The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: miércoles, septiembre 22, 2004Kani-kanina lang, habang nakatambay ako dito sa work area ko, biglang may naglipat ng channel sa HBO, at ang palabas, Thirteen Ghosts. Astig yung movie, pero unfortunately, hindi ito article tungkol sa 13 ghosts. Kani-kanina lang din, nag-text sa akin ang nanay ko, yung kapatid ko raw na highschool student, tinutukan ng baril, at kinuha ang cellphone. Half-day lang kasi ang sched nung utol ko, kaso dahil may practice, di siya nakasabay nung sinundo sila ng nanay ko. So yung sis ko, nakauwi, siya naman, naiwan. Ang problema, hindi natuloy ang practice nila kaya kailangan niyang umuwi mag-isa. Tanghaling tapat ito, mga ala-una yata. Walking distance lang ang school mula sa bahay, kaso paranoid na dapat ngayon, kaya hatid-sundo pa rin sila dapat. So ngayon, naglalakad na siya at nung papasok na raw sa village namin, biglang may dumaan na tricycle. May tatlong lalaking bumaba. Yung pinakamalaking manong, inakbayan siya, tinutukan ng revolver, at sinabi yung pangalan niya. Yep. Kilala siya nung magnanakaw. Di ko pa alam lahat ng detalye dahil nasa opisina pa ako ngayon habang nagtatype nito, at may meeting pa akong mamayang gabi. Pero nung tumawag ako sa bahay para kumustahin ang mga tao dun, kakagaling lang daw nila sa baranggay para ipa-blotter yung nangyari. Nakakatakot ding isipin na kilala siya ng magnanakaw. Isa lang ibig sabihin nun- minamanmanan yung utol ko ng mga magnanakaw. At hindi malayong may inside job, o may schoolmate yung utol ko na tinitiktikan yung mga gago sa labas. Yung isang utol ko, natutukan din dati sa E. Rodriguez ng balisong isang hapon, at nanakawan ng phone. Nadukutan din siya at naholdap yung sinasakyang jeep dati. Itong kapatid kong highschool, ninakawan ng phone at gunpoint ng isang manong na mas malaki sa kanya. At 13 pa lang ang kapatid ko. Expected na rin namang tumaas ng bilang ng krimen ngayon dahil malapit na ang pasko, at bagsak ang ekonomiya. Ang nakakainis naman, ako na nagcocommute araw-araw papuntang trabaho, kailangan ko nang magdala ng sasakyan. Safe nga marahil ang shuttle, pero vulnerable ako kapag papunta ako sa istasyon o kapag bumaba na ako at naglakad papuntang bahay namin. At late pa ako madalas umuwi. Naalala ko rin yung 3-part series na special report na ginawa ng Inquirer tungkol sa cellphone snatching, at nakakdismayang malaman na pinapalaya ulit ng mga pulis yung mga snatcher at holdaper dahil hindi tinutuloy ng mga biktima yung reklamo nila. Pero may mas maganda pang solusyon diyan. Summary Execution. Yep. Salvage. Magtapon ka lang every week ng bangkay ng mga notorious na holdaper sa Marikina river, naniniwala akong bababa yung crime rate. Bakit mag-aapply ang mga human rights sa mga hayop na kayang manutok ng baril sa isang 13 anyos na bata? Yep, ito rin ang mga hayop na nananaksak ng mga estudyante para makuha ang cellphone nila. Ang human rights sa mga biktima lang dapat nag-aapply. Sa mga babaeng binubugbog ng asawa nila, sa mga batang binubugbog ng mga matatanda. Sa oras na gumawa ka ng kasamaan sa kapwa mo, tinapon mo na ang pagka-human mo. So wala ka na dapat human rights. Di na excuse ang kahirapan. Buti sana kung sa pambili ng pagkain ginagamit itong mga nakukuha sa holdapan, kaso madalas sa droga. So ano ang human dun? Di ba nakakainis na sa sobrang paglaban sa "human rights" ng kriminal, nakalimutan na yung violated human rights nung biktima? Forgive and forget? Tama. Kaya nakatira pa rin hanggang ngayon si Imelda sa mansyon niya habang naghihirap pa rin yung mga kamag-anak ng mga biktima ng martial law. Sa ngayon, naghihintay na lang ang mga tao sa bahay ng feedback at updates sa mga susunod na araw. Salamat na lang at di nasaktan ang kapatid ko. Pero yung idea na kilala siya nung magnanakaw, kailangan pa ring mag-ingat. At kung sino man yung estudyante na nag-tip sa mga holdaper, dapat bugbugin din ng madla kahit na minor de edad. So yun lang. Ingat, mga pipol. Cannot Find Server at evil wolf 2:00 a. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment