The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: domingo, junio 30, 2002Hindi ba lahat tayo e hindi mapalagay sa kinalalagyan natin? Hindi tayo makontento! Bakit di tayo mag-business? Kita-kita tayo minsan sa Mang Jimmy's. Hindi ito katulad ng ibang pyramid scheme. Jes at Astrid, tayong tatlo ang bubuo ng pyramid. Tap tayo sa mga koneksyon ni Jes sa media at sa mga kakilalang old people ni Astrid! Ano kontribusyon ko? Akin ang kapital! --- SI JOL!!! Ibugaw natin!!! Syempre Jol kasama ka rito! Ikaw nga pinakamalaki ang cut e. Narun lang kami sa Mang Jimmy's o Starbucks habang nagtatransact ka! We'll be with you in spirit, syempre! Work out ka lang ng konti ha? (",) O di ba ganda ng One-Year Plan ko? Kaya natin to! Cannot Find Server at Anónimo 2:12 p. m. | 0 comment(s) wow, pers taym ko marinig kung paano nakaka-inspire ang katigasan ng ulo. hehe. anyway, eto ako ngayon, jobless pa rin. yung inapplyan ko, kada follow up, lagi na lang "next week" nang "next week." ang sabi ng isang kakilala kong kasabay ko mag-apply, may kasama raw kaming tinatawagan na for interview, pero ang weirdo, isang araw bago yung scheduled day, tinatawagan siya ng opisina para i-cancel ang interview niya, at para mag-reschedule, tapos, ayun, ikakansel ulit, reschedule, cancel... ewan ko kung anong klaseng trippings ito. naknamputsa, kaya nagsusulat na lang ako pag madaling araw. hay naku, gusto ko na gumawa ng sarili kong blog, kaso di ako marunong magmanipula ng html. marami akong ikukuwento. jess, ang labo ni Bb Ga. bakit ayaw mong tanungin kung bakit sa tingin nya, pare-pareho ang pagsasalita ng mga tauhan mo? madali kasing magsabi ng ganun. madaling mag-criticize, magkakatalu-talo na lang yun kung may basehan talaga ang kritisismo o wala. well, kung mga happy, shiny, airhead, konyo pipol ang mga tauhan mo, putsa, pare-pareho naman talaga ang pagsasalita nila e, pati tono ng intonations at irritability nila. hehehe. Cannot Find Server at evil wolf 9:45 p. m. | 0 comment(s) Ako naman, kinokonsider ko na lang na tapusin ang isa pang season sa kasalukuyan kong trabaho. Kasi ba naman, talagang parang may angas sa akin yung boss namin na tatawagin nating Ga. Ayon sa headwriter ko, sobrang nakabawi naman na daw ako dun sa huling skrip na ginawa ko. Ayon sa kanya. Pero after namin mag-usap, tinawagan niya ako ulit. Ayon daw kasi kay Bb Ga, pare-pareho daw magsalita yung mga karakter ko. Sabi ni Headwriter, para sa kanya well-defined na yung dialogue ko. So the problem really is with the perception of Ms Ga. Siyempre call niya kung ano ang gagawin sa mga tauhan. Yun lang talaga ang problema ko. Hindi niya ako feel. Hindi niya gusto ang pananamit ko. Hindi niya gusto ang pagsusulat ko. Hindi niya ako gusto. Kaya binibigyan ko ang sarili ko ng isang season -- o isang semestre-- at kinokonsider ko na ring mag-iba ng trabaho. Ayoko ng ganitong buhay. Pati kung ano ang gusto niya iintindihin ko pa. Eh ang business ko lang naman kung tutuusin ay ang pagsusulat. Hindi pa niya ako mahayaang mabuhay ng iyon na lamang intindihin. Cannot Find Server at kantogirl 11:24 p. m. | 0 comment(s) Una sa lahat, pahingi ng dispensa dahil di ako makasagot sa imbitasyon sa Femmes at Fete. Mahirap talaga kapag nagkasabay mawalan ng load at mawala sa sarili. Buti na lang at sinalo ako ni Jol. Sensya na sa abala pare, alam kong wala kang hilig mag-text. Hay buhay. siguro nga dahil Hulyo at Hunyo na. Para kasi itong Bagong Taon para sa ating mga nahulma na ang pagpapanahon sa buhay ayon sa kalendaryo ng eskwela. Ako hanggang ngayon, sem pa rin kung mag-isip. Atsaka parang nakakahigh kapag umuulan. Ako rin e may One Year Plan. Kapag naisagawa ko ito, baka di na rin ako sa kalakhang Maynila nakabase sa susunod na taon. Hindi ko pa nga lang maartikuleyt kasi baka mabati pa e. Pero puro tanong rin ako ngayon. Pareho tayo Astrid kasi itinatapat ko na rin sa tagal ng pagtapos ko sa MA ang pananatili ko sa SUKOB. Nakaka-inspire kasi ang tigas ng ulo ni Jol e. Ayaw magcompromise. Sana mahawahan ako ng konting ganun. Nakakasawa na rin maging segurista e. Pero syempre, hay buhay pa rin! Life is what happens when you're busy making other plans, ika nga. Cannot Find Server at Anónimo 10:52 a. m. | 0 comment(s) Ito na! Ang grand angas ko sa buhay ngayon!
Cannot Find Server at a 6:47 a. m. | 0 comment(s) Ugh. Bored na ako sa buhay ko. Kailangan ko ng aksyon. Tama? Tama! Cannot Find Server at kantogirl 11:32 p. m. | 0 comment(s) jol, me bago akong job opening for you. naghahanap ka pa ba? sa may roxas blvd pa rin pero ok naman yata ito kasi hindi government. Cannot Find Server at a 7:39 p. m. | 0 comment(s) Hapi Bertdey Entrails Reader haha, sobrang late ng greeting na ito, pero at least nakahabol pa rin. Cannot Find Server at evil wolf 10:03 a. m. | 0 comment(s) I miss Bangkok, I miss Manila... well, obviously, maikli ang isang linggong stay ko para mapansin ang corruption nila. kung tutuusin, given na yun, yung presence ng corruption. bahagi na yun ng human nature e, ng greed. although parang "consuelo de bobo" na lang yung hindi mag-interfere ang corruption nila sa trabaho at public service, mas mabuti na rin ito siguro (tongue-in-cheek). di parang dito sa pinas na harap-harapan na ngang ginagahasa ang kaban ng bayan, napaka-crappy pa ng patakbo. nung pagbalik ko kasi, ang headline ng inquirer- "21B Pesos lost to corruption"- o parang ganun, pero wow naman, parang napakagandang greeting ano? sa isang twisted at mala-black comedy na paraan, ito ang "welcome home" greeting ng aking motherland. rude awakening? hmmm, siguro... naalala ko kasi, may sinulat na parang ganyan si de quiros nung panahon ng impeachment ni erap. tipong, ang difference daw kasi ng corruption ni erap, garapal na siya, wala nang hiya. yung mga dati, kahit na makapal na ang mukha, itinatago pa ang pagnanakaw, o ina-attempt pa na itago ang pagnanakaw. si erap hinde. kaya nga naging term yung "mafia govt." sa administration niya. itong ginawa ni erap, puwede mong makita sa dalawang angle- "at least transparent siya"-( haha! napaka-pro erap mo na siguro para sabihin yun) at "ang kapal ng mukha ng impaktong baboy!"- na natural na reaksyon. anyway, di na ako magde-dwell kay erap. atakihin sana sa puso (o at least, yung "physical" na puso) ang impaktong yun. ang punto ko lang, given na mahirap alisin ang corruption, the least our bastard politicians can do is to give us a less than crappy life. di ba nga? pag contented ka, walang dahilan para magreklamo. hindi sa pro-corruption ako, o sinasabi kong wag na tayong umaksyon laban sa corruption. ang punto ko lang ay sana maging manipis lang naman ng kaunti yung mukha ng mga politicians natin at mahiya nang kaunti. Cannot Find Server at evil wolf 10:00 a. m. | 0 comment(s)
Cannot find server or DNS Error
|
||||