The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: lunes, agosto 30, 2004So two weeks ago, bumili na ako ng DVD player para ipang-regalo sa nanay ko. Wala pa kaming DVD player kasi, at medyo nakakainggit itong mga ka-opisina ko na umaalis pag lunchtime para bumili sa labas ng isang bag ng DVD movies. Kaya ayun, malapit na rin birthday ng nanay ko, at wala rin akong maisip na regalo, kaya yan, isang DVD player. So nung naghahanap ako ng movies, nakakita ako ng binebentang kumpletong set ng season 2 ng Transformers- yung classic generation one episodes ng mga robot na... okay, di ko naman siguro kailangang ikuwento kung ano ang transformers, di ba? 7 discs, more than 20 episodes ng season 2. Sayang nga lang at walang season 1. Naaalala ko yung orig na boxed set ng season one na pinanood ko sa bahay ng pinsan ko, sa boypren niya yata yung set, sayang di puwedeng hiramin at kopyahin. Anyway, nasa around 500P lahat kaya okay na! Grabe, excited na excited ako dahil para akong may kayamanan sa loob ng plastic bag. Lintek, sinong bata ba dati nung '80s ang hindi nangarap na makumpleto ang lahat ng transformer episodes sa bahay niya? Masyadong matagal ang isang linggong paghihintay, tapos may commercial pa! Okay, so fast forward na agad sa pag-set-up ng DVD player. Unang pinanood namin yung Shrek 2 dahil favorite nung pamangkin ko yun. Nung tapos na, sinalang ko na yung Disc 1 ng Transformers... Ang opening scene, isang CG na Optimus Prime, naka-ready for battle... sinelect ko ang "play all episodes" at nagsimula na ang time travel... Naging 1985 ulit! Nang tumugtog na ang intro music, putsa, ito ang Transformers! Hindi yung walang kuwentang Beast Wars crap! Hindi yung mga bagong cartoons na medyo corny na dahil pinagpalit-palit na nila ang pangalan ng mga robots at ginawan ng maraming versions kaya gumulo nang gumulo ang storyline! Nakakatuwa ulit panoorin kasi makikita mo na yung mga flaws sa drawing ng cartoons- yung pagpapatong-patong ng cel na mali, yung dobleng pag-drawing ng isang robot, pero siyempre, fun pa rin. At yung mga simpleng plot at mga inconsistencies sa buong storyline na hindi mo mapapansin nung bata ka pa, nagiging nakakatawa na, lalo na kapag napanood mo ulit kung paano mag-kulitan sina Megatron at Starscream. Sa ngayon nasa gitna pa lang ako ng Disc 4. Pagdating ng weekend, tatapusin ko na yun, tapos balik ulit ako sa Disc 1. Tapos maghahanap ako ng Season 1, at DVD nung Movie. Yun lang. Yung sumunod na episodes pagkatapos ng movie kasi, kakornihan na talaga. At kung makasingil ako ng malaki-laki sa raket, baka makabili ako ng isang Masterpiece Optimus Prime na nasa 5k, tapos makakaganti na ako kay TJ nung tumawag sa amin para ipagmayabang na meron siya nun at kinuwento pa kung paano niya binubuksan yung kahon at tinatransform sa telepono. At least may orig 1980's na Optimus Prime ako, mint in box pa! So there. hehehe. Cannot Find Server at evil wolf 2:11 a. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment