Tangna ang lakas lakas ang ulan sa labas. At ang lakas pa naman ng loob ko na magsked ng make up class para sa CW10 ko. Gusto ko na kasing tapusin yung workshop dahil behind sked na kami sa dami ng araw na walang pasok tapos ganito.
Siyempre bibiyahe pa ako papuntang QC.
Siyempre ulit ala-una ng hapon yung klase.
Siyempre by this time hell on earth na ang Katipunan.
Kansel ko na lang kaya klase tapos kebs na kung abutin kami ng end of sem sa lecheng workshop na ito?
Damn ang sarap sana matulog ngayon. Yung kapitbahay namin nagkakaraoke ng Aegis.
Heto ako basang basa sa ulan! La di da la di da.
Publicar un comentario
Close Comment