The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

lunes, noviembre 07, 2005
Walang ka-teo-teorya sa katawan

Heto ang mga natapos kong aklat ngayong taon na tungkol sa dalumat. Sa larangan ng pagbasang archetypal, The Power of Myth (8) at Myths to Live By (9) na kapwa akda ni Joseph Campbell. Ang una ay porma ng panayam at ang taga-interbyu ay si Bill Moyers. Ang ikalawa, pagbubuod ng mga nahukay ni Campbell mula sa kanyang pananaliksik na nakaayos sa mga pinakamahahalagang tema tulad ng pag-ibig, digma at kapayapaan, at kamatayan.

Hindi nalalayo rito ang Iron John: A Book About Men (10) ni Robert Bly. Matagal ko nang narinig ang tungkol sa librong ito. Si Bb Susan Lara ng Ateneo Workshop ang nagrekumenda nito, dalawang taon at isang buwan na ang nakalipas. Natsambahan ko sa isang sale bin sa Alabang. Malinis ang pagkalapat ng makrong daloy ni Campbell sa mga partikular na isyu ng pagiging lalake.

O siyempre kailangan ngayon balansehin hindi ba? Kaya kasama rin sa listahan ang The History of Sexuality: An Introduction (11) ni Michel Foucault. Ingles siyempre. Hindi Pranses. Hindi Hapon.

Mas malapit pa rin ako sa diskarteng Aleman kaysa Pranses o Ingles (kapwa Brit at Am). Kaya bagamat makiwal at marami akong hindi pa lubusang mawari, tinapos ko ang Philosophical Hermeneutics (12) ni Hans Georg Gadamer na binili ko sa Aeon kasama ni Tamadita at Chucks. Agad ko ring kinoberan sa kuwarto ni Jessel. Tulad nga ng sabi sa kanta:

Those were the days, my friend,
we thought they'd never end,
we'd sing and dance
forever and a day.

Nga lang, palitan ang "sing and dance" ng "buy and cover books" para swak.

Masarap basahin si Gadamer kapag sarili niyang teorya ang kanyang inilalatag. Ngunit makiwal kapag pilosopiya ng iba ang kanyang ibinabahagi (hal: Husserl, Heidegger, at Ranke). Ramdam ko tuloy ang mediation niya sa kanyang sariling dalumat para madali itong "makausap". Sang-ayon ang porma sa nilalaman sapagkat ang pagmumulan ng kanyang batayang linggwistik para sa kanyang dalumat ay ang penomenon ng "conversation". Palagay ko, lamang siya kay Habermas sa puntong ito.

Ngunit hindi ko pa nababasa nang husto ang isa pang iyon kaya hindi muna ako magkukumento. Palagay ko, malaki ang mababawas na sama ng loob sa eksenang pampanitikan sa Pilipinas (mundo na rin!) kung hindi magkukumento o magkikritisa sa awtor/akda na hindi naman nabasa.

Paborito ko sa lahat (bagamat hindi Aleman) si Marshall MacLuhan sa kanyang librong The Medium is the Massage: An Inventory of Effects (13). Kasama niya rito ang ilustrador na si Quentin Fiore.

Paborito ko ito kasi may pictures.

Hindi ko alam kung matatapos ko ang isang proyekto ni Fiore, kasama naman si R. Buckminster Fuller. Sa susunod na post, mga nakalista naman sa tula, maiikling kuwento, graphic novel, at nobela. Natapos ko na nga pala Jes ang novella ni U. At kinokontak ka raw niya para sa umaga ng Sabado para sa oryentasyon ng mga bata.

Hay. Isa na namang semestre.

Cannot Find Server at Dennis Andrew S Aguinaldo 5:41 p. m.  |


0 Comments in total


Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com