The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

domingo, marzo 13, 2005
Ngayong wala pang nababasa ni isang piyesa sa mga antolohiyang Raven

8:42 PM 3/8/05

To the University by 1/2 past 10. Draw the corps[e] till 1/2 past 2. Got on quite merrily & finished it 2 hours sooner than was obligate on me. As I was going met Marshall who could not keep away from the sweets of the charnel house.

Ford Madox Brown
March 14, 1802
Diary entry


Okay. Heto ang mga nabasa ko mula Enero hanggang Pebrero. Apat dito, para sa aking compre exams. Igugrupo-grupo ko na para kahit paano maanoteyt ko naman. Tama sina BChucks at KGirl. Medyo wa wenta kung lista lang ang ibibigay, di ba?

Mga natibistang trabaho ni Felipe Landa Jocano ang una. Ayon kay Arnold Molina Azurin, okay naman ang natibista, pero problematiko ang ultranatibismo. Para sa akin ganito ang halimbawa nito. Tama lang na para sa pangangailangan ng propaganda, sasabihin ng mga Muslim na hindi pa sila nagagapi. Hindi ito kasinungalingan kung hindi paniniwala. Sa isang antas naman talaga, totoo. Kumpara sa atin, may bagay na hindi pa sila ibinibigay. At ito mismo ang paniniwalang hindi sila gapi. Ngunit kapag niyakap ito bilang katotohanang may batayang obhetibo, hindi uubra laluna't may dokumentadong pirmahan ng mga Kano at Muslim. Lalong problematiko kung isasakay rito bilang axiom ang mga susunod na tuklasin at saliksik.

Mapagdedebatehan ang punyagi ni Jocano kung natibista o ultra. May matutunog pa ring mga boses na nagsasabi pa ngang pasista ito dahil sa sentrong hangaring maging instrumento ng estado (at mga kaugnay na aparato) mula nuong panahon ng rehimeng Marcos hanggang ngayon.

Sa kabila nito, mahalaga pa ring basahin muna at pahalagahan ang tekstong titimbangin, babatikusin, o lalampasan. Examiner ko siya. Binasa ko ang tatlo sa kanyang serye na Anthropology of the Filipino People. Repaso na lang sa una, ang Filipino Prehistory: Rediscovering Precolonial Heritage (1), dahil nabasa ko na ang mga una at huling kabanata nito nuong guro ko pa si Dr. Jocano. Natapos ko rin ang Filipino Value System: A Cultural Definition (2) at Filipino Indigenous Ethnic Communities (3) upang pangunahan ang kaba sa pagsusulit. Susubukan ko munang tapusin ang kurso bago maghain pa ng karagdagang palagay, hehe.

Binasa ko rin ang Collective Security: Shield of Freedom (4), isang relic ng umaatikabong aksyon at init ng digmaang lamig. Medyo punyeta lang sa aking palagay na tawaging cold war ang peryodo dahil hindi nagbanatan na harapan ang Estados Unidos at Unyong Sobyet. Paano kung para sa Afghanistan, Vietnam, Pilipinas, mga bayang Balkan at ibang mga komunidad, sadyang mainit pa sa shrapnel, asero, dugo, at napalm ang gerang ito? Tatanggapin na lang bang malamig ang gerang mainit at 'proxy' ang digmang naging singkongkreto at singlapit ng bumabagsak na adobe at nilalangaw na katawan?

Nakakatuwang basahin itong inilathala ng SEATO. Ang cute talaga mag-isip ng mga nasa kapangyarihan. Kung mabobobo ako sa pagiging hegemon, okay na, magpapaka-underdog na lang muna. Wala na munang masinsing pagmumuning akademiko sa mga merit at demerit ng kolektibong meta-pambansa. Mabuti lang sigurong sabihing sa aking palagay, may pag-unlad naman sa larangan ng mga relasyong bansa sa bansa kumpara nuon. Pero kung gagawing batayan ang gerang Afghanistan at Iraq at ang mga sitwasyon tulad ng nangyari sa mga nahostage na kababayan, halatado naman sanang malayong-malayo pa tayo sa sa humanistang ideyal sa larangang ire.

Natapos ko rin ang tatlong libro ng tula sa aking pagsusumikap na muling magpakamakata o magunita ang dating dugong nahumaling sa pagpapakamakata. Mas mabilis pa rin ang magbasa ng dula para sa akin. Katulad ng inaaasahan, mas mabagal ako sa sandaang pahina ng tula kaysa katumbas na bilang sa prosa. May nakuha ako sa ikaapat na palapag ng NBS Cubao, matagal na itong nakabimbin sa kwarto. Si Andrada pa nga ang nag-abot sa akin nito kaya halos dalawang taon na ang lumipas sa pagitan ng pagbili at pagbasa.

Tinutuhog ni Judith W. Steinbergh ang isang mayamang persona sa librong Lillian Bloom: A Separation (5). Nakakaganyak basahin ang antolohiya, magkakahiwalay ang mga tula ngunit may progresyong naratibo mula kondisyon ni LB sa kanyang mag-anak, sa pangengerida ng kanyang asawa, sa pakikipaghiwalay nito, pag-aapuhap ni LB ng identidad sa ingress at egress ng mga bata sa kanilang palitan ng custody (at labas-masok ng mga lalaki sa kanyang binasurang buhay), at ang pagkamit ng kontrata sa sarili sa huling tula ("Now, Alone is a bedpartner").

Ipinangregalo ko ang aking kopya pero pinirata ko muna, inencode ko. Ipamimigay ko rin sa may gusto. E-mail. Para lahat tayo, kakama itong si Alone.

Binasa ko rin ang mas kontemporanyong trabaho ni Amy Gerstler (higit sa isang dekada ang pagitan nila ni Steinbergh). Nerve Storm (6) ang pamagat. Matagal ko na naumpisahan ang libro, pa-isa-isang piyesa, bago pa ako nag-LB. Paborito ko ang tulang "Dust" at "A Mermaid's Purse" dati. Ngayong nabasa ko na ang buo, marami akong bagong natipuhan. Mahusay sa paghahabi ng imahe itong si Gerstler. Ansarap. Kahit nahihilo na ako sa biyahe, binabasa ko pa rin. Gusto ko halimbawa sa "Dust" na naikawing ang alikabok sa tao at mga tala, nagdagdag ng nihilistikong dimensyon sa kasabihan pagkarenasimyento ng agham na ang pareho ang 'stuff' ng bituin at tao. Marami ring eksperimento sa porma, halimbawa sa isang tula na journal ng isang nanunuod sa mga langgam. Naalala ko tuloy si Thoreau at si P- (na kahit paano'y natuwa sa aking pagninilay-nilay sa mga langgam).

Muli, naengganyo ako sa wika ni Jose F. Lacaba sa Edad Medya: Mga Tula sa Katanghaliang Gulang (7). Gusto ko naman ngayong sumisid sa maalapaap na panulaan ni Lamberto Antonio. Para sa akin, paralel ngunit inverse direksyon ng mga operasyon nila. Kahit kapag lupa at matsora na ang tinutulaan ni Antonio, parang may elemento pa ring lulumutang. Si Lacaba, kahit mga tala na ang minamalas, lalo pa ring napaiigting ang pakiramdam ng pagkaugat sa lupa at tae ng kalabaw at tao.

Sisikapin kong ikumpol sa mga serye ang aking mga nabasa upang may masusundang pisi. May ilan pa akong akdang hindi naiaanoteyt dahil may nais pa akong tapusin. Susunod kong tatalakayin ang paborito kong probinsya ng mito pagkalagpas ko kina Bly, Campbell, at Busiek.

KGirl, nabasa ko ang iyong maikling kwento at malamang huli na ang komento ko sa anumang paggagamitan mo nito. Sana hindi. Mas bubusisiin ko ito pagkalampas ko sa mga papel ng mga estudyante (alam mo naman ito). Nakakadalawang basa na ako at natuwa ako sa kwento.

Malinamnam talaga ang sari-saring dugo ng mga kwentong coming-of-age. Medyo marami na akong nabasa nito at akala ko, pagkatapos kong ibuhos kina Peñamora at Red ang paglangoy sa dugong ito, mahihirapan na akong masarapan sa mga susunod kong babasahing istoryang rite de passage. Totoo, syempre, pero sadyang bago pa rin para sa akin ang trabaho mo, hindi lang sa larangan kundi kahit sa wika. Oo, kahit pa medyo naaalala ko sina Jeanette Winterson, Jamaica Kincaid, at Sandra Cisneros sa tabas ng dila mo. Medyo lang naman.

BChilde, Tamadita, at CLFidelis, kailangang magka-antolohiya ang Angas (mala-Ravens pero sana hindi) bago tayo mamatay.

Huwag kalimutan, nuong panahong impresyonable pa tayong kabataan at naglalaway lamang sa libreng meryenda ng mga kumperensya at book-launch ng Bulwagang Rizal, at narinig natin ang imortal na mga kataga ng matayog at nasirang Joaquin: "I'm a Raven!"

Dahil masarap ang libre at libreng mangarap, darating ang panahon, may sisigaw: "Ako, ang Angas ko!" At may mga sirang maaapektuhan kahit naghihintay lang ng libreng meryenda.

Cannot Find Server at Dennis Andrew S Aguinaldo 7:27 p. m.  |


0 Comments in total


Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com