The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: jueves, septiembre 02, 2004Nakakagulat at nakakatawa na nagpapalabas na sila ng documentaries sa mga sinehan. Di mo talaga aakalain. A few years ago, mapapanood mo lang ang documentaries sa Natl. Geographic at Discovery Channel. Rewind mo pa nang kaunti, mapapanood mo ang mga documentaries sa channel 9 o channel 13 sa mga patay na oras. Pero nagbago na rin kasi ng format ang mga documentaries ngayon. Dati, informative at educational. At alam naman natin kung gaano ka-boring kadalasan kapag educational. Ngayon, entertaining na rin. Kaya di ko mapapatawad ang Home Cable nung tinanggal na nila ang Discovery Channel sa lineup nila. So maraming salamat sa post-modernism, naging part na rin ng pop culture ang documentaries. At kagabi nga, nagkita-kita kami nina TJ and company para manood ng Supersize Me. Nabasa ko na yung tungkol sa Supersize Me a few months earlier. Isang news item tungkol sa isang lalaking gumawa ng documentary tungkol sa McDo diet na nagkaroon ng liver problems sa gitna ng one-month time frame, kaya nung kinuwento sa'kin ni TJ yung plano na manood nun, alam ko na yung premise, more or less. Ang plot basically- for one month, kakain lang ng MC Donald's food items yung lalaking gumagawa ng docu. Hindi siya puwede kumain ng ibang pagkain- basta dapat galing sa Mc DO. Breakfast, lunch, dinner- tapos i-mo-monitor nila yung, errr, progress sa pamamagitan ng regular check ups sa mga doktor. Okay, so although MC Do ang pinaka-target ng film, tinatackle din nito ang junk food at nutrition in general, at siyempre, yung link nito sa matataas na cases ng obesity sa US. Mid-way sa Mc Do diet, nagdevelop ng liver problems yung lalaki. Siyempre, in-advise-an siya ng 3 doktor niya na mag-quit habang maaga pa. Sabi pa nung isa, common yung problema sa mga alcoholic, pero di niya inexpect na may ganyang effect din ang isang high-fat diet tulad ng Mc Do. Tumaas drastically ang timbang, body fat, at iba pang mga acronyms na mga doktor at dietician at mga health nuts lang yata ang makakaalam, nung lalaki. Testimonial pa nung syota niyang vegetarian, medyo bumaba raw ang quality ng sex nila, baka raw nababarhan na nung taba yung blood flow sa etits nung lalaki. So hindi ko na ikukuwento yung iba pang content nung documentary. Sapat na sigurong sabihing after ko yun mapanood, nagpapasalamat ako't can't afford akong mag-Mc Do araw-araw. Siyempre di ko itatakwil ang Big Mac, pero ayun, eat moderately na lang. PEro nakakapraning talaga ang documentary, lalo na kapag Mc Do addict ka, at oo, addictive ang pagkain ng Mc Do. After ng ilang araw ng pagkain ng Mc Do, nagkakaroon na siya palagi ng cravings, at nagiging cranky at nahihirapan mag-focus yung lalaki pag di siya nakakain nito. After ng meal, okay na ulit ang pakiramdam niya. Weird. Humorous naman ang paghandle sa message kaya entertaining talaga. At siyempre, importante sa documentary, informative din ito at educational. Tapos, tandaan din natin na hindi lang Mc Do ang tinitira dito kundi yung buong fast food business. Baka kasi akalain ng mga ibang tao na Mc Do lang ang "evil." Common knowledge naman yata sa atin na nakakataba ang Mc Do, or junk foods. Nung nandun pa ako sa luma kong opisina, nagkaroon ng promo ang Selecta Cornetto, yung may VW New Beetle na prize. At dahil hayok na hayok ako sa New Beetle, araw-araw bumili ako nung ice cream para sa merienda. After one week, sumikip na ang pantalon ko, at di ako nanalo ng New Beetle. Nga pala, sa Mc Do, nagtataka ba kayo kung ano si Grimace? Supposedly kasi, di ba, bawat character, may rinerepresent na pagkain, puwera kay Mc Do mismo na corporate mascot. So ano si grimace? Sabi ng iba, ice cream daw, o sundae. Sabi ng iba, kamote raw kasi ang fries ng Mc Do at si Grimace yung raw kamote. Sabi naman ng iba, kapag kumain ka ng maraming Mc Do, makikita mo si Grimace sa inidoro afterwards, although hindi ito na-confirm sa film. Marami ring theories yung highschool batch ni TJ. Pero pagkatapos mapanood yung documentary, napagtagpi-tagpi na namin ang katotohanan. Si Grimace ay isang taong kumain ng Mc Do, tuloy-tuloy, lampas sa one month na timetable ng film. Kung tinuloy siguro nung lalaki yung all-Mc Do diet niya, magiging Grimace din siya, at i-a-adopt din siya ng Mc Do. Check nyo- mataba si Grimace, at kulay violet. So sa kakakain niya ng Mc Do, tumaba siya, at dahil bumigay na ang atay niya, o dahil nag-mutate ang blood vessels niya sa taba, na-corrupt at nalason ang dugo niya, kaya siya nagkulay violet. O siguro sa sobrang taba niya, di na siya makahinga kaya nagkulay violet siya. So dahil sa documentary, na-solve na rin namin ang misteryong bumabagabag sa isipan namin mula nang kami'y mga bata pa. Astiiiig! Gaano kalakas ang impact ng documentary? Sabi ng boss ko, ngayon-ngayon lang, nung lumabas daw sa Australia ang Supersize Me, naglabas din daw ang Mc Do ng malalaking posters ng "Facts that they didn't tell you in the documentary." Sa local scene naman,kanina habang nakasakay sa shuttle papuntang opisina, nakasalubong namin ang isang motorcade ng Mc Donald's. Wow, as in si MC Do mismo, kumakaway mula sa likod ng isang pick-up, tapos sa likod niya, pila ng mga Mc Do delivery bikes, kaya na-delay ang biyahe namin. Putanginang Mc Do, kung hindi nambabara ng blood vessels, nambabara naman ng kalsada. Hehehe. So, recommended talaga ang Supersize Me. Okay siya. Panoorin nyo, pipol. Astig! Ngayon, kung may makita naman akong matinong kopya ng Fahrenheit 9-11... Cannot Find Server at evil wolf 6:36 p. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment