The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: lunes, abril 29, 2002Revenge Of The Nerds Una sa lahat, gusto kong simulan ang blog ko sa pagsabi ng $#@*&^%$#@!!+(&*&%@#%%!!!!! Mabilis kasi ang pangyayari. Kada 30 araw ako nag-a-update ng antivirus ko. Nung isang linggo, naubusan kami ng internet time kaya di ko nagawa ang buwanang ritwal ng norton. Kasabay naman nito, nakakatanggap ako, at ang nanay ko, sa e-mail namin ng mga sulat mula sa mga ka-opisina ng tatay ko sa disyerto. May attachment siyang .exe o kaya'y .scr. Praning naman ako, kaya di ko na binuksan yung attachment, delete agad. Ganito din ginawa ng nanay ko. Tapos nag-install din ako ng MS Office sa pc namin, kaya may MS Word na rin ako sa wakas! haha! At magmula noon, biglang bumagal ang takbo ng pc dito, lalo na pag image files ang binubuksan. Tipong 2 minuto matapos mong i-double click yung file, bigla na lang siyang lilitaw pag nakalimutan mo nang binuksan mo siya. Akala ko nga dati, kapos lang sa espasyo ang pc namin. 4GB lang kasi ang total memory ng harddrive namin e, at patatawarin ko kayo kung magsimula kayong bumungisngis ngayon. Minsan nga sa tambayan namin, may kasama akong nagdala ng laptop na may 5GB memory. Putsa, lalo kong kinaawaan ang sarili ko. Grabe. Anyway, hinalungkat ko itong lamesa ng pc dahil alam kong may 2hr. sampler kami dito na nakuha namin sa isang promong di ko na maalala. Gusto ko ito kasi, pagkatapos mong i-activate, kumonekta ka ng gabi, at ang 2 oras mo ay aabot hanggang umaga. Wala pa rin kami nung regular na internet card na binibili namin, pero hulaan nyo kung ano ang ginagamit ko ngayon sa pagsulat! So nung nag-log in na ako nung madaling araw, in-update ko na rin sa wakas si norton, at naglakwatsa, nagpost sa mga forums, blogs, etc. Oo, sige na. Naghanap ako ng hentai manga ng street fighter. Okey? Kinabukasan, nung mag-scan na ako ng pc, du'n ko nalaman na naapektuhan pala kami ng virus. Kumpirmado ng tatay ko. Inatake din daw sila sa opisina ng virus, isang tipo ng worm. Kaya lahat ng nasa addressbook ng mga tao sa opisina, pinadalhan automatically nung virus ng sarili niya. Nagsimula na rin kaming makatanggap ng mga sulat mula sa postmasters ng iba't-ibang mail servers, iba't-ibang tao na di namin kilala, pero pinadalhan namin umano ng isang sulat na may attachment na virus. Pero ang pinakanakakabuwiset sa lahat ay 20 programs ang pinasukan nung virus. Isa na rito yung image viewer namin, kaya mabagal siyang magbukas ng image files. Tinamaan din ang ilang filter ng photoshop 6, MS Office, yung mp3 player namin, at ibang misc. programs. Nung tinanong ako ng norton kung gusto ko i-quarantine, siyempre yes naman ako. Malaking pagkakamali. Yung Quarantine program ng norton ay tinamaan din pala, so pati ito, naisama rin sa quarantine, kaya di ko na ma-access ito ngayon, o yung mga programs na itinago niya! Resulta? Di kami makapagbukas ng mp3 sa musicmatch. Di ko magamit yung ibang MS office na files. At hindi ko mabuksan yung mga image files. Buti na lang hindi tinamaan ang Photoshop 6 mismo, o yung Freehand, Flash, at yung Dreamweaver. Kaso nga tinamaan yung driver ng scanner namin, at yung image viewer. At para sa isang pc na calibrated para sa graphic programs, mas pilay pa ang computer namin ngayon kesa sa gagawin ko sa programmer nung virus pag nakita ko siya!!! Putris, di ko rin mabuksan yung hentai manga ng street fighter na nakuha ko. Ni hindi ko rin nga mabuksan ang mga porno files ko! Lintek talaga! Bumubula ang bibig ko sa galit!!!! Na nagtataka lang ako kung ano ba ang nakukuha ng mga impaktong virus pipol na yan sa mga katarantaduhang ginagawa nila! Dapat ikulong sila sa isang kahon na may radyong pauli-ulit na nagpapatugtog ng album ng Salbakupal, err, Salbakuta. *Haaayyy* sasaksakan ko ng installer cd ng norton sa lalamunan ang mga impaktong yan... demmit! Cannot Find Server at evil wolf 10:08 a. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment