The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: lunes, agosto 09, 2004for some reason, ang natatandaan ko lang sa batibot ay yung mga kuwento ni kuya bodjie, saka yung mga eksena nina irma daldal at yung direktor. saka yung isda-isda-isda song saka yung tinapang bangus. naiinis ako noon kay pong pagong kasi feeling ko bading siya. kasi naman noh, sinong pagong na nasa matinong pag-iisip ang magsisigaw ang "weeeeeeh!" sa gitna ng malaking puno na iyon ng batibot. kung di man siya bading, siguro retarded siya. pero iniisip ko, pong pagong wasn't all that bad kasi kangkong at paborito niyang gulay. mahilig ako sa kangkong, lalo na kung nasa sinigang at yung chowking version na may bagoong, kaya pinapatawad ko na si pong sa pagsigaw niya ng "weeeh!" si kiko matsing naman, parang laging malat. hindi ko alam kung bakit. kasama ba ni smokey manaloto si anjo yllana sa takeshi's castle? syempre nito ko na lang nakokonek ang mga pangyayaring iyon. but my brothers and i have always found that show hilarious, lalo na yung may parts na nakamalaking costume na gulay or something yung mga tao tapos nag-uunahan sila. hindi ko rin alam kung bakit, pero ang naaalala ko ngayon ay si manilyn reynes sa young love, sweet love. alam ko medyo hate ko ang mga ganoong palabas, pero nood kami ng nood. nung grade 3 kasi ako, nag-attempt na magkaroon ng katulong ang nanay ko. tapos yung girl lagi siyang naka-tune in sa channel 9, lalo na pag wednesdays. (o baka mali ako, hazy memory and all) fan yata kasi siya ng star of the new decade, at kapag biyernes, vilma! ang pinapanood nila ng nanay ko. ang sunday nights ay dedicated kay ate guy sa superstar, na co-host sina jograd dela torre at kuya germs. hindi ko sure kung kelan nagsimula ang loveli-ness, pero feeling ko biyernes rin yun ng gabi at kasama dun si francis magalona going "yo-yes-yes-yo-no-ni-no-ni-no-ni-hap-hap-boo-bap-yo-turn-up-the-beat!" syempre baka mali rin ang intindi ko ng rap na yun dahil malay ko ba di ba? minsan din kung linggo nanonood kami ng TSCS na kasama naman si herbert bautista and somebody else. kaya kung iisipin mo, more than sesame street at kiko matsing, lumaki pala ako sa variety show. regular viewing fare na si ate vi at si alma moreno ay naka-"tangga" at inihahagis sa ere. sayaw daw iyon. parang variation ng mga Showgirl 2000 or super sireyna. pakiramdam ko nga, psychologically damaged na ako. ikaw ba naman ang mapurga sa sight nina ate shawie, ate vi, ate guy at loveli-ness na inihahagis sa ere at umiisplit at nakatangga. kung di naman mawala sa matinong pag-iisip nun, ewan ko na lang. Cannot Find Server at kantogirl 9:16 a. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment