The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: lunes, mayo 13, 2002Tapos na ang Unos? Sori a. Di ko pa masimulan bago kong blog dahil nga sa html. Plano ko gumawa ng website ko ulit sa port5, kung saan ilalagay ko yung blog, at ilang mga drawings o komiks na plano kong gawin. May layout na nga ako sa dreamweaver ng index page e. okaey siya! Hehe! Anyway, medyo maganda ang araw ko ngayon. Nagising ako nang alas-3 ng hapon, (lintek kasing rebel internet 'to- alasdos nagkakaroon ng discount!!!) at naisipan kong ayusin si kikai. Medyo nagloloko kasi, mahina ang hatak. So tinanggal ko yung sparkplugs, at ibinabad sa thinner, konting scrub ng lumang sipilyo sa karbon, okay na! Pagstart ko, wow, smooth! Tapos, dahil gusto kong itulak ang suwerte ko, tinawagan ko yung opisina sa makati para mag-follow up sa application ko. May balak kasing pumunta sa bangkok ng nanay ko, kasama yung 2 bata para doon i-meet ang tatay ko. Kung di ako makakuha ng trabaho, isasama daw ako para mag-yaya sa mga bata, so kailangang makuha ang reply sa application ko. So tinanong ko sa tao kung puwede ako magbakasyon habang naghihintay sa tawag nila. Sabi naman, okey lang. Tapos na rin naman ang initial interview ko (dennis, yun yung araw na tumambay tayo buong hapon sa powerbooks!) kaya ang gagawin na lang daw, i-schedule na lang nila ang exam ko after ko bumalik. Malayo pa naman ito sa guarantee ng pagtanggap sa training na inapplyan ko, pero bumuti na rin ang pakiramdam. Putsa, nakakahinga na ako nang maluwag. Nung isang gabi, binangungot na naman ako. Masama. Sa bangungot lang talaga lalabas ang mga pinakamalala mong takot. Buti na lang maganda ang araw na ito, kung hindi, malamang magbabalak akong tumakas sa Bangkok at sumali sa monasteryo dun para makahanap ng kaluwalhatian... puwede ba ako maging monk na hindi skinhead? So basically, makakasama ako sa Bangkok. At itong linggo na ito yata ang lipad namin. Kaya di ako makakasama sa biyernes. Sori pipol. Nanghihinayang ako kasi, kung si anaconda nga ang inimbitahan ni Dennis, nasayang lang ang paghasa ko ng itak at palakol ko kanina. Nakatabi na nga sa trunk ni kikai e, kasama ng ilang plastic bag, busal, lagari, at gasolina. Sayang talaga at madilim at maraming talahib sa lugar ni Mang Jimmy's. O baka may mga gusto sa inyong pumatay ng ahas, paki naman o. Dennis, ang hirap mong kontakin ngayon a. Diva ka na rin ba ngayon? Hehe. Yung isang kuwento sa "Ravens In Love", may character na ala-sionil jose. pag natapos ko, pahiram ko rin sa'yo. Di ko pa nababasa yung libro mo, medyo makapal kasi yung "ravens" e. Cannot Find Server at evil wolf 12:16 p. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment