The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

lunes, julio 28, 2003

Since feeling literary naman kunyari tayo, here are some literary bar jokes for the nerdy English major in all of you. I liked the one about Virginia Woolf and Hemingway. Heeheehee.

Also found on that site, a David Foster Wallace interview, sounding really weird following a translation from its German original; and also a Haruki Murakami interview from the Guardian.

Cannot Find Server at kantogirl 10:51 a. m.  | 0 comment(s)


Liham kay Lt. SG Antonio Trillanes IV

Galing ito sa high school mailing list namin. Yung nagsulat, dati asar ako diyan. Kasi bukod tanging siya lang ang ayaw mag-sign up para sa yearbook namin, at talagang pinanindigan niya iyon kahit pa may threat na hindi siya makaka-graduate. Ganun naman kasi talaga: pag may tupang humihiwalay sa flock, naiinis ang shepherd at ang lider ng mga tupa. At yung lider ng mga tupa, kahit pa siya ang nangunguna, ay sumusunod pa rin siya sa shepherd, kaya all in all, hindi pa rin siya talaga autonomous, ikanga. Pero ang tupang nagsulat ng liham sa baba, matigas ang ulo. Ngayon ko lang nare-realize kung gaano kahalaga ang pagtiwalag sa grupo. Kung gaano kahalaga na mag-isip ka bilang tupang nag-iisa at hindi kasama ang iba.

Kaya inis man ang lahat dahil si Trillanes ay isang "spoiled" na tupang naghasik lang ng gulo at further chaos sa lumulubog na nga nating bansa at dinagdagan pa, kailangan pa rin natin ang mga instigators na ganun. Kahit paminsan-minsan lang. Para hindi tayo complacent. Para hindi tayo nabubulag sa pagsunod. I understand na ang military, gaya nga ng argumento n'yo, kailangan ang solidarity. Na kaya nga suportado n'yo ang hazing kasi it binds the soldiers together. Solidarity, equality, fraternity and all that shet di ba? Pero saan ba ang punta noon? Sa dulo, ikaw pa rin ang matitirang mag-isa. Buti na lang, ibang action movie ang napanood ni Trillanes. Kung hindi, baka nag-ala Rambo na siya nung isang araw.

---------

Mahal kong Lt. SG Antonio Trillanes IV,

Magandang umaga. Nawa'y maigi ang iyong kalagayan d'yan sa stockade. Magpahinga ka muna bago ka humarap sa court martial. Hindi bale nang litisin ka, nakapag-stay sa naman sa Oakwood, samantalang kami, pinaasa mong walang pasok ngayon. KJ ka talaga.

Sinulat ko ang liham na ito para puriin ka sa iyong kagitingan na ipaalam sa buong sambayanang Pilipino ang kabulukang nangyayari sa ating gobyerno. Mabuhay ka.

Ang problema nga lang, alam na namin lahat iyon, Kapitan Trillanes.

Hindi na ninyo kailangan pang magtanim ng bomba at magpapogi sa inyong mga fatigues para lang ipaalam sa buong madla na may mga katiwalian sa gobyerno.

Hindi tuloy ako nakapanood ng Terminator 3, eh malapit nang mawala sa sine 'yon. Okay sana kung nagbakbakan kayo ng mga sundalo ng gobyerno. Mala-THE ROCK saka DIE HARD sana ang nangyari. Kaso, nagsisisigaw lamang kayo sa lobby ng Oakwood. Para ano pa ang inyong mga armband?

Sabagay pwede na kayong magtayo ng boutique na ang brand name ay Magdalo. Pwde kayong magtinda ng mga armbands, fatigue-inspired pants, caps at shades. Ipwesto nyo dyan sa Oakwood para strategic ang location at may sentimental value pa. Bebenta kayo,
promise.

Sa launch ng inyong boutique, pwede kayong maglagay ng mga bomba sa parking lot tapos magpaparty kayo doon. Masaya di ba?

Mabalik tayo sa layunin ng liham na ito. Yung sinasabi mong nagbebenta si Secretary Reyes ng bala sa mga rebelde, aba, lumang balita na 'yan. Alam na naming mga ordinaryong tao yan. Bakit?

Kaugalian na nating mga Pilipino ang mag-sideline di ba? Sa opisina nga namin may nagtitinda ng tsinelas, beads, tocino, tapa, muffins saka bags.

Eh hayaan mo nang magbenta si Secretary Reyes ng bala sa kanila, baka gawang Taiwan lang naman yung mga bala na 'yon. Mahirap buhay eh, magkano lang naman sweldo ni Secretary Reyes. Malamang lumilihis yung mga bala o kaya puro supot.

Yun namang sinasabi mong si GMA ang nag-utos ng pambobomba sa Davao, alam na rin naming mga Pilipino 'yon. Kaw naman, Kapitan Trillanes, sa pagka-tsismoso nating mga Pilipino, sino ba naman hindi nakakaalam na gobyerno gumagawa ng mga kalokohang 'yon?

Plaza Miranda, Jabidah Massacre, pagpatay kay Ninoy, Rizal Day bombings, at kung anu-ano pang kababalaghan, alam na naming gobyerno gumagawa. Hindi naman kami istupido noh! Sabi nga ng mga taga-Assumption, "We're not like tanga naman..."

Ang drama-drama mo masyado, eh kami namang mga ordinaryong tao tinatawanan na lang mga katiwalian sa gobyerno. May linya ka pang "we're ready to die for our principles."

Huuu...if I know, gusto mo lang magpa-spa sa Oakwood kasi sira na ang iyong kutis dahil sa kagat ng lamok sa Basilan. Dapat sinabi mo na lang sa akin, may murang spa dyan sa Quezon Avenue, may "extra" pa.

Ayan tuloy, nagsara Glorietta ng isang isang araw. Lagot ka, milyon nalugi sa mga Ayala. Baka pabayaran lahat sa 'yo yan. At saka naman Kapitan Trillanes, next time kayo magta-take over ng anumang lugar, 'wag naman sa mall. Hindi bagay sa inyong mga fatigues and armbands. Sino ba scriptwriter ninyo? Tsugiin! Mali ang location ng action! Ni walang symbolic o strategic meaning ang Oakwood.

Hindi kayo nanood ng THE ROCK ano?

Hay nako, may pasok tuloy ngayon. Nabitin kami. Pogi points ka pa sa mga girls kasi ang guapo mo sa fatigue. Yun nga lang, you didn't die for your principles. May paiyak-iyak and hug pa kayo.

Kaya kayo tinatawanan ng Abu Sayyaf, malalambot ang puso ninyo, madrama kayo masyado. Ganyan ba kayo sa Basilan? 'Pag rat-ratan na, nagyayakapan na lang kayo at umiiyak? God, it's so nakakahiya naman to the enemy.

Hay nako, Kapitan Trillanes, mag-direct ka na lang ng pelikula ha? Tingin ko mas magaling ka pa kay Ang Lee kasi militar ka talaga. Maganda yung mga subplots na naisip mo. Maganda rin yung mga dialogue mo.

'Pag nag-direct ka na ng movie, make sure may bakbakang matindi sa huli. Yung tipong mawawarak yung buong building. Yun, mas exciting, hindi yung katulad kahapon.

Nagmamahal,

Ang iyong tagahanga
oliver v guatno*

*halaw mula sa puplhs96 mailing list, ipinost para maghasik ng angas ng iba.

Cannot Find Server at kantogirl 9:28 a. m.  | 0 comment(s)


domingo, julio 27, 2003

Batian portion lang din

Binabati ko si Dennis na hindi na niya kakalimutang magdala ng buko pie next time na luluwas siya ng Maynila.
Binabati ko rin ang Dao Ming Si Jr ng Philippine Lit, ang all original long hair chinese guy with the winning smile -- naks! You know who you are! Hehehehe.
Saka binabati ko rin si Mrs Paran. Wehehehe.
Hi Astrid!

Cannot Find Server at kantogirl 9:58 p. m.  | 0 comment(s)


isa pong patalastas...

KUTING INVITES APPLICANTS FOR MEMBERSHIP

KUTING (Kuwentista ng mga Tsikiting), an organization of Filipino writers for children, is inviting all writers 18 and above interested in writing for children to apply for membership. The Kuting Orientation Seminar will be held on 20 September 2003, 1-5 pm at Conference Rooms 1&2, 1/F Social Sciences Building, Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City

Interested parties must prepare: 4 hard copies of samples of their work for children (18 years old and below), published or unpublished, in English or Filipino, in any of the following genres: 1 fiction manuscript (not more than 12 pp.), or 5 poems, or 1 TV/Film script, or 1 one-act play.

Entries should be set in Times New Roman font, 12 points, double-spaced, in a letter size bond paper (8 1/2 “ x 11”) and with one inch-margin on both sides (only for short stories, essays, and plays). All of these materials should be submitted with the applicant’s resume and two 2” x 2” colored photos, in one legal-sized brown envelope during the KUTING Orientation Seminar.

For more queries or more information, email KUTING at kutingmail@yahoo.com


Cannot Find Server at a 7:12 p. m.  | 0 comment(s)


miércoles, julio 23, 2003

burning

"Yes. I so want to egg Greasy's house. Granted, I know she's married to Ryan Philipe, and they have a baby daughter now. But none of that matters to me. We're not talking about a drive-by shooting. We're talking about a drive-by egging. I mean, fuck it; it's Friday night, we're in L.A., and we've got nothing else to do. What could be better than whipping eggs at the home of a couple B-listers?"

That's Kevin Smith for you, ranting about how much he'd like to do a drive by egging of Reese Witherspoon's house, the reasons for which was given in the article. He begged Selma Blair for the address, but was denied. Sounds like the man has got a lot of matches to burn.

Cannot Find Server at kantogirl 9:25 p. m.  | 0 comment(s)


Sa parte ng mundo ko, umaalagwa ang lakas ng hangin at sama ng panahon. Kung puwede nga lang sisihin ang PAGASA dun, pero hindi. Sige kitakits sa Friday. Ihanap n'yo ako ng malilipatan sa planet pluto.

O kaya puwede na ring bagong trabaho. Kailangan ko na yata talaga ng change of career, saka brain transplant. Tinatawagan ko yung manager at agent ko.

Cannot Find Server at kantogirl 8:17 a. m.  | 0 comment(s)


martes, julio 22, 2003

Hope skies will be clear by then?

Cannot Find Server at Dennis Andrew S Aguinaldo 6:50 a. m.  | 0 comment(s)


Type nyo bang mag-kitakits sa Friday ng gabi sa ortigas area? Reply lang sa aking handydandy cellphone k? I'll see about pastillas pero malabo yun! Weheheeheheheehehe!

Cannot Find Server at Dennis Andrew S Aguinaldo 6:29 a. m.  | 0 comment(s)


viernes, julio 18, 2003

Mukhang natuloy ang gimik ng AngasBoyz kanina. Nag-malling sila at nag-pizza. Yiheeee. Yuppie na sila. Hehehe. Kasi naman matutuloy pala hindi man lang nagpasabi. Si Nathan na naman ba ang nagpa-diva?

Kuwento naman kayo. Sabayan n'yo na ng buko pie sabi nga ni Astrid.

Cannot Find Server at kantogirl 9:23 a. m.  | 0 comment(s)


miércoles, julio 16, 2003

Not meant for CW120

angas sometimes you want to, go CW
na baka mas
okay to
try out like the Bell Jar.
The rest of them. The oven is happy. Fuck
is everywhere. Para
sa nauna mong pumatay para ikaw yun.

angas sometimes you . and
The horror premise. lunes,
julio 14, 2003
nung ininterview namin eh: Pag
isang bata iyan or do There
we did around 7pm. coming and off naman
mabuti maiintindihan mo, yung subject
namin ng dvd. May
nakita kasi mahal.

Wala lang kasi hindi ako makagawa ng sarili kong tula. Kaya nagpagawa ako. Leche, walang sense no?

Cannot Find Server at kantogirl 1:29 a. m.  | 0 comment(s)


martes, julio 15, 2003

28 Days Later is not a sequel to the Sandra Bullock movie 28 Days

That, among other stuff is discussed by Danny Boyle and Alex Garland, director and writer of the movie 28 Days Later and The Beach. The other stuff include: how genre can both provide you structure and what to do with genre conventions. Interesting foray into the sci-fi, horror post-apocalyptic premise.

Cannot Find Server at kantogirl 7:25 a. m.  | 0 comment(s)


domingo, julio 13, 2003

Nanood ako ng 28 days later

...while eating a chicken dinner inside the darkened theater kagabi. Madilim na nga tapos yung opening scene pa is a whole lab of monkeys going on a rampage. Ang ganda ganda. Muntikan ko nang ilabas lahat yung dinner ko, kundi lang ako gutom at di nagpipilit na mag-multitasking. Malamig sa loob ng theater..siguro less than 28 people lang kami sa loob.

Astig yung pelikula. It's the situation you really don't want to be in: What if magising ka at ikaw na lang ang huling tao sa mundo. Not really the last one, but maybe you're the only one until you find somebody else. Walang traffic, walang ingay, walang ibang gumagalaw sa mundo kundi ikaw. Survival na lang talaga. Kung kinakailangan mong pumatay para ikaw ang mabuhay, gagawin mo iyon. Kung magko-contemplate ka pa if kasalanan, ikaw ang mauunahan. Keber kung isang bata iyan or pari or yung taong unang nagligtas sa iyo. You have to do it in less than a heartbeat, or else you'd end up like the rest of them.

The movie was partially scary kasi probable yung "what if" situation niya. What if SARS was like that infection? Kung nagpapara kang zombie at within 10 seconds of infection ay wala ka nang kinikilalang kaibigan or pamilya? Fascinating kung paano makitungo ang mga tao kung alam nilang wala nang gobyerno, walang tulong, walang ligtas. Sabi nung army commander, before and after the virus it was the same thing: "It was people killing people.." Oo nga naman.

Cannot Find Server at kantogirl 6:29 p. m.  | 0 comment(s)


sábado, julio 12, 2003

Long hair ka ba?

Sumali na sa: Samahang Galit sa F4: Members Wanted! Nananawagan po kami sa mga gustong sumapi sa aming samahan! Kailangan namin ng mag lalaki o babae na mahahaba ang buhok. Siyempre dapat sinusuka nila ang Meteor Garden. May free cake po para sa dadalo sa grand launching natin.

I swear, lumalabas na sa ilong ko yung beybeh beybeh, my beybeh beybeh song na yan. Makakaiwas na nga sa mga Mexican telenovela mas matindi pa iyong ipinalit. Ano ba? Talagang kailangan ba puro import na lang ang palabas sa tv? Tapos di pa nasiyahan puro clone na ngayon yan. May G4, A1, B1 at B2. Kulang na lang UB40 at U2 solve na. Magagalit si Lolo Bono sa pinaggagawa nila.

Natagpuan sa babbling point

Cannot Find Server at kantogirl 1:13 p. m.  | 0 comment(s)


jueves, julio 10, 2003

Ay, sowee po! Sabi ko nga baka hindi ikaw yun. Lubog kasi ang cheekbones. Uuy, may facial hair daw. Nagpapaka-Neil Garcia ka?

Cannot Find Server at kantogirl 10:10 a. m.  | 0 comment(s)


Hindi ako yan no. Hindi tigang ang mukha ko ngayon. Maraming facial hair. Rural ang dating. Lugi naman ako syan, hehe.

Cannot Find Server at Dennis Andrew S Aguinaldo 3:57 a. m.  | 0 comment(s)


lunes, julio 07, 2003

bopis@peyups?

mystery bopis

uy dennis, is dis yu? kamukha mo eh. kaya lang parang nalugi ka. hehehe.

Cannot Find Server at kantogirl 11:55 p. m.  | 0 comment(s)


miércoles, julio 02, 2003

Good f_cking morning, everyone!

Yes, we've come to that. Nasa Age of the Fuck daw tayo. Ang mura ngayon, sampu sampera. You hear it everywhere: sa kalye, sa jeep, sa tv, sa posters, sa lolong tumatawid sa kalye. Hindi na siya shocking. Hindi na siya nabi-bleep. Casual na lang ang pakawala ng mga four letter words ngayon.

Punto: highest grosser of recent memory ang pelikula ni Ai-ai delas Alas. Ang Tanging Ina. It's verbal assault right in your face. Tapos ang joke pa nila, gagawa daw ng sequel. Tanging Ina Mo Rin.

Parang yung joke dati na may karinderya sa kanto. Cooking ng Ina mo. Nainis ang kapitbahay, tinapatan: Cooking ng Ina mo rin!

We wear fuck casually on our sleeves. Literally pa nga. There's this artist/entrepreneur in New York whose shop sells shirts that declare who you screwed: I fucked Chloe Sevigny, I fucked Owen Wilson. Kung ako ang magpapagawa ng sarili kong shirt. Ang ilalagay ko: I fucked Erap.

O di ba hapi?

Di naman ganun dati. A couple of years ago, may play ang British Council. Shopping and F*cking. Nahiya kaya nilagyan na lang ng asterisk yung isang letra. Pero ngayon..bulgaran na. Pero ganun naman eh. Noontime show nga, bastusan na lang. Pakapalan ng sikmura. Babuyan na lang tayo. Fuck is everywhere. Para ngang bible verse yung article nung binabasa ko, parang yung tipo ng sasabihin ni Mandy Moore sa pelikula niya. Solemn ang pagbabasa: "Fuck is young. Fuck is old. Fuck is left. Fuck is right. Fuck is happy. Fuck is sad. Fuck is angry. Fuck is not jealous. Fuck is kind. Fuck is our salvation."

Ewan ko kung maganda nga na kaswal na kaswal tayo sa pagpapakawala ng mga malulutong na mura. Minsan napapatingin ako pag isang 8 year old kid ang nagpapakawala ng "P_kinangina mo, ibalik mo yung trumpo ko!" Parang di yata bagay.

Just my two f*cking cents' worth.

Cannot Find Server at kantogirl 10:00 a. m.  | 0 comment(s)


martes, julio 01, 2003

Lingua Prangka

Sabi nung ininterview namin kanina: "Pure Bisaya man ako. Dili ako magtagalog sa inyo." For a while there, I thought we weren't going to get our story. We trekked 5 hours to get to the place. It was all coastlines, then mountains. From the city, it took 3 hours to get to the base of the mountains. From there, we did around 2 hours of rough terrain. 4x4 na gamit duon so partida na yung 2 hours. Kung taga-doon iyon, 5 oras ang lakad.

Avocado is in the middle of nowhere. Para siyang bowl, puro bundok lang. Sabi sa amin, may mga tao doon na di pa man lang nakatanaw ng dagat sa tanang buhay nila. And I can believe that.

Sa Dumaguete, we could wing it on minimal Bisaya. Most of the people we dealt with had something to do with education or government. So they would speak Tagalog with us. Pero pagdating sa bundok, hirap na naman kami. May punto naman yung subject namin eh: Pag siya ang pumunta sa Maynila, pipilitan siyang magtagalog or else walang makakaintindi or magtitiyagang umintindi sa kanya. So ngayong kaming mga taga-Maynila ang na-displace, aba, he could refuse to talk our talk and insist on his.

Frustration ko talaga iyon. On and off naman akong nagpupunta sa Visayas area, but I could never pick up nor talk whole sentences on it. Pag nakinig ka naman mabuti maiintindihan mo, pero nahihirapan akong magsalita. You could get their accent if you want to, but that's cheating. Everyone could do exaggerated accents. Pinoy pa.

Dili pa man din ako makaintindi kung mabilis ng magsalita. Puwede bang mix na lang? Confused ang language ko eh.

Uy fresh from the airport pa ako. Nagmamadaling umuwi at mag-angas kasi. Hehe.

Cannot Find Server at kantogirl 2:34 a. m.  | 0 comment(s)



Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com