The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: miércoles, abril 10, 2002Stupid Songs Isa sa mga nakakaburat sa lugar namin ay habang dahan-dahan akong lumulusong sa aking sariling downward spiral ay panay naman ang tugtog ng "Stupid Love" sa radyo ng kapitbahay namin. Lalo akong naririndi at malamang, kung may baril ako, sila ang una kong tatamaan (see previous article). Hinde, kukunin ko yung radyo niya tapos isasaksak ko sa lalamunan niya, tapos gigiitan ko siya ng leeg at hihilahin yung bituka niya... mula sa leeg, at ihahampas ko sa windshield ng bastos na kotseng mahilig humarang sa gate namin kahit na may karatula na kaming "Don't Block The Driveway." Pero bago ako mag-digress pa lalo, nagtataka lang ako kung bakit laging nauuso ang mga kantang nakakabobo tulad nga ng "Stupid Love", o nung "Dayang-Dayang", o yung "TingalingalingalingalingDingDong." Ang argumento ng iba siyempre, "e ano kung pangit? ikaw lang nagsasabi niyan!" Well, oo, si April Boy nga nagplatinum e. Bakit nga ba magplaplatinum yung mga ganyan kung hindi tinatangkilik ng mga tao? Hehehe. Parang yung argumento rin ng mga producer ng mga pathetic TF movies natin na "art" kuno ang ginagawa nila, at kaya may nudity o kaya sex scenes yun ay dahil yun ang mabenta. DUH! KELAN PA NAGING BAHAGI NG PROSESO NG COMPOSITION NG ISANG ARTWORK ANG REACTION NG PUBLIKO? Pag gumawa ka ng isang , err, kanta, kunwari, dahil lang sa malungkot ka, o kaya'y dahil gusto mong ilibing nang buhay ang kapitbahay mong kupal, well, self-expression, yun ang art. Kapag gumawa ka ng kanta, dahil alam mong kakagatin ng tao ang basura mo, hindi art yun, prostitution yun. Parang difference ng pagsulat ng tula at pagsulat ng isang article na inassign ng editor mo sa'yo. Pag nagsulat ako ng tula, ilalabas ko ang nararamdaman ko dun, ginagamit ko ang skills ko para sa art. Yung sa article kunwari na ipapasa mo sa, err, Generic Women's Magazine Monthly, pinoprostitute mo ang iyong skills para makabuo ng write-up. Pero, tutal, saan ba usually galing ang mga artista sa mga TF movies? Anyway, balikan natin yung mga istupidong kanta kanina. Nakakashock talaga na ginawan pa ng pelikula yung "Stupid Love." Teka, babawiin ko yun. Hindi nakakashock. Expected yun e. Sumikat ang isang stupid na kanta, magcapitalize tayo du'n, gawa tayo ng stupid na sine tungkol sa stupid na kanta. Lilinawin ko lang, nakakashock siya dahil hanggang ngayon pinapraktis pa ang ganitong kagaguhan. But then, kung gago ba ang mga audience e... Pag nagplatinum ang stupid mong kanta, hindi nangangahulugang magaling ka nang artist! Ang basura ay basura. Pinapakita lang nu'n na maraming mga istupidong taong gaya ng artist. Pero naglabas pa rin ng album si Juday e. Heheh, narinig ko yung boses nu'n sa MTB, grabe, parang dumadaing sa sakit ng tiyan. Pero, wow, si Juday yun e, bebenta yun! Marami kasing madaling masilaw sa packaging, nakakalimutan nang nguyain yung substance. Cannot Find Server at evil wolf 10:46 a. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment