The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

lunes, agosto 30, 2004
Principle?

So nagbabasa ako ng inquirer ngayon nang may napansin ako sa front page- "House leaders agree to 38% cut in pork"

Kahapon, nag-"approve in principle" ang mga magigiting na mga tao sa House of Representatives sa 38% na bawas sa pork budget nila, bilang tulong sa gobyerno para makaahon sa fiscal crisis.

nakuha nyo yung "punchline?"

"in principle..."

principle. prinsipyo. yung bagay na nasa loob natin na nagiging gabay natin para mamuhay nang disente.

Kung titingnan nyo ang front page ng Inquirer ngayong araw na ito, at titingnang mabuti ang first paragraph ng nasabing news article, makikita nyo ang isang bagay na pang-ripley's believe it or not-

MAGKASAMA SA ISANG SENTENCE ANG SALITANG "PRINCIPLE" AT "HOUSE OF REPRESENTATIVES."

Tanong lang, kahit anong number, kapag minultiply mo sa zero, ang sagot ay zero.

1x0=0
2x0=0
3x0=0
etc.

So kung nag-agree ang house of reps "in principle" na tulungan ang bansa...

obvious na siguro, eh?

Bagama't dapat tayong matuwa dahil nagbawas ng pork barrel ang mga representatives natin(at kung binasa nyo yung news item, sapilitan pa ang pagbawas, kundi talaga mga impakto), di ako nagugulat na hindi umabot sa kalahati ang binawas.

Tutal, sa panahon ng krisis mas kailangang mataba ang bulsa, di ba?

Mga senyores, dumungaw po tayo sa labas ng ating mga air-conditioned na opisina at pakinggan ang sigaw ng mga tao- may krisis tayo, kailangan natin ng pera, malaking porsyento sa kita ng bayan, binabayad sa interes ng utang at foreign aids.

At sino nakinabang sa mga foreign aids na binabayaran natin ngayon?

Kaya ngayon, sakripisyo na lang ang hinihingi, ayaw pang bitawan ang pork barrel.

MAbuhay kayong lahat mga senyores.

Sabi nila, sa panahon ng krisis at digmaan, makikita mo ang karakter ng tao. Wheeee!

At speaking of "krisis..."

44 gas stations ang nahuli kahapon na nandudugas ng mga motorista sa Quezon City.

Ang siste, lumabas sa reading ng isang "calibration bucket" na mas malaki pa sa tolerable na 1ml ang kulang per litro ng binobomba ng mga pumps.

Magkano ang "fine?" 400 Pesos.

Yay! 400 Pesos! Nadala na siguro ang mga gas stations na yan, ano? Tutal, sa taas ng presyo ng gas ngayon, at sa dami ng nagpapagas araw-araw, lugi na siguro sila sa 400 Pesos! Wow! Astig!

For the record, kapag nagpapagas ako ng beetle ko (at beetle na yun, tipid na dapat sa fuel expenses!), ang 100 Pesos ko, hindi pa aabot sa 4 na litro.

So ang 400 Pesos na penalty sa mga balasubas na mga istasyon ng gas, roughly nasa 12-13 litro.

At sa tagal ng panahon na nandudugas yung mga istasyon, ilang litro na kaya ang nadaya nila sa mga motorista? At magkano yun lumalabas?

Tapos 400 Pesos ang "fine" nila?

At yan ang dahilan kaya tayo may fiscal crisis...




Cannot Find Server at evil wolf 10:50 p. m.  |


0 Comments in total


Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com