The page cannot be displayed

angas

Angas. Tambay. Mga reklamo sa buhay na masalimuot dito sa lungsod. Wala pa kaming agenda ngayon. Wala pa nga kaming maayos na katawagan para sa grupo. Pero balang araw, magiging konkreto rin ang mga ambisyon. Dati: Ito ay isang group blog tungkol sa paggawa ng group blog. Ngayon, chopsuey na.

kabilang kami sa mga nawawala...

ButasNaChucks
KantoGirlBlues
TekstongBopis
Tamadita
The Diva
CanisLupusFidelis


maangas ka rin!
bahay blogger


Tag-Board



sino ka uli?
asan site mo?
ano 'ka mo?


dating angas...
01/01/2002 - 02/01/2002 02/01/2002 - 03/01/2002 03/01/2002 - 04/01/2002 04/01/2002 - 05/01/2002 05/01/2002 - 06/01/2002 06/01/2002 - 07/01/2002 07/01/2002 - 08/01/2002 08/01/2002 - 09/01/2002 09/01/2002 - 10/01/2002 10/01/2002 - 11/01/2002 11/01/2002 - 12/01/2002 12/01/2002 - 01/01/2003 01/01/2003 - 02/01/2003 02/01/2003 - 03/01/2003 03/01/2003 - 04/01/2003 04/01/2003 - 05/01/2003 05/01/2003 - 06/01/2003 06/01/2003 - 07/01/2003 07/01/2003 - 08/01/2003 08/01/2003 - 09/01/2003 09/01/2003 - 10/01/2003 10/01/2003 - 11/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2008 - 03/01/2008 08/01/2009 - 09/01/2009
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings.

Please try the following:

viernes, julio 02, 2004
dahil tinatamad ako mag-update nung site ko, at matagal mag-approve ng article sa peyups.com, dito na lang muna ako magpo-post...

Ibang Klase Ito! Review ng Chicken Fillet Sandwich...

So isang gabi, nagtext sa akin yung mga kasama ko sa bahay, magsosoli daw
sila ng VCD, baka gusto ko sumabay pauwi. Okay, naisip ko, may dala
namang sasakyan yung mga yun kaya di na ako maglalakad mula sa stop
hanggang sa bahay. Tapos, dahil nasa bayan na rin ako mamaya, puwede pa
ako magmiryenda habang naghihintay. Matagal-tagal na rin akong di
nakakakain sa fast food, wala kasing malapit sa opisina namin.

At yun nga, matapos ang isang oras na pakikipagsiksikan sa shuttle
papuntang bayan, at matapos ang isang buong araw ng trabaho, hah, pagod
na pagod at medyo gutom ako. Bumaba na ako sa shuttle at naglakad-
lakad. Naghanap ako ng makakainan.

Napako ang mga mata ko sa malaking poster sa isang KFC restaurant- poster
ng bagong Chicken Fillet Sandwich. “Ibang klase ‘to!”- sabi ng poster.
“Sure, right...” naisip ko. Lintek, sa advertising ako nagtatrabaho at
hindi na kakaiba ang paggamit ng exaggeration sa pagbenta ng produkto.
Baka parang Mc Chicken Sandwich lang ito, o yung Chicken Sandwich ng
Burger King, naisip ko. Dun ako nagkamali.

Katabi ng KFC yung video rental na pagsosolian, so tamang-tama, dito na
ako maghihintay. Pasok ako sa loob ng KFC, at ayun, talagang naka-hype
yung Chicken Fillet Sandwich- 29 Pesos lang! Astig! Buti walang pila.
“Good evening sir...”
“Ah, miss, wala kayong value meal nung Chicken Fillet Sandwich?”
“Ay sir, wala pa po e...”
Okay lang, sige. Umorder ako ng isang sandwich, at isang large coke,
errr, pepsi.

Grabe, takam na takam na ako. Naalala ko yung commercial e, yung may
nangungulit na kalbo sa mga ka-tropa niya? Hehe, ganun siguro kasarap
yung sandwich, sa sobrang sarap, makulit. Hehe, at siyempre, may
“peeeepper maaaayyoo paaa!!!”

Tapos paglapag nung sandwich sa tray ko, tangina, nagulat ako!!! Isang
complete meal ang tumambad sa aking mga mata!!!!

Oo, pare, isang complete meal para sa mga anorexic!!!

Napatingin ako dun sa picture nung sandwich sa mga poster, at napatingin
ako sa actual na pagkain. Medyo nagngitngit na ako kaya ako napatanong.
“Miss, eto na ba yun?”
Napatingin sa akin yung babae, medyo napangit at napahiya, marami
sigurong nagtatanong.
“...Ahh, yan na po sir, e...”
“Hehe, errr... bakit sa TV parang mas malaki yata?”
“Ummm... e, ganyan po siya talaga...”

Sa loob-loob ko, naiiyak ako nung inabot ko yung singkuwenta pesos ko
(29pesos sandwich plus 19 pesos large coke, errr, pepsi), medyo naawa rin
ako sa babae at sumama ang loob kay Col. Sanders. Ikaw ba ang
pagbentahin ng isang nakakahiyang sandwich?

Pero naisip ko, baka naman masarap ang sandwich na ito para ma-justify
yung presyo. Pag-upo ko, nilapag ko ang tray ko, sabay labas ng
cellphone ko. Curious ako e, ano ang mas malaki, yung sandwich o yung
nokia 2100 ko? Pareho lang, pare. Lamang lang yung sandwich ng siguro,
1 centimeter o ano.

Uminom muna ako ng pepsi para humupa ang loob ko. Iba ang pakiramdam e,
para akong naholdap. Matapos ang ilang lagok, binuksan ko na yung balat
ng sandwich, tapos naisip ko- kaya ko itong ubusin sa isang kagat lang,
ipapasak ko lang ito sa bibig ko sabay nguya, pero may hinihintay ako
kaya dapat mabagal ang kain.

So kinagat ko, average bite lang, unang kagat, wala akong nakain na
manok. Pangalawang kagat, wala pa rin! Kaya, huh? Napaisip ako,
nakalimutan kaya ilagay yung manok sa tinapay? Dali-dali kong binuklat
ang sandwich, at ayun, nakanangsiomai, ibang klase nga ito!!!

Hindi ito parang pandesal na puno ng manok at mayonnaise na may paminta
(pepper mayo)! Isa itong pandesal na HINDI puno ng manok at mayonnaise
na may paminta!

Lintek, kasinglaki na lang nga ito ng nokia 2100, at sa halagang 29 pesos
i-e-expect mo na lang na at least punuin na lang ng KFC yung manok na
palaman, pero HINDEEEE!!!!

Napanood nyo ba yung pelikulang “Falling Down,” yung eksena ni Michael
Douglas sa loob nung fastfood joint na pinuntahan niya? Gusto kong gawin
yun. Sobra.

Naalala ko rin dati nung maganda pa ang selection ng mga pagkain sa KFC.
Baliw na baliw ako dati dun sa Chicken Twister nila- parang burrito o
shawarma na at least ay puno na ng manok, masarap pa yung pita bread.
Kaso tinanggal nila yun, at pinalitan ng pathetic na mas maliit na parang
taco sandwich na bitin na bitin. At akala ko wala nang tatalo sa maling
pagbabago na yun, eto, naglabas sila ng sandwich na kasinglaki ng nokia
2100 na hindi puno ang palaman. Rip-off na siguro yun pero willing ako
magbayad sa sandwich sa halagang bente pesos, pero talagang 29 pesos ang
presyo. Putsa, saan napunta yung extra 9 pesos ko? Sa isang pirasong
lettuce? Sa “peeeeepper maaaayyyoooo?”

Okay, bale ang kinain ko nung gabing yun ay nagkakahalaga ng 48 pesos.
Sa halagang ito, puwede na rin ako makabili ng isang set- coke, sandwich,
at french fries. Biglang naputol ang pagmumuni-muni ko- syet! Ubos ko na
pala agad! Ni wala man akong naramdamang sumayad sa sikmura ko! Grabe,
sana magpa-contest ang KFC, pabilisan kumain ng Chicken Fillet Sandwich!
Mananalo ako dun, sobra. At kung ang prize ay isang taong supply ng
Chicken Fillet Sandwich, mauubos ko yun nang 1 o 2 araw, tapos kakain pa
ako ice cream at cake para dessert.

At ayun, habang naghihintay ako, nginuya ko na lang yung ice tubes ng
pepsi ko, at hangga’t maaari, pinipigilan ko ang sarili kong dumighay!
Pag dumighay kasi ako, parang dinighay ko na rin yung 29 pesos ko!

Pagdating nung mga kasama ko, sakay na ako, tapos kinuwento ko yung
nangyari.
“Baka naman malakas ka lang kumain, Jol?”
“Hindi a! Err, malakas ako kumain pero...”
At ayun, kinuwento ko na.
Nagulat sila, akala daw nila, bilog yung sandwich, at malaki gaya ng nasa
commercial.
Bwiset, pag-uwi ko, nag-doble pa tuloy ng kinaing tokwa’t baboy para solb.

Nakanangsiopao, naintindihan ko tuloy yung kalbong lalaki sa commercial,
kung bakit di niya hatian o bigyan ng chicken fillet sandwich yung mga ka-
tropa niya- di rin kasi kakasya sa kanya yun e!

At sa pagtatapos, gusto kong sabihin na, grabe pare, totoong ibang klase
ang sandwich na ito! Ilan bang chicken sandwich ang kaya mong
gawin sa bahay sa pamamagitan ng pandesal, piniritong de-latang chicken
chunks, isang pirasong lettuce, at ang secret sauce na “peeeeepper
maaayyyooo!”

Putsa, namimiss ko na yung Chicken Twister...

Cannot Find Server at evil wolf 12:35 a. m.  |


0 Comments in total


Cannot find server or DNS Error
Internet Explorer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com