The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

domingo, julio 25, 2004
Last Friday...

nakalabas ako ng opisina nang mga 630pm. pagdating ko sa landmark, dumaan muna ako sa toy section, bumili ako ng 2 vw na model. medyo mabigat na ang dalahin ko- sa bag ko, may 6 akong bitbit na makapal na magazines para sa sideline, at sa kaliwang kamay ko, di naman ganun kabigat, pero nuisance pa rin pag may bitbit kang shopping bag, kahit maliit lang.

sa terminal ng shuttle, nagulat ako sa haba ng pila. pero ano magagawa ko?

tapos, medyo nakapansin na ako- mag-i-isang oras na akong nakatayo, wala pa ring shuttle na dumarating, at yung pila, grabe, parang manonood ng harry potter sa sinehan ang mga tao sa sobrang haba ng pila!

nag-text sa akin ang nanay ko, nagbaha raw sa marikina. sarado ang gil fernando ave. lumusong daw sila sa baha pauwi, buti raw di tumirik ang sasakyan.

yari, naisip ko. baka stuck ang mga shuttle sa marikina, o sa C5. umalis ako sa pila, naglakad ako hanggang MRT. kung stuck ang mga shuttle, paano pa kaya kung bus sa EDSA? awa ng diyos, maikli ang pila sa MRT. 730pm na. makakauwi ako ng 830pm siguro, puwede pa akong magpuyat para sa sideline.

8pm, bumaba ako sa cubao. kumakalam na ang sikmura ko. takbo ako sa jollibee, nagpapahinga habang kumakain ng burger at sotanghon soup. masakit na ang kanang balikat ko sa bigat ng bag na puno ng magazine.
paglabas ko, maraming tao sa aurora, pero walang fx.

yari.

tumawag ako sa bahay para magpasundo. ayokong umuwi nang late. sabi ko, dun na lang ako maghihintay sa may shopwise.

pagdating sa shopwise, habang naghihintay, lumibot-libot ako, tapos nakabili ako ng mga rare na hotwheels. astig! okay na siguro ang gabi ko.

mamayang konti, nag-text sa akin ang utol ko. stuck sila sa marikina bridge. di na gumagalaw. maglakad na raw ako pauwi. putsa, malala ito. inisip ko na agad kung sinong close friend ko ang nakatira sa cubao na puwedeng pag-overnight-an, kaso wala. kundi qc, pasay at rizal. yari. wala na akong magagawa...

nagsisimula nang magtrapik sa aurora. sa gitna nito, habang naglalakad ako kasabay ng madla, nakatigil na ang ibang mga jeep. wala nang gumagalaw. kulang na lang, lumabas si michael stipes at kumanta ng "everybody hurts."

kaya ayun, nilakad ko ang madilim at marusing na kahabaan ng aurora. mula sa mga beerhouse, sa mga bakanteng lote, sa mga saradong hardware at auto supply shops. hinihila na ng bag sa likod ko ang balikat ko pababa. naka-zombie mode na ako. blanko ang utak. dire-diretsong paglalakad. sa tabi ko, bakante na ang mga bus. patay na ang makina ng mga jeepney.

pagdating sa katipunan, diyos ko! nag-EDSA revolution yata ang mga sasakyan! teka, maling metaphor, errr. nag-Katipunan revolution ang mga sasakyan!

nilakad ko pa rin hanggang sa pagbaba ng tulay. umuwi na ang mga susundo dapat sa akin. buti na lang, nakasakay na ako ng dyip papunta sa amin, kaya malamang mga isang oras o isang oras at kalahati ng mabilisang paglalakad ang ginawa ko.

pagdating sa bahay, hindi naman nanigas ang mga muscle ko sa binti, pero grabe, nanakit naman ang mga joints. putsa, alas-dose ng gabi.

sabi ng nanay ko, nagtext daw kanina yung tita ko, stuck daw sila sa katipunan. malakas daw ang ulan kanina. marami raw lumubog na mga kalsada, nawala pa ng kapatid ko ang cellphone niya.

putsa, hanggang ngayon, nanglalata pa rin ako. buong weekend, inasikaso ko yung sideline ko kaya wala rin, di ako nakapagpahinga ng husto.

pero curious ako kung anong oras naayos yung traffic jam sa aurora na umabot pa raw sa antipolo. curious ako kung ano nangyari sa mga taong naghihintay sa landmark pag-alis ko, at kung anong oras nakauwi yung mga nakasakay sa shuttle.

grabe, magsisimula na akong magbaon ng supplies dito sa opisina para dito na lang ako mag-o-overnight pag nangyari ulit yun.

Cannot Find Server at evil wolf 10:54 p. m.  |


0 Comments in total


Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com