The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: martes, octubre 26, 2004Gusto ko lang pong ipaalam na ako ay nakabalik na mula sa bulubundukin ng Baguio. As in sinuong ko ang biyahe ng gabi mismo pagkatapos kong magsubmit ng grades. Tapos pagdating namin sa bus station, sangkatutak na tao ang gusto ring pumunta ng Baguio. So instead na 1am na alis, we had to settle for the 5am trip dahil ayaw naming mag-FX. Pagdating namin doon ng mga alas dose ng tanghali, pumunta kami ng Casa Amapola para lang magbackout ang kasama ko. Para raw kasi kaming magre-retreat. This is after calling in advance and making reservations and all. Ayun, nagtour kami ng city looking for a place na suitable sa panlasa ng kasama. Eh mga 100+ places yata nakalista dun sa travel list ko. In the end, bumaba ako ng taxi at naglakad sa paligid. Then we came upon this hotel malapit sa Cafe by the Ruins. Dahil ayaw ko na ring maglibot, we settled for that place. At kung kilala nyo naman ang girls ng Team Angas, pag nagpunta yan sa Baguio, ang only objective ay ang maglibot sa ukay-ukay. Now what will happen if you're suddenly with a travel companion na pagdating sa Bayanihan ay tatayo sa labas sabay sabing, "Baho naman dito?" Ano ang gagawin ni kantogirl? Abangan. Cannot Find Server at kantogirl 8:43 p. m. | 0 comment(s) missing in action is kantogirl. dahil wala siyang cellphone ang only communication namin ay thru chikka at tuwing 9 o'clock ng umaga lagi kong nakikitang naglo-log on si Kantogirl. kinakausap ko naman. ayaw sumagot. siguro ay ayaw magpakita sa atin dahil she wants to keep the The Diva photos all to herself. Cannot Find Server at a 5:44 p. m. | 0 comment(s) Got the pictures na from the pizza outing. I like the one where we're all doing the Diva pose. Drop by naman to get it. Will be in dungeon again, playing piko to get grades done. Hehehe. Cannot Find Server at kantogirl 6:04 p. m. | 0 comment(s) From BnC's online sms kanina: "sige ganyan ka jxxxxx. u doubt my jutes scoring capabilities. di kita iinvite sa magic brownies tasting ko wen i eventually do score some." Uuuy wala namang ganyanan. Hehehe. I wasn't maligning your jutes acquiring skills. Just remembered yung plan for the Great Convenience Store Heist. Parang, even if the cops catch you red handed, they will take one look at you and they'd let you out, skipping into the sunset. Lalalala. Phish tayo, man. Cannot Find Server at kantogirl 8:54 a. m. | 0 comment(s) Sa sinumang merong kopya ng edisyon kahapon (16 October) ng diyaryong Today. Gusto ko lang naman ng kopya ng column ni Luis Teodoro na may title na "Blaming UP" na tungkol sa kawalan ng saysay ng Unibersidad sa lipunang Pinoy. Puwede na raw i-phase out ang UP dahil wala namang naitutulong sa karaniwang ordinaryong Pinoy. Karerahan nga raw ang UP at PMA sa award na institusyong obsolete at kasayangan ng pera. Hindi available ang column sa website ni Teodoro at wala rin sa online portal ng Today at ABS. Dapat talaga ninenok ko na lang yung diyaryo sa McDo kahapon. Damn. Cannot Find Server at kantogirl 7:16 p. m. | 0 comment(s) Di lang pala sa Pinas pina-pirate ang libro, pati na rin sa Colombia, bayan ng writer na si Gabriel Garcia Marquez. Sabi sa balita: Dozens of pirate copies of the new book by Colombian writer Gabriel Garcia Marquez are being sold in Bogota before the novel's release, publishers say. A spokesman for the publishing house said the work is being traded in Colombia's capital for as little as $4.At asensado sila ha, dahil di ito xerox lang. At mahal rin naman ang $4 na libro kung nagkataon halos kapresyo na ng regular na libro sa atin. Which leads me to ask: Ang piracy ba ay isang problemang limitado sa mga bansang third world? Dahil bihira ka namang makakita (sapantaha lang naman ito ha) ng mga piniratang DVD sa Tate o sa Europa. Tataya pa ako na kung meron man duon ay malamang na Pinoy din ang source. O baka naman kaya walang gaanong bootleg dahil downloadable naman ang lahat? Peste lang yung mga record companies na naghahabol sa mga nagda-download. Cannot Find Server at kantogirl 8:53 a. m. | 0 comment(s) Funny, I never thought of you as someone who would want to score jutes. I can imagine of all those potential dealers taking one look at you and then they all run away, in their minds screaming, "Buy bust! Buy bust!" Which is why I still vote you lead our Great Convenience Store Heist. Hehehe. Uuuy, if all goes well, that is grades and all, think might head for Sagada for the sembreak. I'll ask directions from you. Cannot Find Server at kantogirl 12:52 a. m. | 0 comment(s) Funny, I never thought of you as someone who would want to score jutes. I can imagine of all those potential dealers taking one look at you and then they all run away, in their minds screaming, "Buy bust! Buy bust!" Which is why I still vote you lead our Great Convenience Store Heist. Hehehe. Uuuy, if all goes well, that is grades and all, think might head for Sagada for the sembreak. I'll ask directions from you. Cannot Find Server at kantogirl 12:52 a. m. | 0 comment(s) just came back from sagada. my aching joints!!! too bad di kami naka-score ng jutes. Cannot Find Server at a 8:12 p. m. | 0 comment(s) CLF, iyan ang tinatawag na "letting your enemy know." Sabi nga ni Sun Tzu, you must gather your enemies closer to you, para pag friends na kayo, hindi niya pagsususpetsahan na may masama kang balak. Kunyari ikaw iyon, at tinawagan pa kita para lang i-discuss nga ba ang vetsin in beer as murder weapon, hindi mo ako pag-iisipan na ikaw pala ang target ko di ba? Malamang baka sa The Diva ko iyon susubukan, o kaya kay Pareng Bopis. Pero hindi ikaw. Gusto mo mag-beer tayo? Hehehehe. Cannot Find Server at kantogirl 8:07 p. m. | 0 comment(s) kapag nagpaplano ka ng murder, hindi magandang i-discuss ito sa blog mo, mas mabuti pang sa isang online forum para mas anonymous. hmmmm... murder by vetsin... pang-CSI yan a... Cannot Find Server at evil wolf 7:08 p. m. | 0 comment(s) Hey guys, ano sa English ang betsin? Yes, as in yung Ajinomoto/MSG that you put in food so the flavor is "enhanced." I came across this roadblock while doing translations and I needed something that's more colloquial and not as formal as MSG. Related question: I know adding betsin to food and making a dog eat it can kill the dog. Ang evidence ko na lang yung story ni BnC nung undergrad. But if you mix the betsin in a pitcher of beer, will it really have the same effect and kill whoever drinks it? Wala lang. I know I can google the answer but I'm just too tired to do that. I'm lost in the translation. Cannot Find Server at kantogirl 10:48 a. m. | 0 comment(s)
Jacques Derrida, who asserted that all writing was full of confusion and contradiction, is dead at 74. His theories broke down everything from literary texts to television commercials into codes that must be broken down by the reader in search for meaning. Deconstruction is difficult to understand and mostly misunderstood that the man himself said that if deconstruction existed at all, “it takes place as the experience of the impossible.” The Algerian born Derrida, who wasn’t exactly the most brilliant of scholars as a young man—flunking exams and being denied acceptance to university, also once dreamed of becoming a professional soccer player. Had he believed in reincarnation or parallel universes, he would have written books about rats and alienation and disenchantment and died in a car crash. But that life was already lived and patented, by another Algerian born Frenchman of all things, so had to go out and invent something hip and trendy for jargon spewing Comparative Literature majors everywhere. Cannot Find Server at kantogirl 1:16 p. m. | 0 comment(s) Natawa lang ako dyan. It's part of an Inq7.net article on personal finance. Eric Caruncho interviewed the guy who wrote Pera mo palaguin mo! , a book which I read over several sittings in Powerbooks Live! It's just funny because the book title sounds like a game show. It's a no nonsense type of book, mostly common sense. But when it comes to money, you'll later learn that even the most intelligent Pinoys don't have that. Interesting read. Saka panalo yung line na yun ni Eric Caruncho. Wala lang. Cannot Find Server at kantogirl 11:14 p. m. | 0 comment(s)
You are the fox. Saint Exupery's 'The Little Prince' Quiz. brought to you by Quizilla ako daw yung fox sa little prince. then again, siya naman ang paborito kong character sa librong ito. yung fox at tyung boa constrictor na nakakain ng elepante. Cannot Find Server at a 3:47 a. m. | 0 comment(s) The danger with waving jargon and theory around in your blog is somebody is bound to read it and shoot you down. Weeks after the whole pacis-sering brouhahahahaha, somebody is still reacting to my post using preachy's essay. of course, i have to discover the identity of the mysterious bituing marikit and it turns out that she is a CL major circa the same time we were happy young CW majors. now i will be the first to admit that i am a newbie in the theory field and i don't think i'd like to get deep into it because it ruins your creative powers. but i am bothered that people would tend to make hasty generalizations about other people based on a single post in a blog. Cannot Find Server at a 8:37 p. m. | 0 comment(s) Hindi ko alam kung bakit, pero kanina ay araw ng mga hulog ng langit. Ilang buwan na sa bookshelf ko yung birthday gift ni Astrid na kopya ng "Up the Down Staircase." Parang lagi niyang sinasabi na basahin ko dahil it's about a new teacher in a public school. (Dapat bang manood ng teacher fare ang isang teacher? Na lagi namang nauuwi sa Dangerous Minds, Mr. Holland's Opus, Dead Poets Society, o Goodbye, Mr. Chips) Makaka-relate daw ako. Last week nagawi ulit ang Team Angas sa dungeon at nakita ni Astrid na nakatambak ang libro sa pile ko. I've always meant to read it, but never did. Finally, kinuha niya yung post it ko sabay sulat ng marker: "Finish before your 1st yr ends!!!" Kaya nung weekend inunti unti ko na siya. 3/4 ko na yung libro. Nung tumigil ako, yung eksena ay nung biglang nagkagulo dahil may estudyanteng tumalon sa labas ng bintana. Ibinalik kasi sa kanya ng crush niyang teacher yung love letter na sinulat niya, with matching corrected grammatical at spelling errors. Siguro kung ako rin yung girl, tumalon din ako. Parang leche naman di ba, nag-profess ka na nga ng undying love and passion, ikokorek pa ang grammar mo. Sige, if you don't want my undying love, eh di dying love na lang. I'll jump off the window and die, nyahahaha! Sakto naman nitong hapon, tumigil ako sandali sa pagche-check ng mga papel at binuksan ko ang bintana at lumabas ng opisina. Sa fifteen seconds na inilakad ko mula dungeon papuntang Arcellana Lib, may tumawag na--may tumalon daw sa gitna ng FC at nalaglag sa courtyard. Kami naman, parang whoa! Suicide ba ito? Aksidenteng nalaglag? Sabi ng ibang estudyante, nagpipintura daw kasi sa top floor. Eh umuulan kaya nun. Sinong matinong tao ang magpipintura sa ganung klaseng panahon? Habang paikot ikot ang mga tao, sumusubok kumontak ng mga ambulansyang pang-rescue, naisip ko, bakit merong mga bagay na nalalaglag mula sa langit? Bakit matapos ang ilang term na request ng mas maagang class schedule, bigla na lang sumobra ang hiling ko. Pagtingin ko sa class sked ko next sem, puro umaga ang klase ko. As in 8.30 ng umaga. Hindi pa gising ang utak ko nun. Signos ba ito? Hinihintay ko na lang ang pag-ulan ng mga palaka. Cannot Find Server at kantogirl 11:25 a. m. | 0 comment(s) As we speak, there's a person who jumped from the top floor of the Faculty Center building and down into the middle of the courtyard which can be seen from my office window. We don't know who he is yet. But he's not a student. He wears a pair of blue and yellow shorts and dirty white shirt. People are in a panic. Cannot Find Server at kantogirl 2:02 a. m. | 0 comment(s) well arlyn is checking out the travel packages but i think she is bent on going this 0ctober 15 weekend. i think i can push for the oct 22 weekend because i have kuting ga on the third weekend of october and i need tobe there because it seems that my vice and my secretary are not in good terms. at the last update ni arlyn, palawan is around 5,000ish. 3d/ 2n. go go go go go Cannot Find Server at a 7:37 p. m. | 1 comment(s) Nabo-bother lang ako everytime I try to load the page and I see that "Cannot Find Server." Am confused the same way that a student's name only appeared yesterday in my huge pile of papers and I had never encountered any of her papers before. Cannot Find Server at kantogirl 5:26 p. m. | 0 comment(s) Nyar. I didn't see the joke agad. Dapat 404 message na lang iniligay mo. Hehehe. Kelan ang balak nyong Palawan na iyan? I need to finish checking papers and grades pa. Ang target date ko ay October 15 tapos na ako. Pero may project pa rin sana akong balak tapusin before the month ends. Let me know yung details if puwede bang sumabit sa trip na iyan. Cannot Find Server at kantogirl 1:04 a. m. | 0 comment(s) still buggy but the layout is supposed to say cannot find server. wala lang lang i'm being funny. to be funnier, anybody wanna join a palawan trip? mura lang 4500ish. Cannot Find Server at a 10:48 p. m. | 0 comment(s) Hey BnC, I can't access the site. Ang lumalabas lang ay "Cannot find server" at kahit yung tagboard natin wala. What does it all mean? Hindi ko pa mapadevelop ang pictures dahil ako ay penniless pa rin. I got my replacement card yesterday pero di magwork, I tried it again today and the machine ate my card. Nakakainis na nga kasi I can't access all my freaking accounts. Tandaan, mahirap nang humingi ng baon sa mga magulang pag ganitong edad ka na. At hindi siya magandang feeling. Cannot Find Server at kantogirl 5:43 a. m. | 0 comment(s) well? what you think of the new and improved angas template? sorry no pretty flowers. jessel padevelop mo na yung pix natin with dao para masaya. gawa ako buzznet para sa angas. Cannot Find Server at a 1:27 a. m. | 0 comment(s) Hindi nga, talaga, magkakabagong lay-out? Exciting! Isasama ba yung ID pic ni Canis? O ang macho pose ni hot lesbian diva? (L0L) Cannot Find Server at Dennis Andrew S Aguinaldo 10:02 p. m. | 0 comment(s) Sa mga susunod na araw, abangan mo ang pagbabagong-blog ng angas. I gave BnC the admin status chuva para paglaruan niya ang layout natin. Kaya wag magugulat if pagpunta nyo sa page na ito, kulay pink with little blue flowers na at with matching midi background ng Perfect ng True Faith. How exciting di ba? :) Cannot Find Server at kantogirl 8:38 p. m. | 0 comment(s) may dadaanan lang ako sandali after office hours, tsaka ako diretso sa dungeon. so text-text na lang mamaya. Cannot Find Server at evil wolf 12:13 a. m. | 0 comment(s)
Cannot find server or DNS Error
|
||||