The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: jueves, julio 08, 2004NAka-splat sa dyaryo dito sa office ang headlines tungkol sa Pinoy na pupugutan ng ulo ng mga Iraqi. okay, sa totoo lang, hinihintay ko na lang na mangyari yun. expected yun e, kapag tuta ni joe ang lider mo. ngayon, nung nagka-ban dito sa mga OFW na papuntang Iraqi, maraming nagalit. "Mabuti pang mamatay sa Iraq kesa mamatay dito sa gutom," sabi nung isa. Yep. Tama yun. Walang choice e. Kung magpapakatuta naman siguro tayo, okay lang basta ba ma-accomodate mo yung mga OFW mo na madidisplace sa isang giyera na para lang sa langis. Otherwise, isang malaking katarantaduhan ang maki-yehey kay joe habang binabarurot nila ang Iraq. Tapos, di pa nasiyahan sa kaka-yehey natin, nagpadala pa ng contingent dun. Haaayyyy... Humanitarian contingent sa Iraq? Dito pa lang, di nga maasikaso ng DSWD yung mga child laborers, yung mga street kids, yung mga cases ng child abuse, tapos malakas loob natun magpadala ng humanitarian contingent sa Iraq? Whoopeedoo, GMA! Hindi lang pala si FPJ ang walang alam nung huling eleksyon. Naalala ko pa nung pinag-aaralan pa lang ng mga kano kung susugod sila sa Iraq, eto na agad si GMA, nagdedeklara na open ang airspace natin para sa fighter jets. Yep. Habang kumakapal ang kalyo sa tuhod sa kakadasal ng mga pinoy rito na may kamag-anak na OFW sa middle east, nananaginip na ng lumilipad na fighter jets ang ating pinuno sa ibabaw ng Manila. Okay, so kelan pa naging mas priority ang relasyon natin sa US kesa sa milyon-milyong OFW na ma-di-displace ng Iraq war? Sige, buti sana kung kaya nating i-accomodate ang mga OFW natin dito, sige, magpakatuta tayo sa kano. Kung wala tayong problema sa ratio ng job applicants at job openings, fine, sige, magpakatuta tayo. Kung may mapaglalagyan ka ng mga nawalan ng trabaho sa katarantaduhan ni Bush, sige, magpakatuta tayo. Binigyan ba tayo ng job opportunities ni joe kapalit ng suporta natin? Ano kapalit? Foreign aid? Maging honest tayo, naniniwala ba kayong mapapakinabangan ng buong bansa ang foreign aid na yan? Hindi naman sa sinasabi kong tama maging tuta, pero kung tuta talaga ang lider mo, ang least na magagawa niya ay maging praktikal. Hindi natin kaya magbigay ng trabaho rito, nagkakagulo mga tao rito, tapos susuporta tayo sa isang bagay na makakasama sa mga "Bagong Bayani" na bumubuhay sa bayan natin sa pamamagitan ng remittances. Hah, kaya hindi ako magtataka kung maraming mas gustong mag-risk ng buhay dun kesa maiwan dito. Tutal, nasa manila ka man o nasa baghdad, di ka naman sinusuportahan ng gobyerno mo e, 'di ba? Grabe, GMA, paano ka natutulog sa gabi? Cannot Find Server at evil wolf 11:20 p. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment