The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

miércoles, septiembre 29, 2004
Kris Aquino: Bullet Proof

Hey people, swing by naman kayo sa blog ko. Meron na namang deranged person na nag-comment. It's a guy who rabidly defends Kris Aquino dahil binash ko raw ang Feng Shui. Heto ang sample comment niya:
Sorry folks, but I’m no PR man of Star Cinema, much more of Kris & the Aquinos. But can’t you see, I’m no phantom of the opera nor am I any figment of one's wanton imagination because I’m for R-E-A-L. In fact, I’m slowly inching or climbing my way to the "DATE PALMS" (Read: LADDER) of success here in Kuwait. Can’t you admit to the blighted, deflated & demoralized realm of your egomaniacal persons & deflated souls that, here at least & at last, is one great fan of Kris & the Aquinos, just one among their multitudes of silent admirers, who had to come out as the Aquinos’ “Patriot Missile” to your “Scuds” of perennial verbal diarrhea, diatribes & character demolition of Kris & her family?
But wait, there's more:
Kris maybe annoying at times, but berating Feng Shui, the film, as others do on the basis of their biases against Kris is totally outlandish.

Call me a movie buff or better still an ordinary movie fan, but never a film pundit nor a paid "PR" hack of Kris or Star Cinema as others want, are inclined or made to believe.

Allow me to give my subliminal, unsolicited," out-of-this-world" inkling of Feng Shui, replete with my disclaimers & waiver above: That the movie is a living testament to the Filipino filmdom's passion not to wallow in its primordial abyss, & that swimming against the Tidal Waves of Filipino people's biases, it is not about to give-up yet on its quest to scale greater heights & better threshold.
For the record lang: I did not bash Feng Shui. I even said it's a good scary movie and that Kris Aquino's acting was sort of improving. Hindi na siya over the top, low key and medyo subdued. It started with Mano Po 2, I just don't know kung bakit sa tv talagang pasaway siya. How come I get all these crazy comments? Kungdi boldstar, "date palms climber." Argh!

Cannot Find Server at kantogirl 7:55 p. m.  | 0 comment(s)


knock out

Hate to be a party pooper, pero siguro (at sana) makauwi na tayo by midnight kung lalabas man tayo. Alam nyo na, medyo tight security aketch because of my little snatching incident. For the last three days, lagi akong nasa bahay well before 10pm, which is our loser mark.

And if I have to go home by myself, kailangan talagang wait for a reputable cab. I've also been avoiding some routes which are perceived to be more dangerous than the others.

Anyhoo, bukas may special reprieve ako kasi kailangan naming magpakita sa event ng UP Press. Tapos may mini-event kami. We're burying somebody's nipples at the Sunken Garden. Don't ask, but you're welcome to drop by. Dala na lang kayo ng sarili nyong alcohol. Yun lang.

Cannot Find Server at kantogirl 10:01 a. m.  | 0 comment(s)


ako rin kung hindi rin ako ma-knock out. (been running a fever trying to finish my freaking paper.) go ako for friday and i will regale you with tales from the public forum of the search for the UP President. decide lang tayo kung saan ang gimik.

Cannot Find Server at a 7:47 a. m.  | 0 comment(s)


martes, septiembre 28, 2004
Oktoberfest na!

Yep. May oktoberfest sa friday sa ortigas.

So kung tuloy tayo sa friday, at dun tayo sa oktoberfest, di na ako magdadala ng sasakyan.

Kung UP tayo tatambay, okay lang sa akin.

Nga pala, drop by kayo rito-

http://www.masamania.com

hehehe!

Cannot Find Server at evil wolf 8:10 p. m.  | 0 comment(s)


I will take it, take it, take it away

Well, sana hindi pa huli. Pero puwede ako sa Friday. Nagkamali lang ako ng intindi. Friday pala yung alis ng friend ko papuntang Japan at mamaya dapat kami meet.

Umayaw na ba ang lahat? Nasaan na si Pareng Dennis? Feeling ko, ibinaon na niya ang sarili niya sa baul for one.

Cannot Find Server at kantogirl 7:51 p. m.  | 0 comment(s)


fine kung no takers for this friday. how about next? haaay! barely surviving this marathon paper writing. m just hoping to get it in by thurs, 5pm.

Cannot Find Server at a 10:09 a. m.  | 0 comment(s)


Mashadong Mushy

Papatulan ko na sana ang post ng Diva a couple of days back. It was so un-Diva-like.

Anyhow, raincheck muna ako sa Team Angas gimik sa Friday. Una, wala pa akong pera dahil naka-hold lahat ng bank accounts ko because of the snatching last weekend. (Shyet, parang kunyari marami akong accounts na pang-Swiss bank, pero leche ga-alikabok yun kumpara sa nakurakot ni Marcos noh.) Unless willing kayong sagutin ang dinner ko until I get my poor public teacher sweldo.

Saka may isa rin akong kaibigang papuntang Japan this month so Friday din yung binanggit niyang petsa ng gimik. Titingnan ko kung puwedeng i-resked ng Sabado, pero naka-block off na yun kasi darating ang aking Bangkok host sa Maynila this weekend so mala-GR ang drama ko.

Basta, bawal ang mush dito ha. As if. Hehe. Uuy, bakit tahimik ang gels?

Cannot Find Server at kantogirl 7:35 a. m.  | 0 comment(s)


lunes, septiembre 27, 2004
Art Exhibit ulit

Okay, sa mga walang magawa, may free time, or sa mga mahilig maglakwatsa, ini-invite ko kayo sa annual art exhibit ng Sining Marikina.

Sa Marikina City Hall lobby naka-display yung mga paintings. Open yun M-F nang office hours.

Nag-open yung exhibit kahapon, Monday, at di ako nakasama sa opening dahil kailangan ako dito sa opisina. 2 weeks yata ang takbo ng exhibit so malamang hanggang 1st week of October yun.

Kung nakapunta kayo sa exhibit last year, mapapansin nyong mas konti ang mga paintings ngayon.

Pero 2 yung paintings ko na sinama ko rito, so kung good thing or bad thing yun, kayo na humusga.

At sana may bumili...

Cannot Find Server at evil wolf 10:54 p. m.  | 0 comment(s)


Yo da diva iz in da hauzzzzz!!!!

Wow, diva, mas hindi ako actually makapaniwala na madalas ka mag-post ngayon! hehehe!

So ano mga pips? Tuloy ba block assembly sa friday?

Kung hindi ako ma-stuck sa opisina sa overtime, puwede ko kayo habulin sa UP.

Gulod? Mang Jimmy's?

god, sana matapos na agad ang week na ito, grabe...

Cannot Find Server at evil wolf 10:51 p. m.  | 0 comment(s)


Empowerment nino? At mundane replies. hehehe.

Wow, okay. So pag sexy star ka, empowered ang babae.

So sabihin mo yan dun sa nanay nung bata na ginahasa nung tambay sa labas na sobrang naapektuhan nung pantasya niya.

May nagsulat dati sa Inquirer na babae, regarding sa isyu nung sa SM. Ang punto niya, sobrang saturated na sa sex ng mainstream media. At masama yun.

Kapag uuwi raw siya, makikita niya yung taxi driver na nagbabasa ng isang sex column sa tabloid, at napapapraning na siya kung makakauwi siya nang maayos.

Siguro empowered yung mga sexy stars mismo, pero tanungin mo yung mga babae sa labas kung feeling empowered din sila kapag laganap yung sexy movies.

ISa pa, kung "subject" ang mga sexy stars kapag sila naghuhubad, bakit nagrereklamo ang mga feminist sa presence at portrayal ng mga babae sa commercials ng sigarilyo at alak? Pinilit ba yung mga sexy stars na lumabas dun, o pinili nila?

At sa argument mo, kapag sariling desisyon, power yun.

So ang may power ba ay yung majority ng kababaihan, o yung ilang sexy stars lang?

Hindi ako naniniwalang kailangang i-abolish ng porn. Hindi rin ako naniniwalang hindrance sa trabaho ng mga sexy stars yung desisyon ng SM.

Putsa, sa US nga, may thriving porn industry sila, may unyon pa ng mga porn stars. Available lang sa mga video, at sa mga adult theaters ang mga XXX films nila, pero hindrance ba yun sa trabaho?

Isa pa, ilang battered housewives ba ang meron kumpara sa sexy stars na "pinipigilang magtrabaho?" Araw-araw ang daming cases na binabalita ng babaing pinatay, asawang binugbog ni mister hanggang sa mamatay, pero nung lumabas itong Malate issue, tsaka lang ulit lumabas ang Gabriela.

What the hell?

*******

Yep, diva. Would you believe nasa launching ako nung "TIN on the Web?" Pinadalhan ako ng invitation ng BIR dati sa Proj. 6, nasa bahay pa yung invitation somewhere sa ilalim ng mga kalat ko.

So akala ko audience lang ako dun, tapos nagulat ako nung nakita kong may pangalan ako sa table, katabi ni Deputy Commissioner Guillermo.

Anyway, dinemo ko yung website sa laptop, nag-check ako ng TIN, tapos nakita ko ulit yung isang staff member ko sa highschool editorial staff namin dati, at reporter na siya ngayon sa channel 9.

Tsk, sayang lang at wala akong digicam nun, grabe, wala akong souvenir pics...

Cannot Find Server at evil wolf 1:34 a. m.  | 0 comment(s)


domingo, septiembre 26, 2004
Who's got the power?

Aba, ang aga-aga ng debate tungkol sa paghuhubad na agad ang topic dito sa angas ah.

Gusto ko lang kuwestiyunin yung statement ng ating Diva na "Hindi porke't involved ang sexuality sa kanilang racket ay pokpok na sila." Nakabase ito dun sa depinisyon na dahil sila ay sexy stars at hindi street walkers therefore may choice sila at hindi matter of life and death kung maghuhubad ba sila o hindi. At kung ganito nga ang mga pangyayari, ang nagiging kawawang object ay yung mga lalaking pumipila sa bold movies para magparaos ng libog sa isa't kalahating oras ng pantasya sa loob ng sinehan. Poor men, they can't get laid without having to resort to virtual and cinematic libog, boo-hoo-hoo.

Ganun nga ba iyon?

I don't think it's a matter of which sex is benefiting from this exchange. Ang deal is, isa itong exchange of marketable goods. Libog yung mga lalaki (ewan ko lang kung merong babaeng pumapasok ng sinehan para dito) at maibibigay ng mga babae sa pelikula ang lunas sa kalibugang iyon. Tit for tat, ika nga.

Tanungin nga natin ulit kung bakit naghuhubad ang mga babaeng iyon. Kung ang object ng tanong natin ay ang D'Bodies (labo ng pangalan nila--I think they're also the same "shampoo beauties."), ginagawa nga ba nila ito para isahan ang mga lalaki sa libog nila? Kumpara sa mga "glossy at brand name" na boldstars tulad nina Diana Zubiri, Rica Peralejo, Joyce Jimenez, etc, Kuhdet Honasan et. al. don't get a big payday. Gamitin na rin nating example si Hanni Miller. Para sa isang pipitsuging bold movie ng isang independent film outfit, ang ibinayad sa kanya para sa Puri ay tumataginting na P20,000. Kasama na yan ang karapatan ng bold star na kapartner na lamas-lamasin ang katawan niya, na mag-pose sa harap ng lalaking photographer para sa pictorial na lalabas sa mga tabloid na bibilhin ng mga lalaking libog at naghahanap ng bagong boldstar du jour na pagtatapunan nila ng kanilang pagnanasa. Ikontra mo yan sa talent fee ng sabihin na nating isang Rica Peralejo o ng isang Maui Taylor na maaaring sumingil ng 250,000 hanggang kalahating milyon para sa isang pelikula. Ikontra ulit natin iyan sa bayad sa artistang lalaking kapartner ni Rica/Maui (si Lolo Albert Martinez?) na mas malaki ang bayad kesa kay Rica/Maui. At ikontra ulit natin iyan sa film producer (ang Viva Entertainment) na kikita ng malaking pera sa video rights pa lang ng paghuhubad ni Patricia Javier. Sino ang dehado dito?

Ano ba ang dahilan nina Rica et al sa paghuhubad? Gusto nilang maging sikat na artista, at pag sikat na sila, maaari nang sumingil ng mahal. Pag nakaipon, magkakaroon ng karapatang bumili ng mamahaling gamit, magkakaroon ng stable na buhay (yan ay habang sikat siya at kumikita ng pera), at baka balang araw ay makapag-asawa ng mas stable sa kanya at maging respetado nang bahagi ng lipunan. Pero ang mga little bold starlets na ito ay gumagawa ng isa hanggang limang pelikula, nagdi-disappear na sa paningin ng publiko. Di hamak na mas bold at daring ang mga ito. Dahil walang pangalan at kailangang kumikita, ipinapakita agad ang lahat lahat sa maliit na halaga.

Sa ginawa ng Gabriela, hindi nga ba ang ipinagtatanggol nila ay ang equivalent ng pokpok sa showbiz? Kinurtail nga ba ng Maynila ang "power" ng mga pokpok na ito? Since ang D'Bodies ang low rent boldies na maliit lang ang kita, oo. Ang nakikita ko rito ay isang publicity stunt dahil gusto nilang makilala, sumikat at kumita ng mas malaking pera. At pag may pera na, maaari nang mag-decline sa paggawa ng bold movies, mag-"retire" at gumawa na lang din ng album at mag-asawa ng mayamang lalaki na gagawin silang disente. Ewan ko kung alam niyo, pero ang D'Bodies ay isang wannabe-Sexbomb. Meron silang album na "Kiliti" na balak nilang ilako sa mas malalaking record producer. Sa tingin ko ang ipinagtatanggol dito ng Gabriela ay ang karapatan ng bawat babaeng maging high class pokpok. Oo, mahirap ang buhay. Oo, kailangang maghubad ng babae para kumita. Pero dapat defined ang parameters ng paghuhubad. Pucha, kaya nga may aspirasyon ang mga bold stars na balang araw, makikilala rin sila bilang mga "tunay na aktres" at di lang pagbibilad ng katawan ang alam. Kung sinabi na lang ba nilang "Kasi gusto naming yumaman at kunin ang pera niyo kapalit ng lipas ng libog," may pipila ba sa mga sinehan?

Tandaan na lahat ay ginagawa sa ngalan ng salapi.

Cannot Find Server at kantogirl 8:40 p. m.  | 0 comment(s)


Say it ain't so, Gabriela...

Okay, so aaminin ko na na binoto kong Party-List nung nakaraang eleksyon yung Gabriela. Ewan ko lang kung nanalo sila o ano dahil masyadong naka-focus sa GMA vs. FPJ yung media, at nung nag-announce na ng winners, dineklara ni "Da King" na siya ang hari ng buong Pinas.

Anyway, surprising siguro sa iba na Gabriela ang binoto ko. Ibig kong sabihin, ako pa na isang lalaki, na nag-se-surf ng porn kapag walang magawa. Pero ibang isyu na yun.

Na-impress kasi ako dun sa ginawa nila nung panahon nung kagaguhang "Kinse Anyos" ads. Tama, di ba? Wag mong gawing sexual object ang mga bata at mga babae. Isa pa, burat na burat na ako kapag nakakabasa ako ng news items tungkol sa domestic violence.

Unfortunately, misplaced ang machismo ng mga Pinoy. Wow! In-uppercut mo si misis? Whoo! LAlaking-lalaki ka talaga, paksyet! HA? Binugbog mo si bunso? Syet! Ang laki ng bayag mo, astiiiggg! A, ulul.

Pero di na muna ako mag-co-comment sa kagaguhang isyu ng mga feminist na "chivalry is chauvinism," sa ibang araw na lang.

Ang object ngayon ay yung narinig kong balita na kinakampihan ng Gabriela yung mga Pokpok na nag-pictorial sa MAlate area na hinuli ng mga pulis dahil sa public scandal.

Pero bago ang lahat, kudos sa mga pulis na imbis na makisali sa mga taong nagpapalakpakan, ay ginawa yung duty nila at dinampot at kinulong yung mga shampoo beauties(?).

Okay, Gabriela, totoo nga ba na kinampihan nyo yung mga pokpok na yun?

Labo kasi nung palusot na "naghihirap na ang bayan kaya ginagawa na nitong mga babaing desperada ang kailangan nilang gawin para mabuhay"

Putsa, malabo naman kasi talagang gawing rason ang kahirapan para sa kagaguhan e.

Eto na lang e, pinaglalaban nyo ang women's rights, ayaw nyo na ginagawang sex object ang mga babae sa mata ng mga lalaki, di ba?

So nung ginagawa nung mga babaing yun yung pictorial sa Malate, sa tingin nyo hindi kumokontra yun sa konseptong "hindi sex object ang mga babae?"

Wow, so sa tingin nyo, anong iniisip ng mga nagpapalakpakang tao sa mga yun, sa kanilang skimpy outfits - "hindi sila sex objects, sila'y mga desperadang babae na naghuhubad dahil sa hirap ng buhay?"

Oh yeah, sure.

At syet, wag na nating ipasok yung debate kung yung ginawang yun ay art o hinde.

Okay, kung talagang "mahirap na ang buhay ngayon kaya ginagawa nila ang dapat nilang gawin para mabuhay," hindi ba dapat i-condemn nyo yung act na yun na nagpapalaganap ng kaisipang sex objects lang ang mga babae at isama nyo sila sa mga livelihood projects?

Hindi rason ang kahirapan. Kung i-a-affirm natin na tama yung ginawa nila dahil mahirap ang buhay at kailangan nilang kumita, parang sinabi na rin natin sa lahat ng babae sa Pinas na "okay lang na maging puta ka at ibenta ang laman mo dahil mahirap ang bayan at hindi mo na kailangang magsikap at magtiyaga sa isang matinong trabaho dahil mas madali pang maghubad at tumihaya, at mas madali pang kumita."

At kung pokpok talaga, fine, okay lang, nasa dugo talaga ng tao ang libog, at kung saan may demand, dapat may nagsusupply. Pero tama bang magdisplay ka sa public?

Ganito kasi, kung in-affirm natin yung nangyari, sisikat yung mga pokpok. Magkakaroon sila ng mararaming sexy na pelikula na ipopromote sa mainstream media. Na makikita ng mga tao, kasama na ng mga bata. Tapos kikita ng malaki yung producers at managers. MEanwhile, napasok at na-confirm sa utak ng mga tao, dahil sa mga nakitang promotions, na ang babae ay sex object lang, na ang babae ay property ng lalaki, na ang mga babae ay mga naglalakad na puke lang.

At hulaan nating lahat kung kaninong cause ang mahihirapan lalo?

Unless na binago na ng grupong ito yung cause nila mula "women empowerment" tungo sa "poor pokpok kunsintidor?"

Dati, may pinuntahan ako sa Malate. Pinarada ko yung sasakyan ko malapit sa simbahan, sa may tabi nung Aristocrat. Nung pauwi na ako, binuksan ko yung pinto ng VW, at naupo sa loob. Bago ako mag-start, may lumapit na bata, mga 8 yrs. old lang yata. Akala ko "watch your car boy." Naglalabas na ako ng barya na iaabot nang biglang magtanong yung bata -

"Ser, babae po, ser?"

Okay, i-e-expect ko yun kapag matandang babae yung nagtanong, o lalaki, o bading.

Pero bata?

A hinde, okay lang yun. Siguro mahirap yung bata. Mahirap na ang buhay ngayon di ba? Kaya kailangang gawin ang dapat para mabuhay. Tulad nung bata, natutong maging bugaw.

HAha! Pinaglalaban ng Gabriela yung mga taong kumikita sa konseptong "women are sex objects."

Anong susunod? Mga human rights groups na kampi sa mga rapist, drug addict, at holdaper?

Oops...

Cannot Find Server at evil wolf 4:32 p. m.  | 0 comment(s)


sábado, septiembre 25, 2004
Isa muling Manila True Horror Story

Dapat magkokoment lang ako sa post ni Jol earlier, pero hindi ko akalaing magdadagdag na naman ako ng isang karanasang maging biktima ng krimen.

Siguro ngayon natanggap nyo na yung messages ko na wala na naman akong telepono, at broke ako dahil I had to block off all my cards to prevent them bad people from accessing my accounts. Ang internet card na ginagamit ko ngayon ay courtesy ng mga nakababata kong kapatid na dinagdagan ang pera kong natitira para bumili ng netcard. Dapat meron akong sarili pero ito muna ang kuwento.

So masaya na sana yung araw ko. Nanood ako ng Saved! sa Glorietta, tapos nagpunta ng Wok Inn sa Malate para sa dinner. Tapos we met up with fellow Dungeon Dwellers Butch at friend niya. Sumakay kami nung pang-turistang bus sa may Plaza Sulayman sa Baywalk para sa isang tour ng Luneta, Pier, Grandstand, Star City ek. Lahat ng daanan naming tao napapatingin sa sasakyan at mega kaway kami. Tapos yung radyo pa e nakatutok sa Mellow Touch yata at puro 70s ballads ang tugtog. Mas okay sana kung Filipiniana but no, talagang Bread ang soundtrack of choice nila. Nung nag-alas dose na, nag-sign off na rin ang radyo at nauwi kami sa bad hiphop.

Pag balik naman sa plaza, may I balik kami sa Malate dahil may hinihintay pa kaming ibang fellow Dungeon Dwellers. Pero iba yung nakasalubong naming D.D. Puwede na rin, masaya naman. Tapos dahil ilang beses nang inadjust yung clock ng telepono ko, akala ko ala-una pa lang nung umuwi kami pero near 2am na pala yun.

Naghintay sila ng taxi. Naisakay ko na silang lahat, at feeling ko teritoryo ko ang Maynila, nagmaganda akong sumakay na lang ng jeep dahil ang tagal makakuha ng cab. Yun ang pagkakamali ko. Usually pag ganung oras, di na ako nagco-commute, cab na lagi, at di ako sa rutang Sta. Ana-Faura dumaraan. Alam ng lahat na yung part ng Quirino Avenue, riles at yung part na maraming squatters ay pugad ng mga snatchers at agaw cellphone. Pero hindi ko na inisip yun. HIndi naman ako sa dulo ng jeep nakaupo. May dalawa pang lalaki na dun nakaupo na nagkukuwentuhan. Masama pa nga ang tingin ko dun sa isa kasi may dala siyang knapsack na parang walang laman naman. Inisip ko, hmmm, may masama palang balak yung mga taong yun? Pero mali pala ako.

Every now and then, pumapara ang jeep para maghintay ng pasahero. Tumigil ulit ang jeep sa may eskuwelahan at dun sa dating park na Paraiso ng Batang Maynila yata yun. Kaharap ko yung bridge at estero. Mula sa likod ko, may lalaking lumapit sa jeep, akmang sasakay, but no, dinukwang niya at inabot ang bag ko sabay takbo.

Sumigaw ako: Inagaw nung lalaki yung bag ko!

Casual siyang naglakad patawid at papunta sa may ilog. Walang ibang tao nun. Kaya naglakas loob yung dalawang lalaki na habulin siya since lamang sila. Tapos biglang from the shadows ay may lumabas na ibang mga lalaki at humarang. Inakmang sasasaksakin yung isang lalaking kasakay ko sa jeep. Akala ko talaga nasaksak siya.

Since outnumbered na at mukhang kukuyugin nila kami, sinigawan ko silang bumalik na sa jeep at sa driver na tumakbo na bago kami abutan. Ayun. Ganun lang kadali. Ang natatandaan ko lang ay naka-blue at red siya na jersey shirt, maong shorts na lagpas tuhod, at itim na cap at balingkinitan ang katawan. Brown ang balat. Dahil natatakpan ng brim ng cap ang mukha niya at tumakbo siya sa shadows, hindi ko siya makikilala.

Bumaba kami sa gas station at naghanap ng pulis. Itinuro kami sa baranggay. Walang mga tanod. Nung una ayokong sumama dun sa dalawang pasaherong lalaki dahil malay ko ba kung may masama rin silang balak. Pero they said gusto lang nilang tumulong, at dahil muntikan na rin silang masaktan gusto rin nilang magreklamo.

Naglakad kami sa mga eskinita at itinuro kami sa bahay ng chairman. Natutulog na sila at nag-doorbell kami ng ilang beses. Mas hyper magkuwento ang mga kasama ko nung finally lumitaw na si chairman at si misis niyang naka-lingerie pang flesh colored. Nakiupo ako at nakitawag para ipa-block ang mga cards ko. Mas mahalaga sa akin yun kesa telepono at iba pang laman ng bag at wallet. Pero ang lecheng 89-100, bago ka makagawa ng transaction puro "Press 1 for account inquiry, press 2 to pay your bills, press 3 to access your checking account." Parang tangina naman nila di ba, emergency na nga aantayin pa yata hanggang "Press 1,999,998 to lock cards if stolen or lost."

Nung finally may nakausap na akong phone banker, dumating na yung mobil ng mga pulis, gising na buong bahay ni chairman, at naka-bathrobe na si Mrs. Chairman. Kinailangan kong mag-hangup dahil hahabulin daw yung mga snatcher. Sumakay ako sa passenger seat ng bagong bagong mobile. May plastik pa nga yung upuan at amoy formaldehyde pa. Tapos yung pulis tumigil magdrive dahil may tumawag sa phone niya. Nung finally malapit na kami sa lugar, nag-slow down kami para tingnan yung mga naka-tambay at kung may puwedeng damputin.

Siyempre takipan na yung mga tambay dun. Nagsuot kami kung saan-saan, at may hinabol pa sila na natakot ako dahil nagkalabasan na ng baril. Kung naabutan nga nila yun at may narinig akong putok, at kung tinawag nila ako para i-identify yung tinamaan, "Miss, ito ba yung kumuha ng bag mo?" tapos makikita ko yung dugo, yung nakahandusay na katawan, maituturo ko nga ba? Paano kung mali pala yung nabaril nila?

Pero nawala lahat iyon dahil yung bitbit nila ay isang patpating binatilyo na nakitakbo lang pala. Inaway pa yung bata ng kuya niya: "Buwakanangina mo kasi sinabi nang umuwi ka na dapat kanina pa! Pinapalamon kita buwakanangina ka!" Tapos may matabang babae na naghagis ng kaldero sa labas ng bintana niya, sinisigawan yung isa pang lalake. Ang lakas daw ng boses, nagising yung bata at may narinig nga kaming umuuhang sanggol.

Tapos yung mga tao sa paligid namin, kumukumpol, tinititigan kaming mga pasahero ng jeep na naka-itim at mukhang galing ng gimik, "Miss, ikaw ba yung nanakawan? Anong nakuha sa iyo?" Gusto ko silang pagsasapakin kasi alam kong mga buwakananginang kakilala rin nila yung mga snatcher. At alam naming walang magtuturo sa kanila kung nasaan ang mga buwakananginang iyon kahit pa magronda kami at maghanap.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iikot dun sa mga estero at eskinitang iyon, bumalik na kami sa mobile. Gising pa rin lahat ng mga tao. Alam nilang wala rin namang patutunguhan ang paghahanap. Pumunta kami sa presinto. Muli, tumayo na naman ako dun sa frontdesk at nagbigay ng particulars. Ngayon tinatanong na nila ako kung may asawa ba ako, anong trabaho, kung teacher ka anong ginagawa mo sa labas ng ganitong oras, ano yung mga nawala sa iyo?

Nung iniupo ako ulit nung isa pang pulis para gumawa ng report, ipinaisai-isa niya sa akin yung laman ng bag. Magkano yung bag? Mura lang naman iyong native green na bag na iyon, wala pa yatang P100. Yung wallet na wala pang isang buwan, regalo sa akin nung birthday ko, wala pang P500. Yung mga ATM cards, card sa video city, sa timezone, sa Ayala Center, yung MRT at LRT commuter passes ko, yung BIR id ko na source ng aking gimik interruption sa Bangkok. Kung pera at pera rin lang, alam kong lugi sa akin yung mga snatcher na iyon. Isang daang mahigit na lang yata ang pera ko dun. Pero nandun nga yung mga ATM, yung bagong internet card ko, yung train passes na bago pa. Yung cellphone ko na wala pang isang taon, siguro wala nang limang libo pag binenta yun ngayon.

Ano pa daw ang laman ng bag? Yung kikay kit ko po? Inilista yun ng pulis pero hindi na tinanong kung magkano. Nung nakauwi na ako sa bahay at maghuhugas sana ng mukha, saka lang ako nainis. Punyeta, mas mahal pa yung contents ng kikay kit na yun kesa sa wallet. Yung lip balm ko at cheek tint na galing sa Body Shop, yung floss, yung compact, yung card carrier case ko na galing British Council, yung ketchup packets ng Wendy's na sumobra sa kinain naming french fries sa sinehan, yung mga pens ko na pang-check ng student papers, yung cutter ko na dapat sanang panaksak ng snatcher at holdaper kung nagkataon at hindi ko naman nagamit nung dumating ang pagkakataon. Wala raw halaga yun, sabi nung pulis. Inilagay niya, "personal kit." Tapos na ang report.

Ni wala akong baryang pamasahe pauwi. Yung dalawang lalaki na tumulong sa akin, sila na papunta sana sa gimik sa Makati at hindi na natuloy, sila ang nag-asikaso sa akin. Bumili ng tubig at hotdogs sa 7-11 para sa akin at dun sa 2 pulis, sinamahan ako pauwi. Kadalasan hindi naman sila talaga nakikialam, pero ayun bumaba sila, nadamay, kaya hanggang doon naabala ang buhay. Hindi naman daw sila nagsisisi. Sabi ni Paul na muntikan nang masaksak, ang tatay niya napatay ng mga adik na magnanakaw kaya may galit siya sa mga taong ganun. Si Che naman daw yung kapatid niyang babae nanakawan din. Sa buong oras na naglilibot kami sa mga eskinita hanggang sa police station, ni hindi ko alam kung sino sila. Nung tanungin na lang ng mga pulis saka kami nagkakilalanlanan.

Kinailangan kong katukin ang nanay ko dahil wala na naman akong susi sa bahay. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. SAbi niya, di ba hindi ka naman dun dumadaan? Bakit di ka nagtaksi tulad ng dati? Dapat maliit na bag lang ang dala mo. Ewan ko ba. Maliit na bag naman ang dala ko. Ni hindi mo ngang pag-iisipang nakawin dahil mukhang mura na, luma pa. Pero nakursunadahan pa rin.

Nung tinatanong sa akin yung description nung suspek, sabi nung pulis parang iyon din yung suspek sa nakawan nung isang gabi. May binanggit silang pangalan na laging nadadakip sa ganong kaso. Pag may nahuli daw sila, tatawagan na lang ako. Feeling ko wala na namang mangyayari eh. Kaya heto ako ngayon, nasa bahay, walang tulog, walang pera, walang telepono. Gusto kong may magawa ako tungkol sa nangyari. Hindi kagandahan, pero yun talaga ang reputasyon ng lugar na yon. Pandacan, pugad ng isnatcher at magnanakaw. Kahit ako na taga-doon na, di pa rin naman sinasanto.

Gusto ko lang naman ibalik na lang nila ang mga ID ko. May address naman sa wallet. Ibalik na lang nila. Pati na yung lip balm ko, mga leche sila. Kung di man nila ibalik, at gamitin nila yun, sana mabulok na lang mga bibig nila mga buwakananginang snatcher sila. Sang-ayon ako kay Jol, yung mga ganyan, dapat sina-salvage na yan. Kahit sabihin nyo pang iba naman yung nanutok ng baril kesa sa nakuhanan ng bag, ganun pa rin yun eh. Aanhin pa yung human rights, eh animal naman ang tingin nila sa kapwa nila. Oo, sige, survival of the fittest. Given nang mahirap ang buhay at below poverty line sila. Pero kung ganun at ganun din lang ang gagawin nila, eh amanos na lang.

Cannot Find Server at kantogirl 11:37 p. m.  | 0 comment(s)


Dahil end na ng sem and maybe to entice me to finish my paper on my deadline, i propose we get together on friday, october 1. any takers?

I don't remember if i ever got around mentioning for the 50 book list that i eventually finished reading OFW and Enrique El Negro. it's kind of weird reading all these feminist theory chuchu for my class and deciding to critique Carla Pacis. Feeling ko tuloy para akong slaying the mother after all, i am from the Carla school of writing for children, having no choice but to take the course under her because she was the only available teacher at that time. wala lang. just taking a break from my imaginary paper writing.

Cannot Find Server at a 7:29 a. m.  | 0 comment(s)


miércoles, septiembre 22, 2004
Isang Horror Story

Kani-kanina lang, habang nakatambay ako dito sa work area ko, biglang may naglipat ng channel sa HBO, at ang palabas, Thirteen Ghosts. Astig yung movie, pero unfortunately, hindi ito article tungkol sa 13 ghosts.

Kani-kanina lang din, nag-text sa akin ang nanay ko, yung kapatid ko raw na highschool student, tinutukan ng baril, at kinuha ang cellphone.

Half-day lang kasi ang sched nung utol ko, kaso dahil may practice, di siya nakasabay nung sinundo sila ng nanay ko. So yung sis ko, nakauwi, siya naman, naiwan. Ang problema, hindi natuloy ang practice nila kaya kailangan niyang umuwi mag-isa. Tanghaling tapat ito, mga ala-una yata.

Walking distance lang ang school mula sa bahay, kaso paranoid na dapat ngayon, kaya hatid-sundo pa rin sila dapat.

So ngayon, naglalakad na siya at nung papasok na raw sa village namin, biglang may dumaan na tricycle. May tatlong lalaking bumaba. Yung pinakamalaking manong, inakbayan siya, tinutukan ng revolver, at sinabi yung pangalan niya.

Yep. Kilala siya nung magnanakaw.

Di ko pa alam lahat ng detalye dahil nasa opisina pa ako ngayon habang nagtatype nito, at may meeting pa akong mamayang gabi.

Pero nung tumawag ako sa bahay para kumustahin ang mga tao dun, kakagaling lang daw nila sa baranggay para ipa-blotter yung nangyari.

Nakakatakot ding isipin na kilala siya ng magnanakaw. Isa lang ibig sabihin nun- minamanmanan yung utol ko ng mga magnanakaw. At hindi malayong may inside job, o may schoolmate yung utol ko na tinitiktikan yung mga gago sa labas.

Yung isang utol ko, natutukan din dati sa E. Rodriguez ng balisong isang hapon, at nanakawan ng phone. Nadukutan din siya at naholdap yung sinasakyang jeep dati.

Itong kapatid kong highschool, ninakawan ng phone at gunpoint ng isang manong na mas malaki sa kanya. At 13 pa lang ang kapatid ko.

Expected na rin namang tumaas ng bilang ng krimen ngayon dahil malapit na ang pasko, at bagsak ang ekonomiya.

Ang nakakainis naman, ako na nagcocommute araw-araw papuntang trabaho, kailangan ko nang magdala ng sasakyan. Safe nga marahil ang shuttle, pero vulnerable ako kapag papunta ako sa istasyon o kapag bumaba na ako at naglakad papuntang bahay namin.

At late pa ako madalas umuwi.

Naalala ko rin yung 3-part series na special report na ginawa ng Inquirer tungkol sa cellphone snatching, at nakakdismayang malaman na pinapalaya ulit ng mga pulis yung mga snatcher at holdaper dahil hindi tinutuloy ng mga biktima yung reklamo nila.

Pero may mas maganda pang solusyon diyan.

Summary Execution.

Yep. Salvage.

Magtapon ka lang every week ng bangkay ng mga notorious na holdaper sa Marikina river, naniniwala akong bababa yung crime rate.

Bakit mag-aapply ang mga human rights sa mga hayop na kayang manutok ng baril sa isang 13 anyos na bata? Yep, ito rin ang mga hayop na nananaksak ng mga estudyante para makuha ang cellphone nila.

Ang human rights sa mga biktima lang dapat nag-aapply. Sa mga babaeng binubugbog ng asawa nila, sa mga batang binubugbog ng mga matatanda. Sa oras na gumawa ka ng kasamaan sa kapwa mo, tinapon mo na ang pagka-human mo. So wala ka na dapat human rights.

Di na excuse ang kahirapan. Buti sana kung sa pambili ng pagkain ginagamit itong mga nakukuha sa holdapan, kaso madalas sa droga.

So ano ang human dun?

Di ba nakakainis na sa sobrang paglaban sa "human rights" ng kriminal, nakalimutan na yung violated human rights nung biktima?

Forgive and forget? Tama. Kaya nakatira pa rin hanggang ngayon si Imelda sa mansyon niya habang naghihirap pa rin yung mga kamag-anak ng mga biktima ng martial law.

Sa ngayon, naghihintay na lang ang mga tao sa bahay ng feedback at updates sa mga susunod na araw.

Salamat na lang at di nasaktan ang kapatid ko.

Pero yung idea na kilala siya nung magnanakaw, kailangan pa ring mag-ingat.

At kung sino man yung estudyante na nag-tip sa mga holdaper, dapat bugbugin din ng madla kahit na minor de edad.

So yun lang. Ingat, mga pipol.

Cannot Find Server at evil wolf 2:00 a. m.  | 0 comment(s)


lunes, septiembre 20, 2004
Madam Auring

According to this blog, Madam Auring and Patricia Evangelista are the top result of students' research based on google hits. I can understand the Patricia Evangelista ek, but Madam Auring as a research paper topic? Hehehe.

If we're going to follow this logic, then based on the google hits on my blog, students must be doing lots of research on boldstars and r18 movies. But based on 2 Eng10 classes, this semester's favorite research topics include RPGs, Japanese anime, advertising and cosmetic surgeries. And oh, metal music. I've been informed to death about these things.

On a related note, we took up The Diva's speech versus Evangelista's blonde and blue eyes chuva and we all agree that the latter forwards a globalization that doesn't foster differents. Her working assumption is that everyone is equal and cosmopolitan and it's not really too bad that we all have to go abroad because then, we have something to look forward to. I.e., the going home part. Other than that, everything is all right. On the other hand, The Diva claims that the world is not alright. It denies difference and unity is just a sham. Blah blah, blah blah.

Wala lang. I've had it with checking. I had to stay home today because of last weekend's paper checking overload. I swear, I don't want to see another paper on RPGs ever again.

Cannot Find Server at kantogirl 10:29 p. m.  | 0 comment(s)


domingo, septiembre 19, 2004
Sister

I have this weird entry in my referrers list for a google search on "jessel+astrid+sister." Oi, someone wants to know if we're related, BnC. Baka magalit yung legitimate niyan. Hehe. Wala lang pong magawa at brain dead pa ako.

Cannot Find Server at kantogirl 10:54 a. m.  | 0 comment(s)


viernes, septiembre 10, 2004
Crazy Rabbit

This is in the tradition of CLF posts, I bring you one crazy rabbit, who thinks that your cursor is some tasty carrot stick.

Wala lang, aliw lang siya.

In other news, I also finished Shopgirl by Steve Martin. Got my copy for php99 at a National Bookstore sale bin. Nakakalungkot siya. I think BnC referred to this book already eons ago, tamad lang ako hanap ng internal link, at tama siya: It really is pain that changes our lives.

Btw, uy nood ba kayo ng cheerleading competition sa Araneta bukas? Nood kami ni Tamadita.

Cannot Find Server at kantogirl 10:55 p. m.  | 0 comment(s)


jueves, septiembre 02, 2004
Supersize Me

Nakakagulat at nakakatawa na nagpapalabas na sila ng documentaries sa mga sinehan. Di mo talaga aakalain.
A few years ago, mapapanood mo lang ang documentaries sa Natl. Geographic at Discovery Channel.

Rewind mo pa nang kaunti, mapapanood mo ang mga documentaries sa channel 9 o channel 13 sa mga patay na oras.

Pero nagbago na rin kasi ng format ang mga documentaries ngayon. Dati, informative at educational. At alam naman natin kung gaano ka-boring kadalasan kapag educational. Ngayon, entertaining na rin. Kaya di ko mapapatawad ang Home Cable nung tinanggal na nila ang Discovery Channel sa lineup nila.

So maraming salamat sa post-modernism, naging part na rin ng pop culture ang documentaries.

At kagabi nga, nagkita-kita kami nina TJ and company para manood ng Supersize Me.

Nabasa ko na yung tungkol sa Supersize Me a few months earlier. Isang news item tungkol sa isang lalaking gumawa ng documentary tungkol sa McDo diet na nagkaroon ng liver problems sa gitna ng one-month time frame, kaya nung kinuwento sa'kin ni TJ yung plano na manood nun, alam ko na yung premise, more or less.

Ang plot basically- for one month, kakain lang ng MC Donald's food items yung lalaking gumagawa ng docu. Hindi siya puwede kumain ng ibang pagkain- basta dapat galing sa Mc DO. Breakfast, lunch, dinner- tapos i-mo-monitor nila yung, errr, progress sa pamamagitan ng regular check ups sa mga doktor.

Okay, so although MC Do ang pinaka-target ng film, tinatackle din nito ang junk food at nutrition in general, at siyempre, yung link nito sa matataas na cases ng obesity sa US.

Mid-way sa Mc Do diet, nagdevelop ng liver problems yung lalaki. Siyempre, in-advise-an siya ng 3 doktor niya na mag-quit habang maaga pa. Sabi pa nung isa, common yung problema sa mga alcoholic, pero di niya inexpect na may ganyang effect din ang isang high-fat diet tulad ng Mc Do.

Tumaas drastically ang timbang, body fat, at iba pang mga acronyms na mga doktor at dietician at mga health nuts lang yata ang makakaalam, nung lalaki. Testimonial pa nung syota niyang vegetarian, medyo bumaba raw ang quality ng sex nila, baka raw nababarhan na nung taba yung blood flow sa etits nung lalaki.

So hindi ko na ikukuwento yung iba pang content nung documentary. Sapat na sigurong sabihing after ko yun mapanood, nagpapasalamat ako't can't afford akong mag-Mc Do araw-araw. Siyempre di ko itatakwil ang Big Mac, pero ayun, eat moderately na lang.

PEro nakakapraning talaga ang documentary, lalo na kapag Mc Do addict ka, at oo, addictive ang pagkain ng Mc Do. After ng ilang araw ng pagkain ng Mc Do, nagkakaroon na siya palagi ng cravings, at nagiging cranky at nahihirapan mag-focus yung lalaki pag di siya nakakain nito. After ng meal, okay na ulit ang pakiramdam niya. Weird.

Humorous naman ang paghandle sa message kaya entertaining talaga. At siyempre, importante sa documentary, informative din ito at educational.

Tapos, tandaan din natin na hindi lang Mc Do ang tinitira dito kundi yung buong fast food business. Baka kasi akalain ng mga ibang tao na Mc Do lang ang "evil."

Common knowledge naman yata sa atin na nakakataba ang Mc Do, or junk foods. Nung nandun pa ako sa luma kong opisina, nagkaroon ng promo ang Selecta Cornetto, yung may VW New Beetle na prize. At dahil hayok na hayok ako sa New Beetle, araw-araw bumili ako nung ice cream para sa merienda. After one week, sumikip na ang pantalon ko, at di ako nanalo ng New Beetle.

Nga pala, sa Mc Do, nagtataka ba kayo kung ano si Grimace? Supposedly kasi, di ba, bawat character, may rinerepresent na pagkain, puwera kay Mc Do mismo na corporate mascot. So ano si grimace? Sabi ng iba, ice cream daw, o sundae. Sabi ng iba, kamote raw kasi ang fries ng Mc Do at si Grimace yung raw kamote. Sabi naman ng iba, kapag kumain ka ng maraming Mc Do, makikita mo si Grimace sa inidoro afterwards, although hindi ito na-confirm sa film.

Marami ring theories yung highschool batch ni TJ. Pero pagkatapos mapanood yung documentary, napagtagpi-tagpi na namin ang katotohanan. Si Grimace ay isang taong kumain ng Mc Do, tuloy-tuloy, lampas sa one month na timetable ng film. Kung tinuloy siguro nung lalaki yung all-Mc Do diet niya, magiging Grimace din siya, at i-a-adopt din siya ng Mc Do. Check nyo- mataba si Grimace, at kulay violet. So sa kakakain niya ng Mc Do, tumaba siya, at dahil bumigay na ang atay niya, o dahil nag-mutate ang blood vessels niya sa taba, na-corrupt at nalason ang dugo niya, kaya siya nagkulay violet. O siguro sa sobrang taba niya, di na siya makahinga kaya nagkulay violet siya. So dahil sa documentary, na-solve na rin namin ang misteryong bumabagabag sa isipan namin mula nang kami'y mga bata pa. Astiiiig!

Gaano kalakas ang impact ng documentary? Sabi ng boss ko, ngayon-ngayon lang, nung lumabas daw sa Australia ang Supersize Me, naglabas din daw ang Mc Do ng malalaking posters ng "Facts that they didn't tell you in the documentary."

Sa local scene naman,kanina habang nakasakay sa shuttle papuntang opisina, nakasalubong namin ang isang motorcade ng Mc Donald's.

Wow, as in si MC Do mismo, kumakaway mula sa likod ng isang pick-up, tapos sa likod niya, pila ng mga Mc Do delivery bikes, kaya na-delay ang biyahe namin. Putanginang Mc Do, kung hindi nambabara ng blood vessels, nambabara naman ng kalsada. Hehehe.

So, recommended talaga ang Supersize Me. Okay siya. Panoorin nyo, pipol. Astig!

Ngayon, kung may makita naman akong matinong kopya ng Fahrenheit 9-11...

Cannot Find Server at evil wolf 6:36 p. m.  | 0 comment(s)


pasensiya na hindi muna ako nakikisawsaw dito. may sarili akong pinagkakaangasan ngayon tungkol sa industriyang kinabibilangan ko. gusto ko rin sana marinig ang opinyon ninyo tungkol dito.

Cannot Find Server at a 2:15 a. m.  | 0 comment(s)



Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com