The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

sábado, septiembre 25, 2004
Isa muling Manila True Horror Story

Dapat magkokoment lang ako sa post ni Jol earlier, pero hindi ko akalaing magdadagdag na naman ako ng isang karanasang maging biktima ng krimen.

Siguro ngayon natanggap nyo na yung messages ko na wala na naman akong telepono, at broke ako dahil I had to block off all my cards to prevent them bad people from accessing my accounts. Ang internet card na ginagamit ko ngayon ay courtesy ng mga nakababata kong kapatid na dinagdagan ang pera kong natitira para bumili ng netcard. Dapat meron akong sarili pero ito muna ang kuwento.

So masaya na sana yung araw ko. Nanood ako ng Saved! sa Glorietta, tapos nagpunta ng Wok Inn sa Malate para sa dinner. Tapos we met up with fellow Dungeon Dwellers Butch at friend niya. Sumakay kami nung pang-turistang bus sa may Plaza Sulayman sa Baywalk para sa isang tour ng Luneta, Pier, Grandstand, Star City ek. Lahat ng daanan naming tao napapatingin sa sasakyan at mega kaway kami. Tapos yung radyo pa e nakatutok sa Mellow Touch yata at puro 70s ballads ang tugtog. Mas okay sana kung Filipiniana but no, talagang Bread ang soundtrack of choice nila. Nung nag-alas dose na, nag-sign off na rin ang radyo at nauwi kami sa bad hiphop.

Pag balik naman sa plaza, may I balik kami sa Malate dahil may hinihintay pa kaming ibang fellow Dungeon Dwellers. Pero iba yung nakasalubong naming D.D. Puwede na rin, masaya naman. Tapos dahil ilang beses nang inadjust yung clock ng telepono ko, akala ko ala-una pa lang nung umuwi kami pero near 2am na pala yun.

Naghintay sila ng taxi. Naisakay ko na silang lahat, at feeling ko teritoryo ko ang Maynila, nagmaganda akong sumakay na lang ng jeep dahil ang tagal makakuha ng cab. Yun ang pagkakamali ko. Usually pag ganung oras, di na ako nagco-commute, cab na lagi, at di ako sa rutang Sta. Ana-Faura dumaraan. Alam ng lahat na yung part ng Quirino Avenue, riles at yung part na maraming squatters ay pugad ng mga snatchers at agaw cellphone. Pero hindi ko na inisip yun. HIndi naman ako sa dulo ng jeep nakaupo. May dalawa pang lalaki na dun nakaupo na nagkukuwentuhan. Masama pa nga ang tingin ko dun sa isa kasi may dala siyang knapsack na parang walang laman naman. Inisip ko, hmmm, may masama palang balak yung mga taong yun? Pero mali pala ako.

Every now and then, pumapara ang jeep para maghintay ng pasahero. Tumigil ulit ang jeep sa may eskuwelahan at dun sa dating park na Paraiso ng Batang Maynila yata yun. Kaharap ko yung bridge at estero. Mula sa likod ko, may lalaking lumapit sa jeep, akmang sasakay, but no, dinukwang niya at inabot ang bag ko sabay takbo.

Sumigaw ako: Inagaw nung lalaki yung bag ko!

Casual siyang naglakad patawid at papunta sa may ilog. Walang ibang tao nun. Kaya naglakas loob yung dalawang lalaki na habulin siya since lamang sila. Tapos biglang from the shadows ay may lumabas na ibang mga lalaki at humarang. Inakmang sasasaksakin yung isang lalaking kasakay ko sa jeep. Akala ko talaga nasaksak siya.

Since outnumbered na at mukhang kukuyugin nila kami, sinigawan ko silang bumalik na sa jeep at sa driver na tumakbo na bago kami abutan. Ayun. Ganun lang kadali. Ang natatandaan ko lang ay naka-blue at red siya na jersey shirt, maong shorts na lagpas tuhod, at itim na cap at balingkinitan ang katawan. Brown ang balat. Dahil natatakpan ng brim ng cap ang mukha niya at tumakbo siya sa shadows, hindi ko siya makikilala.

Bumaba kami sa gas station at naghanap ng pulis. Itinuro kami sa baranggay. Walang mga tanod. Nung una ayokong sumama dun sa dalawang pasaherong lalaki dahil malay ko ba kung may masama rin silang balak. Pero they said gusto lang nilang tumulong, at dahil muntikan na rin silang masaktan gusto rin nilang magreklamo.

Naglakad kami sa mga eskinita at itinuro kami sa bahay ng chairman. Natutulog na sila at nag-doorbell kami ng ilang beses. Mas hyper magkuwento ang mga kasama ko nung finally lumitaw na si chairman at si misis niyang naka-lingerie pang flesh colored. Nakiupo ako at nakitawag para ipa-block ang mga cards ko. Mas mahalaga sa akin yun kesa telepono at iba pang laman ng bag at wallet. Pero ang lecheng 89-100, bago ka makagawa ng transaction puro "Press 1 for account inquiry, press 2 to pay your bills, press 3 to access your checking account." Parang tangina naman nila di ba, emergency na nga aantayin pa yata hanggang "Press 1,999,998 to lock cards if stolen or lost."

Nung finally may nakausap na akong phone banker, dumating na yung mobil ng mga pulis, gising na buong bahay ni chairman, at naka-bathrobe na si Mrs. Chairman. Kinailangan kong mag-hangup dahil hahabulin daw yung mga snatcher. Sumakay ako sa passenger seat ng bagong bagong mobile. May plastik pa nga yung upuan at amoy formaldehyde pa. Tapos yung pulis tumigil magdrive dahil may tumawag sa phone niya. Nung finally malapit na kami sa lugar, nag-slow down kami para tingnan yung mga naka-tambay at kung may puwedeng damputin.

Siyempre takipan na yung mga tambay dun. Nagsuot kami kung saan-saan, at may hinabol pa sila na natakot ako dahil nagkalabasan na ng baril. Kung naabutan nga nila yun at may narinig akong putok, at kung tinawag nila ako para i-identify yung tinamaan, "Miss, ito ba yung kumuha ng bag mo?" tapos makikita ko yung dugo, yung nakahandusay na katawan, maituturo ko nga ba? Paano kung mali pala yung nabaril nila?

Pero nawala lahat iyon dahil yung bitbit nila ay isang patpating binatilyo na nakitakbo lang pala. Inaway pa yung bata ng kuya niya: "Buwakanangina mo kasi sinabi nang umuwi ka na dapat kanina pa! Pinapalamon kita buwakanangina ka!" Tapos may matabang babae na naghagis ng kaldero sa labas ng bintana niya, sinisigawan yung isa pang lalake. Ang lakas daw ng boses, nagising yung bata at may narinig nga kaming umuuhang sanggol.

Tapos yung mga tao sa paligid namin, kumukumpol, tinititigan kaming mga pasahero ng jeep na naka-itim at mukhang galing ng gimik, "Miss, ikaw ba yung nanakawan? Anong nakuha sa iyo?" Gusto ko silang pagsasapakin kasi alam kong mga buwakananginang kakilala rin nila yung mga snatcher. At alam naming walang magtuturo sa kanila kung nasaan ang mga buwakananginang iyon kahit pa magronda kami at maghanap.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iikot dun sa mga estero at eskinitang iyon, bumalik na kami sa mobile. Gising pa rin lahat ng mga tao. Alam nilang wala rin namang patutunguhan ang paghahanap. Pumunta kami sa presinto. Muli, tumayo na naman ako dun sa frontdesk at nagbigay ng particulars. Ngayon tinatanong na nila ako kung may asawa ba ako, anong trabaho, kung teacher ka anong ginagawa mo sa labas ng ganitong oras, ano yung mga nawala sa iyo?

Nung iniupo ako ulit nung isa pang pulis para gumawa ng report, ipinaisai-isa niya sa akin yung laman ng bag. Magkano yung bag? Mura lang naman iyong native green na bag na iyon, wala pa yatang P100. Yung wallet na wala pang isang buwan, regalo sa akin nung birthday ko, wala pang P500. Yung mga ATM cards, card sa video city, sa timezone, sa Ayala Center, yung MRT at LRT commuter passes ko, yung BIR id ko na source ng aking gimik interruption sa Bangkok. Kung pera at pera rin lang, alam kong lugi sa akin yung mga snatcher na iyon. Isang daang mahigit na lang yata ang pera ko dun. Pero nandun nga yung mga ATM, yung bagong internet card ko, yung train passes na bago pa. Yung cellphone ko na wala pang isang taon, siguro wala nang limang libo pag binenta yun ngayon.

Ano pa daw ang laman ng bag? Yung kikay kit ko po? Inilista yun ng pulis pero hindi na tinanong kung magkano. Nung nakauwi na ako sa bahay at maghuhugas sana ng mukha, saka lang ako nainis. Punyeta, mas mahal pa yung contents ng kikay kit na yun kesa sa wallet. Yung lip balm ko at cheek tint na galing sa Body Shop, yung floss, yung compact, yung card carrier case ko na galing British Council, yung ketchup packets ng Wendy's na sumobra sa kinain naming french fries sa sinehan, yung mga pens ko na pang-check ng student papers, yung cutter ko na dapat sanang panaksak ng snatcher at holdaper kung nagkataon at hindi ko naman nagamit nung dumating ang pagkakataon. Wala raw halaga yun, sabi nung pulis. Inilagay niya, "personal kit." Tapos na ang report.

Ni wala akong baryang pamasahe pauwi. Yung dalawang lalaki na tumulong sa akin, sila na papunta sana sa gimik sa Makati at hindi na natuloy, sila ang nag-asikaso sa akin. Bumili ng tubig at hotdogs sa 7-11 para sa akin at dun sa 2 pulis, sinamahan ako pauwi. Kadalasan hindi naman sila talaga nakikialam, pero ayun bumaba sila, nadamay, kaya hanggang doon naabala ang buhay. Hindi naman daw sila nagsisisi. Sabi ni Paul na muntikan nang masaksak, ang tatay niya napatay ng mga adik na magnanakaw kaya may galit siya sa mga taong ganun. Si Che naman daw yung kapatid niyang babae nanakawan din. Sa buong oras na naglilibot kami sa mga eskinita hanggang sa police station, ni hindi ko alam kung sino sila. Nung tanungin na lang ng mga pulis saka kami nagkakilalanlanan.

Kinailangan kong katukin ang nanay ko dahil wala na naman akong susi sa bahay. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. SAbi niya, di ba hindi ka naman dun dumadaan? Bakit di ka nagtaksi tulad ng dati? Dapat maliit na bag lang ang dala mo. Ewan ko ba. Maliit na bag naman ang dala ko. Ni hindi mo ngang pag-iisipang nakawin dahil mukhang mura na, luma pa. Pero nakursunadahan pa rin.

Nung tinatanong sa akin yung description nung suspek, sabi nung pulis parang iyon din yung suspek sa nakawan nung isang gabi. May binanggit silang pangalan na laging nadadakip sa ganong kaso. Pag may nahuli daw sila, tatawagan na lang ako. Feeling ko wala na namang mangyayari eh. Kaya heto ako ngayon, nasa bahay, walang tulog, walang pera, walang telepono. Gusto kong may magawa ako tungkol sa nangyari. Hindi kagandahan, pero yun talaga ang reputasyon ng lugar na yon. Pandacan, pugad ng isnatcher at magnanakaw. Kahit ako na taga-doon na, di pa rin naman sinasanto.

Gusto ko lang naman ibalik na lang nila ang mga ID ko. May address naman sa wallet. Ibalik na lang nila. Pati na yung lip balm ko, mga leche sila. Kung di man nila ibalik, at gamitin nila yun, sana mabulok na lang mga bibig nila mga buwakananginang snatcher sila. Sang-ayon ako kay Jol, yung mga ganyan, dapat sina-salvage na yan. Kahit sabihin nyo pang iba naman yung nanutok ng baril kesa sa nakuhanan ng bag, ganun pa rin yun eh. Aanhin pa yung human rights, eh animal naman ang tingin nila sa kapwa nila. Oo, sige, survival of the fittest. Given nang mahirap ang buhay at below poverty line sila. Pero kung ganun at ganun din lang ang gagawin nila, eh amanos na lang.

Cannot Find Server at kantogirl 11:37 p. m.  |


0 Comments in total


Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com