The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: lunes, abril 29, 2002Revenge Of The Nerds Una sa lahat, gusto kong simulan ang blog ko sa pagsabi ng $#@*&^%$#@!!+(&*&%@#%%!!!!! Mabilis kasi ang pangyayari. Kada 30 araw ako nag-a-update ng antivirus ko. Nung isang linggo, naubusan kami ng internet time kaya di ko nagawa ang buwanang ritwal ng norton. Kasabay naman nito, nakakatanggap ako, at ang nanay ko, sa e-mail namin ng mga sulat mula sa mga ka-opisina ng tatay ko sa disyerto. May attachment siyang .exe o kaya'y .scr. Praning naman ako, kaya di ko na binuksan yung attachment, delete agad. Ganito din ginawa ng nanay ko. Tapos nag-install din ako ng MS Office sa pc namin, kaya may MS Word na rin ako sa wakas! haha! At magmula noon, biglang bumagal ang takbo ng pc dito, lalo na pag image files ang binubuksan. Tipong 2 minuto matapos mong i-double click yung file, bigla na lang siyang lilitaw pag nakalimutan mo nang binuksan mo siya. Akala ko nga dati, kapos lang sa espasyo ang pc namin. 4GB lang kasi ang total memory ng harddrive namin e, at patatawarin ko kayo kung magsimula kayong bumungisngis ngayon. Minsan nga sa tambayan namin, may kasama akong nagdala ng laptop na may 5GB memory. Putsa, lalo kong kinaawaan ang sarili ko. Grabe. Anyway, hinalungkat ko itong lamesa ng pc dahil alam kong may 2hr. sampler kami dito na nakuha namin sa isang promong di ko na maalala. Gusto ko ito kasi, pagkatapos mong i-activate, kumonekta ka ng gabi, at ang 2 oras mo ay aabot hanggang umaga. Wala pa rin kami nung regular na internet card na binibili namin, pero hulaan nyo kung ano ang ginagamit ko ngayon sa pagsulat! So nung nag-log in na ako nung madaling araw, in-update ko na rin sa wakas si norton, at naglakwatsa, nagpost sa mga forums, blogs, etc. Oo, sige na. Naghanap ako ng hentai manga ng street fighter. Okey? Kinabukasan, nung mag-scan na ako ng pc, du'n ko nalaman na naapektuhan pala kami ng virus. Kumpirmado ng tatay ko. Inatake din daw sila sa opisina ng virus, isang tipo ng worm. Kaya lahat ng nasa addressbook ng mga tao sa opisina, pinadalhan automatically nung virus ng sarili niya. Nagsimula na rin kaming makatanggap ng mga sulat mula sa postmasters ng iba't-ibang mail servers, iba't-ibang tao na di namin kilala, pero pinadalhan namin umano ng isang sulat na may attachment na virus. Pero ang pinakanakakabuwiset sa lahat ay 20 programs ang pinasukan nung virus. Isa na rito yung image viewer namin, kaya mabagal siyang magbukas ng image files. Tinamaan din ang ilang filter ng photoshop 6, MS Office, yung mp3 player namin, at ibang misc. programs. Nung tinanong ako ng norton kung gusto ko i-quarantine, siyempre yes naman ako. Malaking pagkakamali. Yung Quarantine program ng norton ay tinamaan din pala, so pati ito, naisama rin sa quarantine, kaya di ko na ma-access ito ngayon, o yung mga programs na itinago niya! Resulta? Di kami makapagbukas ng mp3 sa musicmatch. Di ko magamit yung ibang MS office na files. At hindi ko mabuksan yung mga image files. Buti na lang hindi tinamaan ang Photoshop 6 mismo, o yung Freehand, Flash, at yung Dreamweaver. Kaso nga tinamaan yung driver ng scanner namin, at yung image viewer. At para sa isang pc na calibrated para sa graphic programs, mas pilay pa ang computer namin ngayon kesa sa gagawin ko sa programmer nung virus pag nakita ko siya!!! Putris, di ko rin mabuksan yung hentai manga ng street fighter na nakuha ko. Ni hindi ko rin nga mabuksan ang mga porno files ko! Lintek talaga! Bumubula ang bibig ko sa galit!!!! Na nagtataka lang ako kung ano ba ang nakukuha ng mga impaktong virus pipol na yan sa mga katarantaduhang ginagawa nila! Dapat ikulong sila sa isang kahon na may radyong pauli-ulit na nagpapatugtog ng album ng Salbakupal, err, Salbakuta. *Haaayyy* sasaksakan ko ng installer cd ng norton sa lalamunan ang mga impaktong yan... demmit! Cannot Find Server at evil wolf 10:08 a. m. | 0 comment(s) umm, well, yung sugal, let's hope for the best and, as always sa buhay ni canis lupus, expect the worst. kadiri yung kuwento mo! kuwento mo ulit pag nag-get-together tayo ulit para mandiri yung nasa kabilang table, at umalis. teka, bakit kuwentong jol ang term mo? ikaw ha! >:D porke nagkukuwento lang ako palagi ng mga bagay na nakakawalang-gana, ako na idiom nyo para dyan? mapupunta rin kayo sa hell?!(sic) sana may kontrabida dun sa video. alam mo naman yung archetype di ba? isang matronang sobra kapal ng make-up. ala-bella flores. tapos papasok siya sa room at sasampalin at sasabunutan yung babae. hayup ka! bakit humihiga-higa ka riyan? gagawin kong impiyerno buhay mo! pak! splak! boom! suplex! ganda nga kung nagcrash tayo kina diva. tipong- "hello diva! bilis may kuwento kami sa'yo! may girl sa masscom na nagpaopera ng cyst tapos vinideo ng mga kasama niya tapos may doktor na umaarte yada-yada-yada..." - habang kumakain sila ng spaghetti at meatballs! (ay diva! tamang-tama! kamukha niyang meatball yung cyst! yung tumutulong tomato sauce parang dugo! haha! para kang kumakain ng cyst!!hehehe!) Cannot Find Server at evil wolf 4:52 a. m. | 0 comment(s) Huy mechajol, ano na ang nangyari dun sa Libis or Makati dilemma mo? At anong sugal naman yan? Siguro one of these days puwede tayong mag get together ulit para dalawin si Teacher Nikki. Balita ko kasi she had an operation. Heto kuwentong Jol: May kakilala akong dalawang film major na girl na may kaibigan ding girl na natuklasan nilang may cyst sa breasts. So sinamahan nila si girlfriend sa operation, at they videotaped the whole thing. Tapos yung duktor feeling gusto magpa-discover na artista (pang soap opera? "Misis, ginawa na namin lahat ng aming magagawa." Shakes head pathetically.) at panay ang posing. "Ah, at heto na yung unang cyst." He holds it up for the girls to see and focuses it into the camera. The girls were taking turns at filming it, and each wished na sana himatayin na lang siya para di na siya ang mag-video. So kung trip niyo ng pang fear factor video featuring uhm, opened mammary glands, you know who to ask. Uhm, parang di ko yata gusto yung sinabi ko. Anyway. Oo nga, sana pala nagcrash tayo dun sa (intimate kaya?) dinner nina diva. Hehe. Cannot Find Server at kantogirl 8:24 p. m. | 0 comment(s) Nahuli na siguro ako dahil naubusan kami ng internet time, at hinanap ko pa itong 2-hr. sampler internet card na nakuha namin sa kung saan kung kailan man. Anyway, kongrats kay kanto girl! Tenkyu din sa pagkain! solb ako. malamang si dennis solb din, kaso di makapagsalita dahil nalulunod yata sa lumpia nung gabi! Oke lang kung di nakapunta si diva, pero sana nag-crash tyo sa party niya pagkatapos nung kainan sa inyo! putsa, nag-aangas na naman ako. heheh. oo nga pala, nagdesisyon akong magsugal. well, actually, napilitan magsugal. ako na may unlucky streak pag nagsugal, ay madalas mapilitang magsugal. irony nga naman ano? tanong nyo si dennis for details. siya madalas ang ka-angas ko dahil kami lang ang bum sa team angas... well, technically ako lang ang bum, pero kung titingnan mo yung attendance niya... anyway, sana naman umarya ang aking blind luck ngayon!!! o yan, bago ko malimot, dennis! dalawang libro ko na ang hinohostage mo! oke lang sana kung porno mag yan, kaso sionil jose na libro yan e! alam mo naman, diyos ko yun! since ala na ako pasok, o papasukan, sabi ka lang kung kelan ka dadaan sa peyups para maisoli ko na rin yung candide mo. oo alam ko nandyan ka lang sa paligid-ligid, pahiatus-hiatus! mapupunta ka rin sa hell?! (sic) Cannot Find Server at evil wolf 9:43 a. m. | 0 comment(s) Uy, salamat sa pagpunta niyo mga ka-angas. Sana naman naaliw ko kayo kahit paano at nagustuhan niyo ang luto ng tita ko. Sayang lang at inabandona tayo ng ating diva at the last minute. Pero okay na rin iyon. Naging masaya naman siya sa kanyang kaarawan eh. (Hopefully, without coercion. Hehe.) Cannot Find Server at kantogirl 9:26 a. m. | 0 comment(s) Mag-aangas din ako ngayon. I'm very angry and disappointed with my high school batch. May hatemail na dumating. Tatlong iba-ibang version na isa lang naman ang punto. Name-calling. Yabangan lang daw ang yahoogroups namin for some people who think they are high and mighty. Pero wala naman silang ginagawa para may mangyari sa batch. We still don't have the yearbook, or the website. I don't want to organize the stupid reunion anymore. Not if people are like that. Parang walang kuwenta lang yung ginagawa ko for them. Nakaka-disappoint. Cannot Find Server at kantogirl 8:14 p. m. | 0 comment(s) Aba, kumurap lang ako at sangkatutak na ang reklamo ni Jol sa buhay. mabuti yan at nagising ka na sa masaklap na mundo ng paghahanap-buhay. may alam ako opening sa Met museum pero balita ko mababa ang sweldo. pr pr. alam mo naman ako, dyosa siguro ng hack writing dahil iyon lang naman ang na-aattract kong opportunities. text mo ako kung interesado ka. ok sa codename nga pala. dapat nga lang akin yung lupus part. hehehe. regarding my on going struggle with my disease, to be continued pa rin dahil sa friday ko malalaman kung ano nga ba ang problema ng aking hinayupak na atay. at please be advised nga pala na di ko na gagamitin ang aking edsamail account dahil sobrang cheap ako at hindi ako naniniwalang dapat may bayad ang e-mail. sa astrid@justice.com na lang nyo ako email uli. dennis, malulungkot ako kapag nawala ka. ako na lang nga ang happy-happy sa atin, gagawin mo pa akong sad. sige, yun na lang muna. Cannot Find Server at a 5:01 a. m. | 0 comment(s) habang sinusulat ko ito, nakikinig ako ng sonic youth na mp3...
Cannot Find Server at evil wolf 11:11 a. m. | 0 comment(s) Dennis, kakabasa ko lang ng e-mail mo. Para namang nalungkot yata ako na titigil ka munang mag-blog, kahit na pansamantala lang. Matagal ko ring inisip yang tungkol sa ripple effect na yan. Kinonsider ko na sana tama ang hakbang natin, na sana naging responsable tayo. Sa ganang akin, ginawa ko ang ginawa ko ng walang alinlangan, dahil sa kaibigan. Puwede rin na nag-over react lang tayo. Puwede ring hindi. Ang hindi lang maiwasan, dahil ito ang tambakan ng ating emosyon, pati ang mga taong nagbabasa ng mga blog natin ay kasali na rin. Ang web ay madikit, magulo, at puwede tayong maging bilanggo ng sarili nating sapot. Sa palagay mo ba, tayo ay naging bilanggo na? Cannot Find Server at kantogirl 6:53 p. m. | 0 comment(s) Huy, magma-martsa po ako sa commencement ceremonies ng CAL sa Sabado, 21 April. Punta naman kayo sa Hardin ng mga Diwata, bandang alas-tres o alas-kuwatro ng hapon. Tapos palakpak kayo pag tinawag ako. Wala lang. Pupunta ako para maniwala ang nanay ko na graduate na nga ako, kahit one year delayed telecast na ang seremonyas. Pagkatapos nun, dahil birthday din ng ating diva na si Nathan, sunod kayo sa bahay namin. Magluluto ang tita ko ng pansit. Kain tayo. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na, maliit lang ang bahay. Actually, wala kaming bahay ngayon dahil ginagawa. Sa bahay lang ng lola ko. Dun pa rin sa dati. Tawagan niyo na lang ako kung hindi niyo alam pumunta sa amin. Cannot Find Server at kantogirl 8:53 a. m. | 0 comment(s) teka, siguro may mga taong ginagamit yung mga babasahin nila as toilet paper. tsk-tsk, dennis, sobra na yun. sama mo talaga. Cannot Find Server at evil wolf 6:12 p. m. | 0 comment(s) akh! kung hindi pa nag-reply yung mga makati pipol kung tanggap na ako by next week, mapipilitan akong kunin yung sa libis! mas priority ko yung sa advertising kasi at least mag-iisip ako ng ideas at concepts dun, at maeexercise yung creativity ko! yung sa libis kasi, tech writing, yung writing lang mismo ang magagamit ko, hindi yung makulit na imahinasyon. pero okay na yun kesa tumanga lang ako sa bahay namin buong araw. siguro dapat maging thankful ako, pero sabi nga ng pepsi, "ask for more." tapos, may powerbooks pa sa makati na kung saan tinuruan ako ni dennis kung paano makapag-mooch ng graphic novels! hehehe! dennis, naka-2500P and above worth of graphic novels ang nabasa ko! bwiset, sayang bawal magdala ng babasahin sa cr nila, mas nakakaengganyo kasi magbasa ng komiks habang nagbabawas e. Cannot Find Server at evil wolf 6:10 p. m. | 0 comment(s) torn between 2 lovers, eh? well, actually, mas pipiliin ko pang maging torn between 2 lovers, kesa maging torn between 2 job offers. putsa, ayoko ata nung tunog ng "torn between 2 lovers", parang nagti-threesome na mga bading e... actually, hindi nga sigurado yung sa makati, although yun ang priority ko dahil sa advertising siya. at siyempre, tuloy ang angas, nasa dugo yan e. siguro ang araw na titigil na ako sa pag-angas ay yung araw na patay na ako... ... hinde, malamang babalik ako at mag-aangas as ligaw na kaluluwa. syet, eto maganda pag natuto kang mabuhay na may lason sa dugo e, hehe, nagiging immortal ka. well, gusto ko sanang ipang-drag race si kikai sa libis para madungisan ko yung mababaw na ego ng mga gaddamnfakingkonyo pipol dun, kaso ala pa ako pambili ng turbo kit. siguro, isasabotage ko muna kotse nila bago ko hamunin ng drag racing, tanggalan ko muna ng tornilyo yung mga gulong. hehehe. Cannot Find Server at evil wolf 6:04 p. m. | 0 comment(s) Tungkol sa mga scholarships at opportunities to study abroad, well, hindi ko alam kung paano diskartehan iyan. Actually Chuckie, ikaw ang magaling maghanap ng mga grants and stuff. It's either we apply when we have a strong body of work at confident na tayo sa mga sinusulat natin, or else, get somebody to pay our frigging tuition. Yun lang naman iyon. Nga pala, Jol, mukhang ngayon ka lang nabuhayan ulit ng loob. Sana makapag-angas ka pa rin ng mas madalas kahit taga-Libis or Makati Boy ka na. Hehehe. Isasali mo na rin ba sa drag racing si Kikay mo? Tungkol naman sa trabaho, tingin ko nga sa sarili ko na-demote ako ngayon eh. Siguro dahil na-spoil lang ako sa unang job ko. Primetime drama agad, top of the tier (well, malapit na dun, pinaka-top siyempre ng food chain yung mga headwriter), libreng oras at travel. Pero ngayon kasi, daytime weekend. It pays much much less than my first job, tapos mas less regular ang writing sked. Feeling ko nga kailangan ko ng ibang raket para mabuhay. Parang gusto ko na tuloy mag-apply na lang din sa News and Public Affairs. Papabala na lang ako sa kanyon ng mga Abu Sayyaf. Cannot Find Server at kantogirl 9:14 a. m. | 0 comment(s) So Mechajol, torn between two lovers ka ba? Hehehe. Medyo nabiktima niyo ako dun sa "Mas luvs kita kesa k Jol" text message niyo ha. Medyo nawindang ako doon. Anyhow, it's quite good to hear na meron ka nang prospect sa trabaho, at dalawa pa! Siyangapala, nakabangga ko si Arlyn sa peyups kanina. Galing siya dun sa qualifying exam ng grad studies sa MassComm. Trip niya daw kumuha ng MA ng BroadComm. Ako naman, inasikaso ko yung mga graduation requirements. May sablay na ako, yehey! Maghahanap na lang ako ng medyo disente-looking na damit. Kahirap nga maghanap. Kung sinoman yung may pakana na dapat ay beige/off-white/ecru ang motif ng damit, gusto kong sakalin. Buti hindi "mother of pearl." Ano ba ang palagay nila sa atin, toothpaste commercial? Cannot Find Server at kantogirl 8:54 a. m. | 0 comment(s) Kumusta ang mga tao rito? Matindi si Mechajol! Namimili sa Makati o sa Libis! Yun ang angas nya ngayon! "ano ba yan, pinag-aagawan ako ng dalawang kompanyang high-paying! what is life! Cannot Find Server at Anónimo 2:21 a. m. | 0 comment(s) Stupid Songs Isa sa mga nakakaburat sa lugar namin ay habang dahan-dahan akong lumulusong sa aking sariling downward spiral ay panay naman ang tugtog ng "Stupid Love" sa radyo ng kapitbahay namin. Lalo akong naririndi at malamang, kung may baril ako, sila ang una kong tatamaan (see previous article). Hinde, kukunin ko yung radyo niya tapos isasaksak ko sa lalamunan niya, tapos gigiitan ko siya ng leeg at hihilahin yung bituka niya... mula sa leeg, at ihahampas ko sa windshield ng bastos na kotseng mahilig humarang sa gate namin kahit na may karatula na kaming "Don't Block The Driveway." Pero bago ako mag-digress pa lalo, nagtataka lang ako kung bakit laging nauuso ang mga kantang nakakabobo tulad nga ng "Stupid Love", o nung "Dayang-Dayang", o yung "TingalingalingalingalingDingDong." Ang argumento ng iba siyempre, "e ano kung pangit? ikaw lang nagsasabi niyan!" Well, oo, si April Boy nga nagplatinum e. Bakit nga ba magplaplatinum yung mga ganyan kung hindi tinatangkilik ng mga tao? Hehehe. Parang yung argumento rin ng mga producer ng mga pathetic TF movies natin na "art" kuno ang ginagawa nila, at kaya may nudity o kaya sex scenes yun ay dahil yun ang mabenta. DUH! KELAN PA NAGING BAHAGI NG PROSESO NG COMPOSITION NG ISANG ARTWORK ANG REACTION NG PUBLIKO? Pag gumawa ka ng isang , err, kanta, kunwari, dahil lang sa malungkot ka, o kaya'y dahil gusto mong ilibing nang buhay ang kapitbahay mong kupal, well, self-expression, yun ang art. Kapag gumawa ka ng kanta, dahil alam mong kakagatin ng tao ang basura mo, hindi art yun, prostitution yun. Parang difference ng pagsulat ng tula at pagsulat ng isang article na inassign ng editor mo sa'yo. Pag nagsulat ako ng tula, ilalabas ko ang nararamdaman ko dun, ginagamit ko ang skills ko para sa art. Yung sa article kunwari na ipapasa mo sa, err, Generic Women's Magazine Monthly, pinoprostitute mo ang iyong skills para makabuo ng write-up. Pero, tutal, saan ba usually galing ang mga artista sa mga TF movies? Anyway, balikan natin yung mga istupidong kanta kanina. Nakakashock talaga na ginawan pa ng pelikula yung "Stupid Love." Teka, babawiin ko yun. Hindi nakakashock. Expected yun e. Sumikat ang isang stupid na kanta, magcapitalize tayo du'n, gawa tayo ng stupid na sine tungkol sa stupid na kanta. Lilinawin ko lang, nakakashock siya dahil hanggang ngayon pinapraktis pa ang ganitong kagaguhan. But then, kung gago ba ang mga audience e... Pag nagplatinum ang stupid mong kanta, hindi nangangahulugang magaling ka nang artist! Ang basura ay basura. Pinapakita lang nu'n na maraming mga istupidong taong gaya ng artist. Pero naglabas pa rin ng album si Juday e. Heheh, narinig ko yung boses nu'n sa MTB, grabe, parang dumadaing sa sakit ng tiyan. Pero, wow, si Juday yun e, bebenta yun! Marami kasing madaling masilaw sa packaging, nakakalimutan nang nguyain yung substance. Cannot Find Server at evil wolf 10:46 a. m. | 0 comment(s)
Ferrous Oxide Masamang taon ito para sa akin. Nung tinatapos ko ang thesis ko last year, sinipa nila si Erap. Enthusiastic ako no'n dahil siyempre, nandoon yung "pangako" ng madaliang pagkuha ng trabaho kapag may degree ka galing sa peyups. Tapos, wala pa si erap, so okay na siguro. Tapos, nung pagkagraduate ko, nagkaroon ng Edsa Tres. Ang galing. At nagkaroon ng freeze hiring sa mga inapplyan kong ad agencies. Punyemas, sampung ad agencies ang pinadalhan ko sa fax ng resume ko, pero isa lang ang nag-reply, sulat pa ng panghihinayang. So inisip ko, well, malas lang talaga. Putsa, kakambal ko naman ang malas e, siguro next time, okey na. Nung medyo nakakarecover na tayo, umepal na naman yung mga tanginang extremists nung September 11. At nagkaroon ng global recession, daw. Isang taon din akong nakatanga sa bahay. Magbabasa ka ng dyaryo, ng classified ads, ano hinahanap? NURSE! Lintek, kada bukas ko, panay mga nars na "willing to work abroad" ang naka-post! Kung nangangailangan man ng writer, dapat may 2-3 years experience daw. Na nakakabuwiset talaga ano? Paano ka magkakaroon o makakaipon ng experience kung walang tumatanggap ng mga bagong graduate? Tapos nabasa ko sa dyaryo na sabi ni GMA, bumaba raw unemployment rate? ULUL! ... baka maraming nag-crash course ng nursing . Kaya nakatanga lang ako sa bahay namin. Nanonood ng tv, nakatanga sa internet hanggang sa mamanhid na ang libido ko sa kaka-browse ng porn sites, at naglalaro ng playstation. Mukhang nakakatuwa ano? Parang ang sarap ng buhay? Hinde! Ito ang impiyerno! Stagnation, idleness, boredom- ito ang mga nagtatawag ng mga demonyo sa subconscious ng tao! Sa kalaliman ng depression ko, gusto ko tuloy mamaril sa labas. Ewan. Gusto kong pumatay. O magpakamatay. Nakakabaliw. At dahil wala akong perang pambili ng baril, lalo lang sumasama ang pakiramdam ko. Puwede kong isuka sa pagsusulat ang angas ko, pero minsan sa sobrang dilim na nga ng isip ko, hindi na makagalaw ang mga kamay ko sa pagsulat. Yung tatay ko naman, kinukulit ko na kunin na rin niya ako sa opisina niya sa disyerto. Sabi naman niya, mabubulok lang daw ako doon, yun daw ang buhay ng mga OFW. Sagot ko naman, mabuti nang mabulok ako na kumikita ako ng pera, kesa mabulok ako nang nakatanga dito. Pero pinatunayan niya sa akin na sa kanya ako nagmana sa katigasan ng ulo. Siyempre patuloy pa rin ang pagkalat ko ng resume ko sa e-mail, at siyempre rin, iilan lang ang magrereply. Tapos dumating na ang birthday ko, pero ala pa rin trabaho. Yung pang isang "kabarkada" ko, may ginawa pang katarantaduhan kaya muntik ko nang giitan ng leeg nung binagsakan ko ng gate nung umaga. Gaano ba kasama ang sitwasyon? Yung isang kaibigan kong kasabay ko makatapos, kapareho ko rin ng kurso, nakapagtrabaho agad isang buwan yata pagtapos naming magmartsa. Isang araw, habang nakatambay ako sa FC, nakita ko siyang naglalakad. Ba't andito ka? May pasok ka dapat, di ba? - tanong ko. Laid off ako e, sagot niya, nagdownsize ang kumpanya. Bigla yatang dumilim ang langit nung tanghaling yun. Pero ngayon, sa wakas, buti na lang, may mga job interview na akong ina-attendan. Sana makapasa. Panata ko nga na kalahati ng unang suweldo ko, ipanlilibre ko ng burger mcdo sa mga tao sa tambayan namin. O baka magpakalunod kami ng mga ka-block ko sa durian coffee. Sana nga gumanda na ang suwerte ko ngayon, at mahanap ko at mapatay ang kung sinumang sumumpa sa akin. Pero ewan din. Bihira dumaan ang magandang suwerte sa akin, at kung dumaan man, may kasunod lagi itong malaking-malaking kamalasan. Samantala, patuloy ang pangangalawang... Cannot Find Server at evil wolf 8:06 a. m. | 0 comment(s) suddenly started hating pointless, too-self-aware short stories with a vengeance. this is gonna be the death of Philippine lit in English, i swear. -- from good ol' buddy jessel, call me mean but why? why? why? Cannot Find Server at a 4:39 a. m. | 0 comment(s) maglalabas lang ako ng sama ng loob. bakit si Lia pupuntang NYU at saka si Jose Beduya kasama pa niya girlfriend niya. Sana ako rin. Sana umulan ng sangkatutak ng scholarship at pagpalain akong makasambot ng isa. Kayo rin sana para magkita-kita tayo doon at magpaka-jologs sa NYU. Jol, hindi na kita nabalikan sa opening sa Commission on Human Rights. Subok mong tawag sa kanila. Tanong mo kung may opening sila for information officer. Alam ko meron. Sa UP campus lang office nila and the pay is ok. SG 11 yata. Kung government worker ka, malalaman mo kung ano yun. Mayroon ka namang civil service eligibility, di ba? kung wala, kuha ka na. kasi matagal na proceso iyon. Then again, baka naman ayaw mong magtrabaho sa gobyerno. Pero why not? (why not indeed? ) 4 day work week, flexi-time, dami-dami benefits tulad ng hmm... ah basta, meron at to top it all, you are in the service of the Filipino people. Pwede rin sa ABS-CBN kung ganun din ang ambisyon mo. Bakit nga pala tatlo lang kami ni Jessel at Dennis ang nagsasagutan dito? Cannot Find Server at a 4:31 a. m. | 0 comment(s) Medyo magiging irregular ang pag-aangas ko. Kinailangan kong lumipat ng pinagtutuluyan, panandalian lang naman habang may inaayos sa bahay namin. Wala akong telepono at di pa naka-set up muli ang computer ko. Sa ngayon ay nasa isang internet ako na mabagal na nga ang koneksyon, mahirap pang mag-type sa keyboard. Hay. Oo nga, pareng Dennis, sawa na ako sa karnibal na iyan. Isa pa yang silip sa kung anong klase ng topic ang pinagkaka-abalahan ng mga Pinoy. Mahilig talaga sa artista. Ewan ko nga ba. Sangkatutak naman ang taong namatay sa bangungot, di naikasal dahil sa maagang pagkamatay, etc. Pero kinakailangan bang mag-hog pa ng headlines? Sabagay, isipin ko na lang na panandalian lang din yan. Sa loob ng dalawang linggo o isang buwan, baka matabunan na rin ng muli ay isa pang isyu sa kung sinong personalidad sa pelikula o politika. Cannot Find Server at kantogirl 7:25 a. m. | 0 comment(s) Ay naku. Sana nga ma"wrap-up" na nila kaagad ang Karnibal na iyan! Cannot Find Server at Anónimo 5:50 a. m. | 0 comment(s) Kanina sa Frontpage, ininterview ni Mel Tiangco si Raymart Santiago. Ang weird ng dating na showbiz ang dating ng interview, with Tita Mel going "Korek. Korek. Korek." Pakiramdam ko parang nababawasan ang seriousness niya kapag ganoon. Hindi ko naman sinasabing she's less reliable that way. Ang nakakaasar lang, tawa ng tawa si Raymart habang kinakausap. Parang wala sa lugar at nakakabastos. "Totoo bang nanliligaw ka kay Claudine?" "Oo naman. Ngayon niya ako mas kailangan. Hihihi." Ang weird na nga ng posisyon niya bilang manliligaw ng isang babaeng kamamatay lang ng ex, tapos ganon pa ang reaction niya. Hindi ko sigurado kung ano ang angas ko laban dito sa malaking circus na Ang Pagkamatay ni Rico Yan. Ang alam ko lang, parang gusto kong batukan kung sino mang kongresista ang gustong magpasa ng bill na gawing bayani si Rico Yan or something. Aba, parang super over na talaga yan. Baka naman gusto na rin nilang gawing National Artist, habang mainit pa ang issue. Cannot Find Server at kantogirl 9:22 a. m. | 0 comment(s)
Cannot find server or DNS Error
|
||||