The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

lunes, julio 28, 2003

Liham kay Lt. SG Antonio Trillanes IV

Galing ito sa high school mailing list namin. Yung nagsulat, dati asar ako diyan. Kasi bukod tanging siya lang ang ayaw mag-sign up para sa yearbook namin, at talagang pinanindigan niya iyon kahit pa may threat na hindi siya makaka-graduate. Ganun naman kasi talaga: pag may tupang humihiwalay sa flock, naiinis ang shepherd at ang lider ng mga tupa. At yung lider ng mga tupa, kahit pa siya ang nangunguna, ay sumusunod pa rin siya sa shepherd, kaya all in all, hindi pa rin siya talaga autonomous, ikanga. Pero ang tupang nagsulat ng liham sa baba, matigas ang ulo. Ngayon ko lang nare-realize kung gaano kahalaga ang pagtiwalag sa grupo. Kung gaano kahalaga na mag-isip ka bilang tupang nag-iisa at hindi kasama ang iba.

Kaya inis man ang lahat dahil si Trillanes ay isang "spoiled" na tupang naghasik lang ng gulo at further chaos sa lumulubog na nga nating bansa at dinagdagan pa, kailangan pa rin natin ang mga instigators na ganun. Kahit paminsan-minsan lang. Para hindi tayo complacent. Para hindi tayo nabubulag sa pagsunod. I understand na ang military, gaya nga ng argumento n'yo, kailangan ang solidarity. Na kaya nga suportado n'yo ang hazing kasi it binds the soldiers together. Solidarity, equality, fraternity and all that shet di ba? Pero saan ba ang punta noon? Sa dulo, ikaw pa rin ang matitirang mag-isa. Buti na lang, ibang action movie ang napanood ni Trillanes. Kung hindi, baka nag-ala Rambo na siya nung isang araw.

---------

Mahal kong Lt. SG Antonio Trillanes IV,

Magandang umaga. Nawa'y maigi ang iyong kalagayan d'yan sa stockade. Magpahinga ka muna bago ka humarap sa court martial. Hindi bale nang litisin ka, nakapag-stay sa naman sa Oakwood, samantalang kami, pinaasa mong walang pasok ngayon. KJ ka talaga.

Sinulat ko ang liham na ito para puriin ka sa iyong kagitingan na ipaalam sa buong sambayanang Pilipino ang kabulukang nangyayari sa ating gobyerno. Mabuhay ka.

Ang problema nga lang, alam na namin lahat iyon, Kapitan Trillanes.

Hindi na ninyo kailangan pang magtanim ng bomba at magpapogi sa inyong mga fatigues para lang ipaalam sa buong madla na may mga katiwalian sa gobyerno.

Hindi tuloy ako nakapanood ng Terminator 3, eh malapit nang mawala sa sine 'yon. Okay sana kung nagbakbakan kayo ng mga sundalo ng gobyerno. Mala-THE ROCK saka DIE HARD sana ang nangyari. Kaso, nagsisisigaw lamang kayo sa lobby ng Oakwood. Para ano pa ang inyong mga armband?

Sabagay pwede na kayong magtayo ng boutique na ang brand name ay Magdalo. Pwde kayong magtinda ng mga armbands, fatigue-inspired pants, caps at shades. Ipwesto nyo dyan sa Oakwood para strategic ang location at may sentimental value pa. Bebenta kayo,
promise.

Sa launch ng inyong boutique, pwede kayong maglagay ng mga bomba sa parking lot tapos magpaparty kayo doon. Masaya di ba?

Mabalik tayo sa layunin ng liham na ito. Yung sinasabi mong nagbebenta si Secretary Reyes ng bala sa mga rebelde, aba, lumang balita na 'yan. Alam na naming mga ordinaryong tao yan. Bakit?

Kaugalian na nating mga Pilipino ang mag-sideline di ba? Sa opisina nga namin may nagtitinda ng tsinelas, beads, tocino, tapa, muffins saka bags.

Eh hayaan mo nang magbenta si Secretary Reyes ng bala sa kanila, baka gawang Taiwan lang naman yung mga bala na 'yon. Mahirap buhay eh, magkano lang naman sweldo ni Secretary Reyes. Malamang lumilihis yung mga bala o kaya puro supot.

Yun namang sinasabi mong si GMA ang nag-utos ng pambobomba sa Davao, alam na rin naming mga Pilipino 'yon. Kaw naman, Kapitan Trillanes, sa pagka-tsismoso nating mga Pilipino, sino ba naman hindi nakakaalam na gobyerno gumagawa ng mga kalokohang 'yon?

Plaza Miranda, Jabidah Massacre, pagpatay kay Ninoy, Rizal Day bombings, at kung anu-ano pang kababalaghan, alam na naming gobyerno gumagawa. Hindi naman kami istupido noh! Sabi nga ng mga taga-Assumption, "We're not like tanga naman..."

Ang drama-drama mo masyado, eh kami namang mga ordinaryong tao tinatawanan na lang mga katiwalian sa gobyerno. May linya ka pang "we're ready to die for our principles."

Huuu...if I know, gusto mo lang magpa-spa sa Oakwood kasi sira na ang iyong kutis dahil sa kagat ng lamok sa Basilan. Dapat sinabi mo na lang sa akin, may murang spa dyan sa Quezon Avenue, may "extra" pa.

Ayan tuloy, nagsara Glorietta ng isang isang araw. Lagot ka, milyon nalugi sa mga Ayala. Baka pabayaran lahat sa 'yo yan. At saka naman Kapitan Trillanes, next time kayo magta-take over ng anumang lugar, 'wag naman sa mall. Hindi bagay sa inyong mga fatigues and armbands. Sino ba scriptwriter ninyo? Tsugiin! Mali ang location ng action! Ni walang symbolic o strategic meaning ang Oakwood.

Hindi kayo nanood ng THE ROCK ano?

Hay nako, may pasok tuloy ngayon. Nabitin kami. Pogi points ka pa sa mga girls kasi ang guapo mo sa fatigue. Yun nga lang, you didn't die for your principles. May paiyak-iyak and hug pa kayo.

Kaya kayo tinatawanan ng Abu Sayyaf, malalambot ang puso ninyo, madrama kayo masyado. Ganyan ba kayo sa Basilan? 'Pag rat-ratan na, nagyayakapan na lang kayo at umiiyak? God, it's so nakakahiya naman to the enemy.

Hay nako, Kapitan Trillanes, mag-direct ka na lang ng pelikula ha? Tingin ko mas magaling ka pa kay Ang Lee kasi militar ka talaga. Maganda yung mga subplots na naisip mo. Maganda rin yung mga dialogue mo.

'Pag nag-direct ka na ng movie, make sure may bakbakang matindi sa huli. Yung tipong mawawarak yung buong building. Yun, mas exciting, hindi yung katulad kahapon.

Nagmamahal,

Ang iyong tagahanga
oliver v guatno*

*halaw mula sa puplhs96 mailing list, ipinost para maghasik ng angas ng iba.

Cannot Find Server at kantogirl 9:28 a. m.  |


0 Comments in total


Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com