The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: jueves, octubre 07, 2004Hindi ko alam kung bakit, pero kanina ay araw ng mga hulog ng langit. Ilang buwan na sa bookshelf ko yung birthday gift ni Astrid na kopya ng "Up the Down Staircase." Parang lagi niyang sinasabi na basahin ko dahil it's about a new teacher in a public school. (Dapat bang manood ng teacher fare ang isang teacher? Na lagi namang nauuwi sa Dangerous Minds, Mr. Holland's Opus, Dead Poets Society, o Goodbye, Mr. Chips) Makaka-relate daw ako. Last week nagawi ulit ang Team Angas sa dungeon at nakita ni Astrid na nakatambak ang libro sa pile ko. I've always meant to read it, but never did. Finally, kinuha niya yung post it ko sabay sulat ng marker: "Finish before your 1st yr ends!!!" Kaya nung weekend inunti unti ko na siya. 3/4 ko na yung libro. Nung tumigil ako, yung eksena ay nung biglang nagkagulo dahil may estudyanteng tumalon sa labas ng bintana. Ibinalik kasi sa kanya ng crush niyang teacher yung love letter na sinulat niya, with matching corrected grammatical at spelling errors. Siguro kung ako rin yung girl, tumalon din ako. Parang leche naman di ba, nag-profess ka na nga ng undying love and passion, ikokorek pa ang grammar mo. Sige, if you don't want my undying love, eh di dying love na lang. I'll jump off the window and die, nyahahaha! Sakto naman nitong hapon, tumigil ako sandali sa pagche-check ng mga papel at binuksan ko ang bintana at lumabas ng opisina. Sa fifteen seconds na inilakad ko mula dungeon papuntang Arcellana Lib, may tumawag na--may tumalon daw sa gitna ng FC at nalaglag sa courtyard. Kami naman, parang whoa! Suicide ba ito? Aksidenteng nalaglag? Sabi ng ibang estudyante, nagpipintura daw kasi sa top floor. Eh umuulan kaya nun. Sinong matinong tao ang magpipintura sa ganung klaseng panahon? Habang paikot ikot ang mga tao, sumusubok kumontak ng mga ambulansyang pang-rescue, naisip ko, bakit merong mga bagay na nalalaglag mula sa langit? Bakit matapos ang ilang term na request ng mas maagang class schedule, bigla na lang sumobra ang hiling ko. Pagtingin ko sa class sked ko next sem, puro umaga ang klase ko. As in 8.30 ng umaga. Hindi pa gising ang utak ko nun. Signos ba ito? Hinihintay ko na lang ang pag-ulan ng mga palaka. Cannot Find Server at kantogirl 11:25 a. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment