The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

domingo, julio 04, 2004
Notes sa pag-commute...

Notes sa pag-commute-
(masayadong mahaba para sa peyups.com, at walang oras para i-post sa CLF, kaya dito na lang)

Okay, hindi naman ako deprived na ngayon lang nakapag-commute.

Unang beses kong mag-commute dati, Grade 3 ako nun. Tinuruan ako ng nanay ko kung anong tricycle ang sasakyan ko mula school pauwi. Safe pa naman ang panahon nun e, mga mayayaman pa lang ang kinikidnap.

So diretso yun, hanggang gitna ng college nung magka-vw na ako. Yehey! Wala nang hassle ng pila! Wala nang risk ng holdap!

Kaso limited ka naman sa lakad. Una, problema mo ang trapik. Tapos problema mo kung saan ka magpa-park. (Yep, kahit na VW, ganun kasikip sa pinas.) O kung hindi naman lugar ng parking, yung bayad sa parking naman.

So eventually, nung makuha ako sa current work ko ngayon dito sa Makati, walang choice kundi mag-commute.

Nung job interview pa lang, yung napagparadahan ko, malayong lakad sa opisina. At ang average na bayad ng parking sa isang working day, nasa 140 Pesos. Paano pa kung may overtime work ako?

Yun nga ang irony e. Ang presyo ng parking dito, mga executive lang ang kayang magbayad. Pero pag executive ka na, may parking slot ka na sa building. Wheeee!!!

So ang siste ngayon, mula sa lugar namin, sasakay ako, papuntang Cubao. Tapos dun, Bus o MRT papuntang Makati.

Errr, nakasakay na ba kayo sa Cubao MRT?

Wow, pare, sa Cubao MRT, para kang naglalaro ng US football. Paiyakan. Pagdating ng tren, akala mo puno na? Akala mo siksikan na? Puwede pa yan sa Cubao crowd!

Oo, mabilis nga, kaso namannnn!!! Lamang pa ang lata ng sardinas sa lintek na cabin! Minsan, hindi na ako kumakapit kahit saan, at kapag umandar na o tumigil ang tren, walang epekto ang inertia sa'yo.

One with the masses ka. Naknangsiopao, kung may politikong nagsabing, nakikiisa siya sa sambayanan, tanungin mo kung nakasakay na siya sa Cubao MRT station nang rush hour. Pag hindi pa raw, istreytin mo sa ilong, sabay suplex.

Anyway, mula lugar namin hanggang Cubao, maraming option. Puwede akong mag-taxi. Na stupid.

Kung kaya kong magbayad ng taxi mula Marikina hanggang Cubao sa rush hour traffic, kaya ko na sigurong magbayad ng 140P parking sa Makati. At kung kaya ko na yun, ibig sabihin, executive na ako, kaya may parking slot na ako.

Ibig sabihin, kung magtataxi ako mula Marikina hanggang Cubao, executive na ako kaya bakit pa ako magtataxi?

Isang option naman ang FX. 20P mula marikina hanggang P. Tuazon. Masyadong bugbog ng trapik ang Aurora. 10P yun kung hanggang Katipunan lang, sa may Metro Tren, pero lately, tinaas na rin nila sa 20P kaya no choice kundi mag-Tuazon.

Nung magbukas ng classes, laging puno ang mga FX. Nasa gitna kasi ako ng ruta. Maraming nauuna. Kaya minsan, mapipilitan ka nang sumakay nung mga lumang orange na bus ng Marikina. Diretso man ng Ayala yun, bumababa na ako sa Katipunan. Una, di kasi aircon, at kung di aircon ang sasakyan mo, impiyerno ang buhay kung ma-stuck ka sa rush-hour traffic ng Aurora.

Mula P. Tuazon, bus na yun diretso sa Ayala. Kung sa Katipunan ako bumaba, Metro Tren hanggang Araneta, tapos bus na diretso sa Ayala.

Sabi ng tatay ko, mag-MRT na lang ako papunta at pauwi kasi mas safe. Yep. Wala namang nanghoholdap sa MRT, at sus, kung may manghipo man sa akin, grabe, masyado nang weirdo fetish nun, kaso, putsa naman, dodoble ang dami ng uban ko sa pagpila papunta, pauwi. Actually, triple siguro kung papunta dahil nga sa stress ng Cubao MRT station!

Kaya ayun, bus na lang papunta. Wala namang problema, isang beses lang nung biglang mangamoy tae sa loob ng bus. E aircon pa man din. Lahat ng tao nakatakip yung ilong. May mga bumaba. Yung konduktor naman, ayaw pa umandar. Wala namang tumae sa loob ng bus. Di naman siguro utot yun, susmaryosep- ang potent naman nun! Mula Ortigas ilalim hanggang Guadalupe amoy tae, tapos nawala, nangamoy ihi naman. Syet, iniisip ko na lang na sana di kumapit sa'kin yung amoy...

Dati pag pauwi, bus din diretso Cubao, tapos FX. Kaso masyadong matagal ang biyahe. Suwapang kasi madalas ang mga bus e. Ilang mall ba meron mula Ayala hanggang Araneta Center? Bawat mall, titigil ang bus dun nang 10-20 minuto depende kung gaano kasuwapang ang driver. Tipong maraming tao sa bus stop, pero walang sumasakay, tapos ayun, naghihintay pa rin. So ilang minuto yun? Tapos idagdag mo pa ang trapik.

Pinakamalalang experience ko sa pag-commute- lumabas ako ng opisina. Nagtataka ako dahil sa di malamang dahilan, walang bus sa Ayala. Kaya ayun, puno ng tao ang mga bus stops. NAisip ko tuloy, lakarin ko na lang hanggang dulo, baka may masakyan ako dun. Madalas kasi, maraming bumababa sa area ng GLorietta. Pagdating dun, wala. Sige, libot ako sa mall, paglabas ko wala.

E puyat pa man din ako kagabi, at medyo natutuwa dahil maaga-aga ako nakalabas. Lintek, naglalakad ako na parang zombie. Umakyat ako sa MRT, hanggang baba ang pila. Okay, tawid ako ng EDSA, nakasakay ng bus na may legroom para lang sa mga unano. Tapos, trapik! Bakit? Isip ako, ayun, suwelduhan pala nun! Syet, lahat ng tao nasa mall, at ilang mall meron sa kahabaan ng Edsa? Pagdaan sa MEgamall, SALE PA!!! PUNYETAAAAAA!!!!!!!

MEntal note: Pag Presidente na ako ng Pilipinas, ipagbabawal ko ang pagtayo ng Mall within 2km vicinity ng isang major avenue.

Mental note 2: Pag Presidente na ako ng Pilipinas, death penalty ang ibibigay sa mga may-ari ng mall na magse-sale sa araw ng suwelduhan kapag nakatayo ang mall within 2km vicinity ng isang major avenue.

Pagbaba ko sa Araneta Center, wala akong masakyang FX sa Aurora. 2-3 oras na ang nakalipas mula nang makalabas ako ng opisina. Tumawag ako sa bahay, nagpasundo na ako. Sabi ng nanay ko sa'kin, dun kami sa P. Tuazon magkita dahil trapik ang Araneta. BAkit? tanong ko. "KAsi concert ngayon ni Boticelli."

PUTARAGISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!!!

Nilakad ko mula Aurora patungo sa Tuazon. Puno ang parking Araneta Colisseum ng mga SUV at luxury cars. Maraming tao. Surreal ang gabi, naglalakad magkatabi sa bangketa ang mga jologs at mga foreigner na may mga kasamang high class pokpok. Pagdating ko sa Tuazon, trapik pa rin! Text ako sa utol ko, dun ako maghihintay sa may 20th avenue.

Habang naglalakad ako, lahat ng mga kalsadang nag-i-intersect sa Tuazon, trapik na trapik. Lalong dumidilim ang gabi ko. Lalo akong nagiging zombie. Nung malapit na ako sa 20th ave., okay, naisip ko, mukhang di na trapik! Pinadaan ko yung mga susundo sa akin sa Boni Serrano, isang liko lang, nandito na yung mga yun. Pagpasok ko ng 20th ave...

ISANG POLITICAL RALLY!!!!

Wheeeeeee!!!! NAkaharang ang kalsada, walang makalabas. walang makapasok!

Naisip ko tuloy na mamaya pag-uwi, titingnan ko ang horoscope ko sa dyaryo, kung bad luck ako ngayon o ano. Ano ba ang chance na magkasabay-sabay ang mga pahirap sa commuter sa isang araw? Payday,Mall Sale, Concert, Rally...

Naglakad pa ako hanggang sa gitna ng Tuazon, dun ako nagpadaan sa Mc Do dun. Lumabas ako ng opisina nang 5:30pm, nakauwi ako nang 11:00pm.

Makalipas ang ilang araw, sinabihan ako ng kasama ko na may sakayan daw ng shuttle sa may Landmark. Okay, solb. Mahaba man ang pila minsan, di naman kasinghaba ng sa may BIR dati, so okay lang.

Dati 2 oras ako pauwi, ngayon, 1 oras na lang, minsan 1 1/2. 2 oras din kung matrapik sa C5, pero may legroom naman kaya ayos. Bad trip lang isang beses dahil amoy Durian naman yung shuttle.

Okay lang naman ang Durian, natotolerate ko, pero hindi naman yung constant na amoy sa loob ng isa't-kalahating oras!

Pero sa ngayon, ang pinaka-goal ko sa buhay ay maging executive. Dahil kung may parking slot na ako, pang-gas na lang problema...

Yep, dahil sa rate ng pagtaas ng gas ngayon, sa panahon na maging executive na ako, di ko na rin kayang magpa-gas ng VW.

Cannot Find Server at evil wolf 10:51 p. m.  |


0 Comments in total


Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com