The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: sábado, febrero 08, 2003Mukhang dito na pala na-transplant si Kantogirl. Nabuhay tuloy bigla ang angas blog. hehehehe. Jol, tulungan mo akong gumawa ng website!!! Magku-kuwento na lang ako para hindi naman mukha si Jessel lang ang may mga adventures in life. Meron akong pseudo-crisis or at least na kikita kong magkakaroon ako ng crisis. Kaya ayaw kong nagkakatrabaho. Bumabaligtad ang mundo ko. Eto ang kwento. Mga December nung wala akong job, minention sa akin na naghahanap ng editorial assistant ang Yes! Oo, Yes! as in the showbiz magazine ng Summit na ang current issue ay cover si Ate Shawie. So, apply naman ako. Sandali. Baka ma mis-interpret ninyo. Hindi ko ultimate dream ang magsulat for a showbiz magazine kahit na tempting na maging ka-rubbing elbows ko si Ate Guy, Ate Shawie, Ate Vi, at si Ate Luds. Ang aking ulterior motive talaga ay sobrang gusto kong makatrabaho si Jo-Ann Maglipon, na editor in chief ng Yes at sobrang galing magsulat at tita ni Pepper. Promise, ang galing niya talagang magsulat at kung nabasa ko siya earlier in my life, nag-journalism ako. Minsan naisip ko ang bobo ng mga nagtuturo ng non-fiction narrative at essay sa CW dahil wala si Jo-Ann Maglipon sa kanilang reading list. Napaka-elista talaga. Kung interesado kayo, basahin ninyo ang Primed. Eniways, balik sa kwento. Nung December, hindi nila ako kinontak. Sooo, baka hindi nila type ang beauty ko or hindi sila nag-shoshopping for new talents siguro. Pero, hindi ako patatalo. Kaya, nag-crash tayo ng book launch ni Pete Lacaba dahil alam kong pupunta doon si Tita Jo-Ann (at syempre, nakiki-tita pa ako!). Ewan ko kung anong gusto kong mangyari. Basta alam ko pupunta siya doon dahil super friends sila ni Pete. (And by the way, si Pete ay copyeditor yata ng Yes! So, Silang dalawa ay nagbibigay ng respectability sa showbiz writing.)
Eniway uli, e di chinika ko yung assistant editor ng Yes! na Batch 10 sa Ricky Lee workshop. Sinabi ko ulit na nag-submit ako ng resume. Sabi niya submit ko sa kanya para sure. Ok, di sinubmit ko. Bago tayo umalis ng book launch, nagbabay si Pepper sa Tita niya at minention niyang nagsubmit ako ng resume sa knaya. Sobrang nataranta si Tita Jo-Ann at sinabi sa akin tawagan ko siya sa Monday. Ewan ko kung saan at paano at anong oras pero oo naman ako sabay flash ng aking best smile. Nung friday, check ako ng e-mail. Ok na. Natanggap na nila resume ko at hintay na lang ako kung kelan ako pwedeng interviewhin. Nag-text pa daw si Tita Jo-Ann sa assistant editor niya para ipahanap ang resume ko. O, flatterred ako at naalala naman niya ako. So, eto na! A few steps away na ako sa chance to work with Pete Lacaba at Tita Jo-ann, di ba. Kung tanggapin nila ako, talagang willing ako to throw everything in the wind. Kung kailangan kong mag-drop ng classes ko dahil full-time yung job, sige! Mas marami naman akong matutunan sa kanila, di ba?
Mabilis kasi ang mga pangyayari. Lahat ito within the last three days lang. Remind ko lang na kaya ako jobless ngayon ay dahil i-opt kong magsulat para sa telebisyong pambata na in line naman sa aking visions in life na magsulat para sa bata, di ba? At hinihintay ko na mabuhay kuli yung project para ituloy. E, mukhang mabubuhay ang project at mukhang better than before pa. At sobrang masaya yung grupo na nakasama ko doon at mga same age ko pa kaya chummy-chummy. At pinagpalit ko ang aking stable and secure status bilang government employee para dito.
Ah, ewan.
Cannot Find Server at a 4:11 p. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment