The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: jueves, mayo 30, 2002May suggestion ako. Para naman hindi uli tayo loser at the same time ay habulin ng ulan, eh kung mag-last hurrah tayo for the summer at subukan namang mag-out of town kahit na overnight lang. andyan naman si driver jol, hehehe. wag lang siyang kumain ng balot at mango shake. dennis, bakit anong problema ng links ko? ala ni si pepper kasi hindi naman siya update ng blog niya. Jol, naghahanap ka pa rin ba ng work? subukan mo ito. napulot ko sa mga egroups ko. mataas-taas na rin ang SG 15. five steps above my salary. maganda sa citem, laging may trade expo. kung pwede lang, apply ako para naman tumaas ng konti ang sweldo ko. Position: Information Officer II (Item no, SG-15) Company: Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) Company location: Pasay City, National Capital Reg, Philippines Work location: National Capital Reg Advertised on: 19 May 2002 Min Qualification: Diploma Specializations: Journalist/Editor For more details, go to this URL eto pa: dahil alam kong gusto mong maging Makati boy, Position: Writers Company: Sagent Networks Ltd / Next Century Partners Company location: Makati, National Capital Reg, Philippines Work location: Makati - National Capital Reg Advertised on: 29 May 2002 Min Qualification: Bachelor Degree Specializations: Journalist/Editor For more details, go to this URL Cannot Find Server at a 9:05 p. m. | 0 comment(s) I read Jol, I smell Durian Coffee Hoy Jhollogs! Naglabas ka na naman pala ng artikulo sa ganang Peyups! Musta na ba kayong lahat dito? Balik angas ba tayo sa Mang Jimmy's? O sya sya, next month na! (",) Alam mo ba Jessel na inabot kami nang ulan? Nuong nag-sunken garden kami't umalis ka? May balat ata talaga tong si Jol e! Wag ka na uli magma-mango shake at sizzling balot ha? Hindi mo pa ata nasasagot ang tanong ni Astrid, green o yellow? Cannot Find Server at Anónimo 11:33 a. m. | 0 comment(s) I see Manila, I see Bangkok I got this letter from a friend. Interesting ang points na nasabi niya. Para tuloy gusto ko nang maghanap ng online tabloid na mula sa Thailand para mag-browse ng classified ads nila. Bangkok is nice, manila is bangkok's parody. siguro kung may common sense lang ang masa natin, at may dedikasyon sa trabaho ang mga politiko natin, para na tayong bangkok. thai people look similar to us, although they look more like tsinoys. tapos puro slim sila. yep, rarely will you encounter a thai lady with a "plump" physique. this is part of the reason why i don't want to leave thailand. our hotel is situated in front of the pratunam market, parang tiangge. although the market itself is generally cleaner. the sidestreets would remind you of binondo, err, a wider binondo. the street food generally tastes better than ours, siguro dahil mas maganda ang preparasyon. i got addicted to the roasted squid. okay yung zoo nila. may place dun na maraming kalapati, tapos may shack sa tabi na nagbebenta ng loaf ng tinapay. bibili ka dun para ipakain sa mga ibon. very relaxing. really. as i was feeding the crows, yes, i enjoyed feeding the crows more than the pigeons, i imagined feeding them bits of my enemies' flesh. syet, very calming. ala masyadong vw beetle dun. i counted 6 at the most on the street. pero hataw naman yung market! palasak ang vw t-shirts!!!! i probably ended up with 2 weeks worth of vw shirts. pati bookstore nila, mas maraming vw books. nag-uwi ako ng 2. limited budget kasi e. oo nga pala, ginaya na nila yung igorot natin na nasa barrel. may version din sila doon. akala ko naka-copyright sa atin yun? 2 malls ang napuntahan namin. yung isa, MBK, parang SM. may tiangge part din siya, maraming tao, panay teen-agers. grabe, ang gaganda ng mga tao doon. pati yung mga tindera sa tiangge, slim women na may mahahabang buhok, tapos tsinita. yung pop culture nila, mas malapit sa pop culture ng hongkong, o japan, kesa sa US. yung isa, World trade Center. ito yung "high-end" mall nila. mas class yung mga tindahan, mas konti ang tao. kaso ang bad trip lang, maaga silang magsarado- palengke man o mall. mga 8PM pa lang (9PM phil time) nagsasaraduhan na yung mga stalls. nope, we did not visit the red light districts. our tour guide warned us about it. tipong pag alam nilang turista ka, kakwartahan ka nang kakwartahan, at worst, mabubugbog ka pa. although the streets are generally safe at night. puwede ka raw maglakad nang hatinggabi. na mukhang believable, dahil mukhang contented naman yung mga tao sa buhay nila. mula sa nagbebenta ng barbekyung pusit sa kanto, sa mga tindera sa tiangge, at dun sa mga nasa mall na mga tao, mukhang contented sila. wala yung "poverty-induced desperation to survive aura"na makikta mo sa mga pinoy na nasa kalye. oo nga pala. wala masyadong fastfood doon. 2 lang ang nakita kong mcdo, isang kfc. yung foodcourt nila, panay mga chinese/japanese/indian/thai food- which is good. i actually left bangkok 5 lbs. heavier (syet! i gotta burn these flabs fast!!!). teka, the infamous bangkok traffic jams are hyperboles. apparently, whoever said that haven't been to manila yet. o kaya baka outdated na yung term. may traffic sila, pag rush hour, pero moving naman. sinusunod nila yung traffic rules, walang tailgating, walang singitan. at yung mga pulis, laging meron, walang tiyan, at nagtatrapik. yung first day nga namin, ulan nang ulan. bumaha sa kalsada, pero sa gitna ng intersection, may pulis doon na naka-kapote na nagtatrapik. that alone puts our local cops to shame. isa pang nakakatawa- election time nu'n. ang posisyon ay "street governor" yata. yung mga posters ng mga kandidato, hindi nakapaste sa mga pader, kundi nakasabit. at hindi pa marami. siguro may mga 10meter interval per poster. tapos yung poster nila, simple lang. may picture ng candidate, seryoso ang mukha, at mga thai scripts sa paligid.walang greasy, sleazy smiles, walang fancy logos. walang basurang nakakalat sa kalye o nakapost sa mga pader. removable yung mga posters e. siguro yung mga kandidato rin ang responsable sa pag-alis ng campaign materials nila. mahal na mahal din nila yung king nila. lahat ng mga shops dun, laging may litrato nung king nila na kamukha ni ramos. ang difference lang, laging seryoso ang mukha nung hari nila, di parang si ramos na nakangisi palagi. ewan ko ba kung bakit gusto nating nakangisi ang mga politiko natin. *haay* the experience was enough to interest me in learning their language. sana left hand drive sila para puwede ko dalhin dun si kikai. teka, bangkok is not complete without the pokpoks, right? halata naman na pokpok sila, mga babae na kasama ng mga puti, pero obvious na di sila kasal. the difference between the thai pokpoks and our local pokpoks is that they have more poise. ang mga pokpok natin, loud, balahura, malalandi. yung mga pokpok nila, parang normal lang magdala ng sarili nila. hindi cheap tingnan. and they are slim tsinita babes to boot. bottomline: efficiency is the key to success. we have to kill our politicians and their stupid supporters. Cannot Find Server at kantogirl 10:07 p. m. | 0 comment(s) Bakit wala nang nag-aangas dito? Puwede akong magdagdag ng reklamo, kaya lang ayoko kasi baka maging negatibo. Kamusta na kayong lahat? Cannot Find Server at kantogirl 3:08 a. m. | 0 comment(s) Dagdag tsismis tungkol dun sa certain bitch who deserves to die. Oo nga raw, sabi nung isang writer na kakilala ko, may pagka-autistic nga raw ang bata. Nung nag-guest si CBwdtd sa show na sinusulatan niya (na wala na ngayon. Katambal ni bitch yung tatay ng anak niya. Hulaan mo kung anong show. hehehe), ang hininging bayad ay isang I-mac lang naman po. Na promptly at wala pang isang linggo ay tinapak-tapakan na ni autistic kid. So sira na yung i-mac. Sana sa akin na lang ibinigay yun. Hehehe. Cannot Find Server at kantogirl 9:38 p. m. | 0 comment(s) Oo nga pala, Maligayang kaarawan kina Astrid at Arlyn! sabi ni Dennis, yun daw anak ng isang certain bitch who deserves to die ay autistic. wala siyang kinalaman sa greeting sa taas, pero ala lang. ala ako magawa e. Cannot Find Server at evil wolf 12:19 p. m. | 0 comment(s) Tapos na ang Unos? Sori a. Di ko pa masimulan bago kong blog dahil nga sa html. Plano ko gumawa ng website ko ulit sa port5, kung saan ilalagay ko yung blog, at ilang mga drawings o komiks na plano kong gawin. May layout na nga ako sa dreamweaver ng index page e. okaey siya! Hehe! Anyway, medyo maganda ang araw ko ngayon. Nagising ako nang alas-3 ng hapon, (lintek kasing rebel internet 'to- alasdos nagkakaroon ng discount!!!) at naisipan kong ayusin si kikai. Medyo nagloloko kasi, mahina ang hatak. So tinanggal ko yung sparkplugs, at ibinabad sa thinner, konting scrub ng lumang sipilyo sa karbon, okay na! Pagstart ko, wow, smooth! Tapos, dahil gusto kong itulak ang suwerte ko, tinawagan ko yung opisina sa makati para mag-follow up sa application ko. May balak kasing pumunta sa bangkok ng nanay ko, kasama yung 2 bata para doon i-meet ang tatay ko. Kung di ako makakuha ng trabaho, isasama daw ako para mag-yaya sa mga bata, so kailangang makuha ang reply sa application ko. So tinanong ko sa tao kung puwede ako magbakasyon habang naghihintay sa tawag nila. Sabi naman, okey lang. Tapos na rin naman ang initial interview ko (dennis, yun yung araw na tumambay tayo buong hapon sa powerbooks!) kaya ang gagawin na lang daw, i-schedule na lang nila ang exam ko after ko bumalik. Malayo pa naman ito sa guarantee ng pagtanggap sa training na inapplyan ko, pero bumuti na rin ang pakiramdam. Putsa, nakakahinga na ako nang maluwag. Nung isang gabi, binangungot na naman ako. Masama. Sa bangungot lang talaga lalabas ang mga pinakamalala mong takot. Buti na lang maganda ang araw na ito, kung hindi, malamang magbabalak akong tumakas sa Bangkok at sumali sa monasteryo dun para makahanap ng kaluwalhatian... puwede ba ako maging monk na hindi skinhead? So basically, makakasama ako sa Bangkok. At itong linggo na ito yata ang lipad namin. Kaya di ako makakasama sa biyernes. Sori pipol. Nanghihinayang ako kasi, kung si anaconda nga ang inimbitahan ni Dennis, nasayang lang ang paghasa ko ng itak at palakol ko kanina. Nakatabi na nga sa trunk ni kikai e, kasama ng ilang plastic bag, busal, lagari, at gasolina. Sayang talaga at madilim at maraming talahib sa lugar ni Mang Jimmy's. O baka may mga gusto sa inyong pumatay ng ahas, paki naman o. Dennis, ang hirap mong kontakin ngayon a. Diva ka na rin ba ngayon? Hehe. Yung isang kuwento sa "Ravens In Love", may character na ala-sionil jose. pag natapos ko, pahiram ko rin sa'yo. Di ko pa nababasa yung libro mo, medyo makapal kasi yung "ravens" e. Cannot Find Server at evil wolf 12:16 p. m. | 0 comment(s) Matanong ko lang pala, ano ba yung picture na yun ng libro na may bote ng tinta ng fountain pen? Saang image gallery niyo yan hinugot? Sa totoo lang, the image reminds me of yung cover art ng killing time in a warm place. Naalala ko tuloy, yung isang naging kaklase ko sa CW, hiniram yung kopya ko nun tapos di na niya ibinalik. Leche sya. May penmanship pa naman ni Butch Dalisay yon. Hehehe. Cannot Find Server at kantogirl 8:25 a. m. | 0 comment(s) Nakanampucha, ngayon ko lang nabuksan ulit ang ating angas page. Gusto ko ang itsura, pareng Dennis. Hehehe. Mas malinis na siyang tingnan ngayon. Jol, hindi ko alam kung ano ang hitsura ni Teo T. Antonio. Natatandaan ko may tula siya na pinag-aralan namin nung high school. Pero dahil yun yung panahon na pasok sa kaliwa labas sa kanang tenga lahat ng naririnig ko sa Filipino class namin, ayun nilipad na rin somewhere at ni hindi ko matandaan. Ayaw mo nun, Jol, may kamukha kang parte ng kanyon ng literaturang Pinoy. Kanyon! Kaboom! Aba, buhay pa rin pala si AnaCoño? At sila pa rin ni Alexis? (Tama ba ako ng pangalan?) At Dennis, siya ba ang Mark na inimbita mo sa Mang Jimmy's? Bakit? Anong kasalanan ang nagawa namin sa iyo? Btw, may mga humahatak sa akin na pumunta sa open mic ng Sanctum sa Intramuros sa Biyernes ng gabi. Dapat sa Wednesday din kaya lang sabi ko maglakad na lang muna kami sa oval bilang workout. So sa Biyernes dapat Sanctum talaga. Pero baka mapaki-usapan kong mahatak sa Mang Jimmy's. Tingnan ko muna kung ano ang mangyayari. Jol, keri lang yan. Ako rin hindi ako ganon kabihasa sa HTML. Punta ka na lang sa webmonkey may cheatsheet sila doon. Para akong bangag ngayon. Ano ba yung pinagsasasabi ko? Cannot Find Server at kantogirl 8:19 a. m. | 0 comment(s) Maligayang Happy Birthday Astrid at Arlyn!!!! Walang kwenta pa rin ako Jessie! Pero mas malakas na loob ko ngayon kasi natatawag ko nang Teo Antonio si Jol e. Next time, Rio Alma naman! Weheheeh! Kitakits sa FRIDAY!!!!! Mang Jimmy!!!!! Heto na Kami!!!! Cannot Find Server at Anónimo 4:22 a. m. | 0 comment(s) nakita ko si mark aragona two satrudays ago. apparently, sila pa rin nung isang cw girl that i forgot her name. he works in ortigas as a product specialist chu-chu. wala lang. share ko lang. Cannot Find Server at a 9:46 p. m. | 0 comment(s) Akh! Lintek na HTML yan! di ko ma-gets! di ko ma-gets! Nagbalak kasi ako gumawa ng sarili kong blog kanina e, kaso nung i-e-edit ko na, wala na. nagkandaleche-leche na siya! buwiset! ala bang mas user-friendly na blogging system dito? bad trip ako ngayong linggo! di pa rin nagpe-pay off ang sugal ko! damn! mangangalawang na lang ba ako habangbuhay? putsa, dapat pala di ko sinunod yung nanay ko! sumasama na naman ang loob ko. understatement pa ito. sabi ko nga sa kanya, hindi ako nag-evolve nang milyon-milyong taon para lang maging parasite ngayon! at oo, yun ang tingin ko sa sarili ko, isang parasite. tapos, ilalabas ko na lang sa blog ang angas ko para di ako mag-self destruct ulit, kaso hindeee! panay punyetang HTML codes ang haharap sa akin! buwiset! buti pa ang dreamweaver, kaya mo pang makabuo ng isang simpleng site! tapos sinabihan pa ako ni dennis na kamukha ko raw si teo antonio dahil sa bago kong sumbrero! dennis! mapupunta ka rin sa hell!? (sic) pag naasar na ako talaga, baka magbenta na lang ako ng shabu! taragis! walang kuwentang buhay 'to!!!! *** oo nga pala, belated happy bday kay astrid at kay arlyn. have a nice day, pipol! :) Cannot Find Server at evil wolf 10:11 a. m. | 0 comment(s) Anong mga pagbabago, pareng Dennis? I mean aside from hindi ka na ngayon matatagpuan sa blogspot, at ikaw na si bopis.dekarabaw.com, ano pa nga po ba ang mga pagbabago? Siyangapala, babatiin ko lang ang isang ka-angas natin. Happy birthday, Astrid! Ano, Mang Jimmy's naman ulit tayo. ;P Cannot Find Server at kantogirl 10:10 p. m. | 0 comment(s) Mga kaangasan ko rito! Sana ipagpaubaya nyo na ang ilang pagbabago? (",) Cannot Find Server at Anónimo 7:40 a. m. | 0 comment(s)
Cannot find server or DNS Error
|
||||