The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: viernes, noviembre 11, 2005Heto naman ang mga dulang nabasa ko. Sana mapanood ko ang The Night of the Iguana (14) ni Tennessee Williams. Nakaiigaya ang dialogo. At buong-buo pa rin ang mga karakter sa gunita ko kahit isang taon na ang lumipas pagkabasa ko nito. Kamakailan lang, natapos ko ang Endgame, followed by Act Without Words: A Mime for One Player (15) ni Samuel Beckett. Mas sa pintig ng utak ang unang bahagi, ang "Endgame". Nakaset ito sa natitirang kuwarto sa daigdig. Parang "No Exit," kaya lang, may exit. Ang Mime masaya. May mga kahon, tapos nahuhulog mula sa kahon. Sana mapalabas. Mukhang delikado kasi. Kaexcite Masyadong masatsat ang Candle In the Wind (16) ni Aleksandr Solzhenitsyn. Masermon. Nababagot tuloy ako sa tauhang dapat na mabigyan ng simpatya. Nobela talaga ang hilatsa ni Solzhenitsyn. Hindi ko ito makalilimutan dahil hardbound (ilan lang ang hardbound kong play e), galing sa La Salle sa Bacolod, at bigay sa akin ng ka-fellow ko roon sa Iyas. Dahil dito, dakila si Solzhenitsyn. Nabasa na pala ni KGB ang for colored girls who have considered suicide/ when the rainbow is enuf (17)ni ntozake shange. Medyo naipapaliwanag na naman ng pamagat ang aklat hindi ba? Matulain ang pagkakalatag ng mga salita. Ansarap ng wika ng itim sa pagkakahawak ni shange! Paborito ko ang kay kay Williams at shange kasi parehong may picture ng produksyon. Nabasa ko na rin pala ang kay R. Buckminster Fuller na I Seem to be a Verb (18) na mahusay na nadedepensahan ang konseptong Spaceship earth, o na nasa loob tayo ng bound space kaya kung anong nangyayari sa isang bahagi ng mundo, apektado ang integridad ng spaceship. Ngunit mas positibo ang banat niya, maraming bagong proposisyon. Ang malungkot? Noong 1980s pa ito maaari na sanang magawan ng puwang sa pagpaplano ng daigdig. Hindi pa laganap. ang "human technology" na ipinangangalandakan ngayon ng Nokia, sa buong mga siyudad nais ilapat ni Fuller. Hindi pa rin laganap ang desalinasyon ng tubig, mas nagmamahal pa ang mga punyemas na mineral water. At siyempre ang gasolina na pipigil at pipigil sa mas magagandang alternatibong batis ng enerhiya. Katulong nga pala ni Fuller ang mga talentong kabalikat sa book lay-out at paglabas sa audio at video ni McLuhan ng The Medium is the Massage. Sina Quentin Fiore at Jerome Angel. Nahilo ako sa mga picture. At paikot-ikot ang aklat ha? Parang iyong mga sulat sa hayskul na pabilog, wehehe. Enjoy pa rin. Cannot Find Server at Dennis Andrew S Aguinaldo 9:10 a. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment