habang sinusulat ko ito, nakikinig ako ng sonic youth na mp3...
tama, nasa isang malaking sapot tayo. bilanggo tayong lahat. hindi ko makuha yung kabuuan ng usapan nyo ni dennis, pero gets ko yung ripple effect ek-ek. kaya sori pipol, kung madamay kayo sa ripple effect na gagawin ko. isusuka ko lang ang ilan sa mga demonyong tumutusok sa isip ko.
apparently, depressed ako ngayon. pero expected yun. hindi ako sasama dito sa Angas blog ek-ek kung nangingibabaw ang happy-happy persona ko at wala akong manic depressive episodes tulad ngayon.
demmet. ang sama ng loob ko. ang pait. nararamdaman mo yun e, pag sinabing "heartbroken." ang pakiramdam ng iba, mabigat lang ang hininga mo, at yung loob mo. maniwala kayo sa akin, hindi pa malalim yun. veteran ako dyan e. hindi yun nakukuha sa iyak. superficial na level pa yun.
mas malalim ang sugat pag hindi ka napapaluha, pero binabangungot ka. yung sakit sa dibdib, mararamdaman mo talaga na parang kumakahig dahan-dahan.
magkukuwento na ako. ala na akong paki kung sinong mahuli sa sapot ko. kung isang araw, nag-break down nga ako, at nag-suicide, consider nyo ito as bahagi ng suicide letter ko. hindi ko kayang isulat buo e. masyadong mahaba ang istorya.
basta ang sabi sa psych 101 class namin, ang nagdadala ng tao sa kabaliwan ay hindi ang isang malaking traumatic na event, kundi ang patak-patak na maliliit na mga pangyayari. kung alam nyo kung paano nabuo ang chocolate hills sa bohol, makukuha nyo rin ang ibig kong sabihin.
pero sige, magkukuwento muna ako.
may mga gabing hindi ako makatulog dahil naalala ko ang isang babae nung highschool. hindi ko alam kung bakit di niya ako matanggap. siguro yung pangangailangan ng closure ang nagpapagising sa akin. ewan. ilang beses ko siyang binalikan habang nasa UP ako, pero, inuuna niya acads niya. engineering siya kasi sa mapua e.
sa simula akala mo mababaw ano? isang cliche, isang frustrated love story ek-ek. demmit. paano kung isa siya sa inspirasyon mo sa pagsusulat dati? akala ko dati nakalimutan ko na siya. putsa, sinubukan ko siya talagang kalimutan pero wala.
ewan kung bakit di niya ako matanggap.
last year lang, sinubukan kong tigilan na. nagulat nga ako, dahil akala ko madali. pagkatapos ng isang araw ng pagbababad sa depression, okay na. pinatay ko na lahat ng idealismo ko. akala ko tapos na. pero, bumabalik ulit ang mga bangungot ngayon.
nung mag-apply ako sa libis, yung mga kasabay ko dun, mga taga-mapua din, ka-kurso din niya. natakot ako. paano kung ang isa sa mga magiging co-workers ko ay kakilala niya. pinipilit ko na nga siyang alisin sa isip ko, pero bumabalik pa rin. paano kung ang isa doon ay boypren niya? (pero pinipilit niya na wala daw...)
demmet, mahal ko pa rin siya.
pero as usual, dahil ito ang buhay ni canis lupus fidelis, hindi puwede. ganun naman palagi e, kung ano ang gusto ko, kung ano ang mga pinaglaban ko, hindi puwede.
hindi ako mailigtas ng mga tula, o ng mga sulat, o ng mga pangako , etc.
dati, kinukulit ako ng tatay ko na lumipat ng kurso dahil ala raw kuwenta ang pagsusulat. o ang pagiging artisano. wala daw future. prostitute daw ang magiging trabaho mo. pero ang kulit ko e. gusto ko matutong magsulat ng tula, at yung pinakamaganda kong tula, ibibigay ko kay engineering chick. ang tigas ng ulo ko, pero anong nangyari?
pagkatapos ko maka-gradweyt, nalaman kong tama ang tatay ko.
ano pa bang mas sasakit sa realization na isang malaking kagaguhan ang mga bagay na pinapaniwalaan mo dati?
kung tumuloy nga ako sa pagsusulat, sino pa ba ang magbabasa ng mga pinagsususulat ko kundi mga taga-academe din?
at kung hindi nga tumuloy, at tulad ng ginagawa ko ngayon, magpakaputa naman, wala namang opportunity para makapagtrabaho.
tapos yung tulang sinulat ko para kay engineering chick, hindi rin niya maappreciate.
ngayon, ang sama-sama ng loob ko. hindi na ako makatulog dahil sa mga bangungot na paulit-ulit. pero wala rin akong ganang magsulat. wala na akong ganang magsulat.
nung isang gabi, nung umiinom ako ng durian coffee sa krus na ligas, di ba niloloko nyo na "cinematic" yung buhay ko dahil sa mga ka-weirduhang pinagkukuwento ko nung bata pa ako? tama, pakiramdam ko ginagago ako ng buhay. understatement ang "coincidence" sa biography ko. parang nakaplano lahat, kung kelan magkakaroon ng stress sa parteng ito, o dun, parang nakalilok lahat.
para akong "sim."
putsa, pakiramdam ko, buong buhay ko sinayang ko lang. pakiramdam ko wala akong silbi.
ewan. ayoko nang mag-isip. sukang-suka na ako.
nararamdaman ko ulit yung diin ng pagkarit ng sama ng loob sa dibdib ko. pero walang gustong makinig. walang makakatulong.
mahal ko pa rin yung babae hanggang ngayon, pero, punyeta, bakit di niya ako matanggap?...
Publicar un comentario
Close Comment