinakailangan kong rumaket sa Makati, center of yuppiedom. Nung una kasi, binalak kong mag-call center. Tutal ang klase ko ay natatapos ng 530pm. So between that and when I start my classes the next day ng after lunch, puwedeng puwede pa akong matulog ng ilang oras. tapos Wednesdays free pa. Since mas malaki pag night shift, yun ang ultimate raket. Kung napapansin nyo, madalas akong pumunta sa Makati. Muntikan nang madiscover ni BnC ang aking secret life nun kaya inimbento ko ang Nyowa Nights. Wala akong nyowa. Ginawa ko lang yun para di nyo na ako tanungin bakit madalas ako sa Makati at bakit may tumatawag sa akin para biglang pumunta dun. Pero siguro iniisip nyo, shyet, tayo ang long time friends niya pero niloko nya tayo! Oo, kahit iyon ay part ng aking evil plan to make more money to fund my addictions to the internet at my yuppie life. Kunyari lang na kailangan kong mag-"teacher costume" pero all the while yun talaga ang preferred clothes ko. You know, long sleeves, black leather shoes. Yung backpack ko? Sa loob nun ay mayroon akong handbag, para maki-uso. At may make up kit ako. Yung dilemma ko kung pupunta ako ng Bangkok o hindi, with matching tanong pa ng advice kung saan maganda kumain ng pusit at mamili ng damit? All a ploy. Siyempre, kung lalagare na rin lang ako, better na sa hindi nyo ako hinahabol. It's not because of some birthday. Ano ngayon kung 25 na ako? Nothing else matters basta marami akong pera mwahahaha! Alam ko kasing pag alam nyo ang raket ko, magpapalibre kayo. Pero kung nasa BAngkok ako, i can claim na naubos ang pera ko sa shopping. Tapos balik na ulit sa routine ng klase bahay occasional tambay klase ulit. Siyempre iisipin nyo, kung determinado talaga akong magtago sa mga tao sa birthday ko, aba, kayang kaya kong gumawa ng elaborate plan para umiwas. Government worker ako di ba? So walang conflict. Tapos to further convince you na wala nga ako sa Pilipinas, magpo-post ako ng pictures. Tulad nito: at ito din: But take note, that's all photoshopped. Yung una mukhang ortigas, dinaya ko lang ang backdrop. Yung second, sa Pasig River lang siya. I asked my friend Walter to scan me into the photographs he took once. And oh, actually Walter doesn't really exist. That's why he's always someplace else and nobody has seen him, like the nyowa and the horrible ex, they're all figments of my imagination. Para naman isipin nyo na marami akong friends. So here's my imaginary friend: There you go, the super secret life of kantogirl finally exposed. Public school teacher by day, call center agent yuppie scum by night. It's all a sham. I'm just so sorry you found out this way, guys. But I still won't treat you with my call center money. And there are no pasalubongs since I never went to Bangkok. Cannot Find Server at kantogirl 10:27 p. m. | 0 comment(s) Okay, sa mga na-text ko kagabi, eto na ang istorya. Ang pagkakaalam natin, lumipad na si xkg papuntang bangkok, pero totoo kaya ito? Kahapon, after ng trabaho, nilakad ko mula opisina hanggang sa terminal ng mga shuttle sa landmark, as usual. Malakas ang hangin kagabi, at pagdating ko sa terminal, konti lang ang pila! Kakaiba ito, naisip ko. Madalas kasi, kapag umabot na ako sa terminal, mga 2-3 pila na, pero kagabi, konti lang talaga. Tapos dumating na yung shuttle, isang assembled na fiera na sampuan yata bawat gilid ang kayang isakay. malakas pa ang aircon. pagpasok ko sa loob, at pag-upo, napansin kong konti lang kami. dammit. nakasakay na nga ako agad, pero maghihintay pa kaming mapuno. so linga-linga ako sa bintana, nang biglang matuon ang mga mata ko sa isang babae sa loob ng shuttle! nakilala ko ang mga features ng mukha, kahawog lang siguro. pero napansin ko, yung pagkakatali ng buhok, yung bagsak ng ilang hibla ng buhok sa mukha niya- si xkg!!! nakaporma siya ng parang isang yuppie office worker, at parang mas matangkad nang konti, kahit nakaupo. hmmmm... napansin yata na napapatingin ako sa kanya kaya sa buong trip, nakayuko lang at natutulog (nagkukunwaring natutulog?) yung babaeng mala-xkg. pero sa tama ng ilaw mula sa labas, putsa, isa lang ang kakilala kong ganun ang features! kaya totoo kayang nagpuntang bangkok si xkg? o may lucrative yuppie raket siya sa makati? at bakit siya sumakay ng shuttle papuntang marikina imbis na sa manila? isang deception kaya para sa lahat ng kakilala niya, kasama ang mga tao sa bahay nila? bakit din na sa araw-araw na pag-commute ko, ngayon ko lang nakasabay yun sa shuttle kung kelan nasa "bangkok" si xkg? xkg, spill the beans! or kung hindi ikaw yun, grabe, puwede ka na palang mangholdap sa marikina, di ka na mahuhuli. hehehe! basta sa pagdating ni xkg, i-check nating mabuti ang mga pasalubong kung made in bangkok o made in marikina... Cannot Find Server at evil wolf 6:35 p. m. | 0 comment(s) Buti ipinaalala mo ang tungkol sa sugpo. Dapat akong dumaan sa drugstore at mag-stock ng aking anti-allergy drugs. Kung gusto mo akong patayin, dapat lang ay hainan mo ako ng isang tumpok na sugpo at iba pang pagkaing dagat. Pero di bale, magbabaon talaga ako. Wala akong balak magmukhang alien sa trip na iyon. Am just wondering, yun bang hotel nyo ay 4 Seasons ek? Yung ilang kaibigan ko na nagpunta last year, dun sila naka-billet at katabi nga lang daw ng Pratunam Market. Di ko pa rin sure saan banda ang titirhan ko, but my friend already assured me it's in the heart of the business and commercial district. The thing is, ang Bangkok ay walang iisang central district, kundi marami. Now which one of them, that's the problem. Pero hindi naman ako worried. I'm excited, and I still need to find a copy of Imelda. And before all that, I still have to attend all my classes today and tomorrow. So next na muna ulit kuwento. Ang tahimik ng mga tao ngayon ah. Hello sa lahat. *kaway_kaway* Cannot Find Server at kantogirl 8:44 p. m. | 0 comment(s) masarap kumain ng street food dun. yung street food nila, inihaw na hito, o squid. madalas seafood. panalo yun, lalo na kung may sweet and spicy na sauce. sa lahat ng 7-11 outlets dun (at bawat kanto meron) laging mga dried seafood o meat jerky ang binebenta, kesa sa usual junkfood. sa mga malls naman, ang food court nila hindi fastfood outlets ang meron. panay chinese, thai, pinoy cuisine. kung mahilig ka sa peking duck, yun ang heaven. kung mahilig ka sa burger o pizza, hell ang foodcourt. magpakasawa ka sa tong yang soup. grabe, parang sinigang na seafoods yun na sobrang anghang (in a good way.) putsa, yung kinain naming tong yang, isang bowl na puno ng SUGPO, hindi sugpo kundi yun nga, SUGPO. tapos... dahil family trip yun, siyempre di kami nagpunta sa red light district. winarningan na rin kami ng tour guide tungkol dun. ang pinuntahan namin, panay mga temple. check mo rin nga pala yung vin man mek mansion. isang turn of the century na mansion na gawa entirely sa kahoy. as in pati yung mga pako, gawa rin sa kahoy. pero matibay daw. nung WW2, nabagsakan ng bomba yung bahay, di tumagos yung bomba sa 2nd floor. buti di rin sumabog yung bomba, pero nandun pa rin sa sahig yung marka ng sunog. may tour guide dun na kahawig ni teacher nikki, at may cultural presentation ng mga dancers- yung isa kahawig ni korina sanchez na pumayat. astig yung zoo nila. puwede ka magpakain ng kalapati o uwak. bibili ka ng isang loaf ng tinapay sa isang shack, tapos ayun, pakainin mo yung mga uwak. mas astig ang uwak kesa kalapati kasi kahit gaano mo kalayo ibato yung tinapay, nasasalo nila! yung kalapati, pagbagsak sa sahig, tsaka pa mag-aagawan. tapos... punta ka sa pratunam market. yung hotel namin dati, katabi nun mismo. para kang namimili sa divisoria, except puro singkit lahat ng mga tao dun. grabe, 3 years ago na pala yung trip namin, pero parang kailan lang... tsk, kung kaya lang ng budget ko ulit... Cannot Find Server at evil wolf 2:00 a. m. | 0 comment(s) There are a lot of things on my mind right now, pero ito lang: I booked my flight na yey! Sana wala nang harang sa aking pinakaaasam-asam na mini-bakasyon. I'm flying out on Tuesday night, which means I'll run out right after my last class of the day. Jol! Tips naman kung saan masarap kumain at kung anu-ano pa na meron dun. Kay BnC, baka daan ako sa opis nyo nina Tamadita mamaya. Salamat in advance. Cannot Find Server at kantogirl 8:33 p. m. | 0 comment(s) lesson sa mga gumagawa ng mga moniker ng mga upcoming stars- wag gumawa ng title na limited sa date. tulad nung titulong "star of the new decade" after ng dekada '90, nasaan ka na? laos. tapos. the end. ni hindi nga tinapos ang buong dekada, laos na agad. di ba? nilagyan mo agad ng expiration date ang career mo. kung sino man nag-coin nung term na yun, dapat batukan. hehehe. walang vision, di nakikita ang future. syet. nadala na siguro yung mga tao dahil sa pagkakaalam ko, walang "star of the new millenium" nung 2001. o dahil uso ngayon, "millenium diva," wala rin. Cannot Find Server at evil wolf 7:05 p. m. | 0 comment(s) for some reason, ang natatandaan ko lang sa batibot ay yung mga kuwento ni kuya bodjie, saka yung mga eksena nina irma daldal at yung direktor. saka yung isda-isda-isda song saka yung tinapang bangus. naiinis ako noon kay pong pagong kasi feeling ko bading siya. kasi naman noh, sinong pagong na nasa matinong pag-iisip ang magsisigaw ang "weeeeeeh!" sa gitna ng malaking puno na iyon ng batibot. kung di man siya bading, siguro retarded siya. pero iniisip ko, pong pagong wasn't all that bad kasi kangkong at paborito niyang gulay. mahilig ako sa kangkong, lalo na kung nasa sinigang at yung chowking version na may bagoong, kaya pinapatawad ko na si pong sa pagsigaw niya ng "weeeh!" si kiko matsing naman, parang laging malat. hindi ko alam kung bakit. kasama ba ni smokey manaloto si anjo yllana sa takeshi's castle? syempre nito ko na lang nakokonek ang mga pangyayaring iyon. but my brothers and i have always found that show hilarious, lalo na yung may parts na nakamalaking costume na gulay or something yung mga tao tapos nag-uunahan sila. hindi ko rin alam kung bakit, pero ang naaalala ko ngayon ay si manilyn reynes sa young love, sweet love. alam ko medyo hate ko ang mga ganoong palabas, pero nood kami ng nood. nung grade 3 kasi ako, nag-attempt na magkaroon ng katulong ang nanay ko. tapos yung girl lagi siyang naka-tune in sa channel 9, lalo na pag wednesdays. (o baka mali ako, hazy memory and all) fan yata kasi siya ng star of the new decade, at kapag biyernes, vilma! ang pinapanood nila ng nanay ko. ang sunday nights ay dedicated kay ate guy sa superstar, na co-host sina jograd dela torre at kuya germs. hindi ko sure kung kelan nagsimula ang loveli-ness, pero feeling ko biyernes rin yun ng gabi at kasama dun si francis magalona going "yo-yes-yes-yo-no-ni-no-ni-no-ni-hap-hap-boo-bap-yo-turn-up-the-beat!" syempre baka mali rin ang intindi ko ng rap na yun dahil malay ko ba di ba? minsan din kung linggo nanonood kami ng TSCS na kasama naman si herbert bautista and somebody else. kaya kung iisipin mo, more than sesame street at kiko matsing, lumaki pala ako sa variety show. regular viewing fare na si ate vi at si alma moreno ay naka-"tangga" at inihahagis sa ere. sayaw daw iyon. parang variation ng mga Showgirl 2000 or super sireyna. pakiramdam ko nga, psychologically damaged na ako. ikaw ba naman ang mapurga sa sight nina ate shawie, ate vi, ate guy at loveli-ness na inihahagis sa ere at umiisplit at nakatangga. kung di naman mawala sa matinong pag-iisip nun, ewan ko na lang. Cannot Find Server at kantogirl 9:16 a. m. | 0 comment(s) bago ang batibot, bago ang "Sesame" (hindi sesame street, kundi Sesame, first appearance ni kiko matsing at pong pagong), may tv show na pambata sa channel 13 tuwing weekends (sunday o sabado , nalimutan ko na) bago mag-tanghali- kulit bulilit. nag-google search ako kanina, at nalaman kong 1975-1986 ang takbo nung show. surprisingly, si imee marcos ang producer at director ng kulit bulilit. anyways, kumpara sa batibot, mas matanda na nang kaunti ang audience ng kulit bulilit. wala yatang mascot, pero laging may dula. iba ang format kasi. at nandun pa si smokey manoloto bago ang kanyang iwakura-days nung namamayagpag pa ang takeshi's castle. hindi kasi masyadong tuon sa education ang kulit bulilit. mas tuon siya sa entertainment, at madalas, may pagka-artsy pa ang approach nito sa kids entertainment- mga weirdong stop motion shorts, mga weirdong animation... yep, nung panahon nun, kung hindi kulit bulilit, sesame street ang pinapanood ko sa tv. aliw ang sesame street dahil sa puppets, pero iba ang charm ng kulit bulilit. nung pumasok ang "sesame" sa channel 4, medyo weirdo sa simula para sa mga batang sanay sa sesame street. imbis na malaking ibon, meron tayong masayahing pagong. imbis na grouch sa basurahan, meron tayong matsing na nakatira sa isang nakaparadang jeep. (kung kasingtanda nyo ako, maiintindihan nyo yun.) nandun si kuya bodjie at si ate sienna, at si kuya mario at ate sylvia. pero ayan, nag-digress na ako. masyado kasing fuzzy ang mga naaalala ko sa kulit bulilit, pero alam ko masayang-masaya ako nung pinapanood ko yun. di na siguro maibabalik yun kung gawan ulit ng bagong season ngayon. malamang kung ibalik yun, panay computer animation na lang. putsa, sukang-suka na ako sa computer animation. maraming tao yata ang sukang-suka sa computer animation, hence nilangaw ang final fantasy spirits within. yep, yun ang panahon nung may katuturan pa at hindi panay anime rip-off ang laman ng funny komiks (ibalik nyo si niknok!!!), at ang the best na magazine ay "Pambata..." grabe, kung may dvd ng lumang episodes ng kulit bulilit, tatakbo ako agad sa labas para bumili ng player... or, puwede kayang i-petition sa channel 13 na imbis na mga walang katuturang tv shopping, mag-replay na lang sila ng kulit bulilit? Cannot Find Server at evil wolf 2:26 a. m. | 1 comment(s) parang tahimik yata ngayon. gusto ko lang mag-hello kay tamadita, na napakatatag na nagserbisyo para sa UPCAT nitong weekend kahit na masakit ang lalamunan niya at inapoy siya ng lagnat. i don't have much to tell, except may obs classes ako later today and i might be like a headless chicken na mamaya so better post this now. la diva, i gained weight. i'm not a babe anymore. boohoohoo. sorry, really just had to get that out. Cannot Find Server at kantogirl 7:30 p. m. | 0 comment(s) well, kantogirl, i'm afraid it's true na UP is experimenting on some cost-cutting measures kasi wala talaga tayong pera. the diliman chancy already circulated a memorandum on this sa different units. ang hindi ko ma-figure out, bakit sila magbabawas ng guards eh security ang pinakaimportanteng bagay na dapat ayusin. had a little chat with the CHK dean the other day and she was telling me na medyo critical nga ang area nila sa gym kasi daming outsiders coming in from commonwealth ave. they used to have two guards per shift daw, yung isa sa entrance and the other one roving. because of the cost-cutting ek, naging one guard per shift na lang and the CHK administration decided na siya ang roving tapos they assigned one utility worker to man the gym entrance na lang. sa kasamaang palad, on the very first day na nagbawas ng guards, may mga estudyanteng nanakawan. first time daw itong nangyari sa gym, sabi ng dean. dahilan sa mga pagnanakaw na naganap, dean uy wrote to chancy na daw na kailangan ibalik ang tight security sa gym lalo na't ang UAAP volleyball games ay doon ginaganap. ergo, dami outsiders. until ma-figure out ng diliman admin ang kanilang gagawin, let's just grin and bear it, i guess. by the way, each constituent university is given its own budget kaya sila ang bahalang mag-manage nito. yun lang. Cannot Find Server at tamadita 10:48 p. m. | 0 comment(s) Tang*nang blogger, kinain ang mahaba kong post! Mahaba sana yung rant ko, pero paiikliin ko na lang: Simula nung Lunes, isang pintuan na lang ng Faculty Center ang bukas, at di mo pa mahulaan kung yung front o carpark entrance ang bukas at sarado. Kailangan mong mag-merry go round in teacher costume only to find out na kailangan mo ulit umikot dahil sarado. Dahil pagod at desperado nang makarating sa so near and yet so far na destinasyon, di iilang estudyante ang nag may-I-akyat-the-windows para lang makatawid. Sinarado na rin ng mga guard ang mga bintana para wala nang dumaan so super hell on earth ang FC ngayon. Ang dahilan ng lahat ng ito ay wala na raw pondong pambayad ang UP sa maraming guards kaya 1 guard/building ang bukas. True ba ito o isang conspiracy theory para piliting maglakad ang mga tao? Mga gels from Quezon Hall, may balita ba kayo? Kasi ang nanay ko ipinamamalita na sa lahat na broke ang UP at walang pambayad ng guard dahil ginamit na raw ng gobyerno ni ___ na pangampanya nung eleksyon. Di lang UP ang ganito, may mga eskuwelahan ding walang kuryente dahil sabi ng DECS walang pambayad, so wag na mag-ilaw at tapusin ang lahat bago dumilim. Ganito na rin ba ang hahantungan ng UP nating mahal ang bayad at walang pambayad? Sabihin nyo nang selfish pero gusto ko malaman kung sino ang mananagot sa kinakalyo kong mga paa at nanakit na binti. Cannot Find Server at kantogirl 6:09 p. m. | 0 comment(s) shyet,dennis! napamura ako nang nakita ang iyong listahan ng mga libro. at mukhang mas gusto mong harapin ang iyong mga libro kaysa sa amin, tinapos mo na talaga ang iyong 50 libro. at hindi lang basta libro, may barthes ka pang nalalaman. wala bang althusser. hahahaha kelan mo ba kami ige-grace ng iyong presence nang masauli ko na ang red son na hindi ko alam kung na blog ko na natapos ko na one of our loser lamay nights sa office. idadagdag ko na rin ang 3 pang nobela ni carla pacis --birdflight, ocw at enrique. ang bagal ng progress ko kasi nakakatulog ako lagi tuwing binabasa ko sila. Cannot Find Server at a 2:55 a. m. | 0 comment(s)
Cannot find server or DNS Error
|
||||