The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

miércoles, abril 10, 2002


Ferrous Oxide


Masamang taon ito para sa akin. Nung tinatapos ko ang thesis ko last year, sinipa nila si Erap.
Enthusiastic ako no'n dahil siyempre, nandoon yung "pangako" ng madaliang pagkuha ng trabaho kapag may degree ka galing sa peyups. Tapos, wala pa si erap, so okay na siguro.

Tapos, nung pagkagraduate ko, nagkaroon ng Edsa Tres. Ang galing.
At nagkaroon ng freeze hiring sa mga inapplyan kong ad agencies. Punyemas, sampung ad agencies ang pinadalhan ko sa fax ng resume ko, pero isa lang ang nag-reply, sulat pa ng panghihinayang.

So inisip ko, well, malas lang talaga. Putsa, kakambal ko naman ang malas e, siguro next time, okey na.
Nung medyo nakakarecover na tayo, umepal na naman yung mga tanginang extremists nung September 11.
At nagkaroon ng global recession, daw.

Isang taon din akong nakatanga sa bahay. Magbabasa ka ng dyaryo, ng classified ads, ano hinahanap? NURSE!
Lintek, kada bukas ko, panay mga nars na "willing to work abroad" ang naka-post! Kung nangangailangan man
ng writer, dapat may 2-3 years experience daw.

Na nakakabuwiset talaga ano? Paano ka magkakaroon o makakaipon ng experience kung walang tumatanggap ng mga bagong graduate? Tapos nabasa ko sa dyaryo na sabi ni GMA, bumaba raw unemployment rate? ULUL!

... baka maraming nag-crash course ng nursing .

Kaya nakatanga lang ako sa bahay namin. Nanonood ng tv, nakatanga sa internet hanggang sa mamanhid na ang libido ko sa kaka-browse ng porn sites, at naglalaro ng playstation. Mukhang nakakatuwa ano? Parang ang sarap ng buhay? Hinde! Ito ang impiyerno! Stagnation, idleness, boredom- ito ang mga nagtatawag ng mga demonyo sa subconscious ng tao!

Sa kalaliman ng depression ko, gusto ko tuloy mamaril sa labas. Ewan. Gusto kong pumatay. O magpakamatay.
Nakakabaliw. At dahil wala akong perang pambili ng baril, lalo lang sumasama ang pakiramdam ko.
Puwede kong isuka sa pagsusulat ang angas ko, pero minsan sa sobrang dilim na nga ng isip ko, hindi na makagalaw ang mga kamay ko sa pagsulat.

Yung tatay ko naman, kinukulit ko na kunin na rin niya ako sa opisina niya sa disyerto. Sabi naman niya, mabubulok lang daw ako doon, yun daw ang buhay ng mga OFW. Sagot ko naman, mabuti nang mabulok ako na kumikita ako ng pera, kesa mabulok ako nang nakatanga dito. Pero pinatunayan niya sa akin na sa kanya ako nagmana sa katigasan ng ulo.

Siyempre patuloy pa rin ang pagkalat ko ng resume ko sa e-mail, at siyempre rin, iilan lang ang magrereply.

Tapos dumating na ang birthday ko, pero ala pa rin trabaho. Yung pang isang "kabarkada" ko, may ginawa pang katarantaduhan kaya muntik ko nang giitan ng leeg nung binagsakan ko ng gate nung umaga.

Gaano ba kasama ang sitwasyon? Yung isang kaibigan kong kasabay ko makatapos, kapareho ko rin ng kurso, nakapagtrabaho agad isang buwan yata pagtapos naming magmartsa. Isang araw, habang nakatambay ako sa FC, nakita ko siyang naglalakad. Ba't andito ka? May pasok ka dapat, di ba? - tanong ko. Laid off ako e, sagot niya, nagdownsize ang kumpanya. Bigla yatang dumilim ang langit nung tanghaling yun.

Pero ngayon, sa wakas, buti na lang, may mga job interview na akong ina-attendan. Sana makapasa. Panata ko nga na kalahati ng unang suweldo ko, ipanlilibre ko ng burger mcdo sa mga tao sa tambayan namin. O baka magpakalunod kami ng mga ka-block ko sa durian coffee.

Sana nga gumanda na ang suwerte ko ngayon, at mahanap ko at mapatay ang kung sinumang sumumpa sa akin.
Pero ewan din. Bihira dumaan ang magandang suwerte sa akin, at kung dumaan man, may kasunod lagi itong malaking-malaking kamalasan.

Samantala, patuloy ang pangangalawang...

Cannot Find Server at evil wolf 8:06 a. m.  |


0 Comments in total


Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com