The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: viernes, noviembre 11, 2005Heto naman ang mga dulang nabasa ko. Sana mapanood ko ang The Night of the Iguana (14) ni Tennessee Williams. Nakaiigaya ang dialogo. At buong-buo pa rin ang mga karakter sa gunita ko kahit isang taon na ang lumipas pagkabasa ko nito. Kamakailan lang, natapos ko ang Endgame, followed by Act Without Words: A Mime for One Player (15) ni Samuel Beckett. Mas sa pintig ng utak ang unang bahagi, ang "Endgame". Nakaset ito sa natitirang kuwarto sa daigdig. Parang "No Exit," kaya lang, may exit. Ang Mime masaya. May mga kahon, tapos nahuhulog mula sa kahon. Sana mapalabas. Mukhang delikado kasi. Kaexcite Masyadong masatsat ang Candle In the Wind (16) ni Aleksandr Solzhenitsyn. Masermon. Nababagot tuloy ako sa tauhang dapat na mabigyan ng simpatya. Nobela talaga ang hilatsa ni Solzhenitsyn. Hindi ko ito makalilimutan dahil hardbound (ilan lang ang hardbound kong play e), galing sa La Salle sa Bacolod, at bigay sa akin ng ka-fellow ko roon sa Iyas. Dahil dito, dakila si Solzhenitsyn. Nabasa na pala ni KGB ang for colored girls who have considered suicide/ when the rainbow is enuf (17)ni ntozake shange. Medyo naipapaliwanag na naman ng pamagat ang aklat hindi ba? Matulain ang pagkakalatag ng mga salita. Ansarap ng wika ng itim sa pagkakahawak ni shange! Paborito ko ang kay kay Williams at shange kasi parehong may picture ng produksyon. Nabasa ko na rin pala ang kay R. Buckminster Fuller na I Seem to be a Verb (18) na mahusay na nadedepensahan ang konseptong Spaceship earth, o na nasa loob tayo ng bound space kaya kung anong nangyayari sa isang bahagi ng mundo, apektado ang integridad ng spaceship. Ngunit mas positibo ang banat niya, maraming bagong proposisyon. Ang malungkot? Noong 1980s pa ito maaari na sanang magawan ng puwang sa pagpaplano ng daigdig. Hindi pa laganap. ang "human technology" na ipinangangalandakan ngayon ng Nokia, sa buong mga siyudad nais ilapat ni Fuller. Hindi pa rin laganap ang desalinasyon ng tubig, mas nagmamahal pa ang mga punyemas na mineral water. At siyempre ang gasolina na pipigil at pipigil sa mas magagandang alternatibong batis ng enerhiya. Katulong nga pala ni Fuller ang mga talentong kabalikat sa book lay-out at paglabas sa audio at video ni McLuhan ng The Medium is the Massage. Sina Quentin Fiore at Jerome Angel. Nahilo ako sa mga picture. At paikot-ikot ang aklat ha? Parang iyong mga sulat sa hayskul na pabilog, wehehe. Enjoy pa rin. Cannot Find Server at Dennis Andrew S Aguinaldo 9:10 a. m. | 0 comment(s) Oist, mr. bopis! Ka-YM ko si The Diva kanina at ngarag din daw siya. Anyhoo, naunahan mo akong mag-post ng mga natapos na libro. Hindi ko na rin masigurado kung pang-ilan na ang mga ito. Pero heto: Nine Supernatural Stories. At wag n'yo akong pagtatawanan dahil iyan talaga yung Halloween reading ko. Takutin ko raw ang sarili. Gusto ko yung "Abot Talampakan ang mga Bituin sa Cagbalete" na nung binabasa ko ang naalala ko ay yung "Don't Look Back." Gusto ko rin yung "Firefly" kasi creepy siya. If The River Was Whiskey. Stories by T. C. Boyle. Ilang linggo ko ring binuno ang pagbasa nito ng piece meal. Ito yung bitbit ko nung unang meeting ng a_b at recently at binubuklat nung nagre-revise para sa kaisa-isang klaseng natapos ko nitong nakaraang sem. Paborito ko sa koleksyon ang "Sorry Fugu" na battle between isang chef at yung food critic na talagang malupit. Puwede ba ang re-reading? This Boy's Life. Memoir ni Tobias Wolff at binasa ko rin habang nagsusulat ng isa sa di ko na alam kung ilang revision inabot para sa aking MA class. Nga pala, napadpad ako sa Aeon nung isang araw at naglaway dun sa mga koleksyon nila ng libro. May interesting silang koleksyon ng mga Baudrillard at yung bagong libro ni Chuck Palahniuk na horror pero nagpapakakuripot muna ako habang di pa ako bayad sa project ko at ayokong lustayin ang kakarampot ding overload. Hindi ako nakakapagbasa ng mga libro ngayon dahil puro tabloid ang reading material ko. Kung saan papunta yan pag magsusulat na ako, yan ang di ko alam. Cannot Find Server at kantogirl 11:31 a. m. | 0 comment(s) Heto ang mga natapos kong aklat ngayong taon na tungkol sa dalumat. Sa larangan ng pagbasang archetypal, The Power of Myth (8) at Myths to Live By (9) na kapwa akda ni Joseph Campbell. Ang una ay porma ng panayam at ang taga-interbyu ay si Bill Moyers. Ang ikalawa, pagbubuod ng mga nahukay ni Campbell mula sa kanyang pananaliksik na nakaayos sa mga pinakamahahalagang tema tulad ng pag-ibig, digma at kapayapaan, at kamatayan. Hindi nalalayo rito ang Iron John: A Book About Men (10) ni Robert Bly. Matagal ko nang narinig ang tungkol sa librong ito. Si Bb Susan Lara ng Ateneo Workshop ang nagrekumenda nito, dalawang taon at isang buwan na ang nakalipas. Natsambahan ko sa isang sale bin sa Alabang. Malinis ang pagkalapat ng makrong daloy ni Campbell sa mga partikular na isyu ng pagiging lalake. O siyempre kailangan ngayon balansehin hindi ba? Kaya kasama rin sa listahan ang The History of Sexuality: An Introduction (11) ni Michel Foucault. Ingles siyempre. Hindi Pranses. Hindi Hapon. Mas malapit pa rin ako sa diskarteng Aleman kaysa Pranses o Ingles (kapwa Brit at Am). Kaya bagamat makiwal at marami akong hindi pa lubusang mawari, tinapos ko ang Philosophical Hermeneutics (12) ni Hans Georg Gadamer na binili ko sa Aeon kasama ni Tamadita at Chucks. Agad ko ring kinoberan sa kuwarto ni Jessel. Tulad nga ng sabi sa kanta: Those were the days, my friend, we thought they'd never end, we'd sing and dance forever and a day. Nga lang, palitan ang "sing and dance" ng "buy and cover books" para swak. Masarap basahin si Gadamer kapag sarili niyang teorya ang kanyang inilalatag. Ngunit makiwal kapag pilosopiya ng iba ang kanyang ibinabahagi (hal: Husserl, Heidegger, at Ranke). Ramdam ko tuloy ang mediation niya sa kanyang sariling dalumat para madali itong "makausap". Sang-ayon ang porma sa nilalaman sapagkat ang pagmumulan ng kanyang batayang linggwistik para sa kanyang dalumat ay ang penomenon ng "conversation". Palagay ko, lamang siya kay Habermas sa puntong ito. Ngunit hindi ko pa nababasa nang husto ang isa pang iyon kaya hindi muna ako magkukumento. Palagay ko, malaki ang mababawas na sama ng loob sa eksenang pampanitikan sa Pilipinas (mundo na rin!) kung hindi magkukumento o magkikritisa sa awtor/akda na hindi naman nabasa. Paborito ko sa lahat (bagamat hindi Aleman) si Marshall MacLuhan sa kanyang librong The Medium is the Massage: An Inventory of Effects (13). Kasama niya rito ang ilustrador na si Quentin Fiore. Paborito ko ito kasi may pictures. Hindi ko alam kung matatapos ko ang isang proyekto ni Fiore, kasama naman si R. Buckminster Fuller. Sa susunod na post, mga nakalista naman sa tula, maiikling kuwento, graphic novel, at nobela. Natapos ko na nga pala Jes ang novella ni U. At kinokontak ka raw niya para sa umaga ng Sabado para sa oryentasyon ng mga bata. Hay. Isa na namang semestre. Cannot Find Server at Dennis Andrew S Aguinaldo 5:41 p. m. | 0 comment(s) Hey La Diva, I'm barely recovering as well. The entire country is probably putting their very long weekend to good use, and me, is still all about work. I managed to get a kind of day off yesterday which I spent looking around some new tiangge in Ortigas for teacher costumes and then today which I spent mostly sleeping and reading articles off the web. I don't know how I'm going to juggle my life this coming term. But I'm setting my eyes on the ball, eyes on the goddamn ball. Cannot Find Server at kantogirl 4:35 a. m. | 1 comment(s)
Cannot find server or DNS Error
|
||||