The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: jueves, enero 31, 2002Ipako Ninyo Sa Krus Isang review ng pelikulang Hesus Rebolusyonaryo Nabasa ko sa dyaryo ang tungkol sa screening ng Hesus Rebolusyonaryo sa UP Film Center. Maganda ang premise ng pelikula, sa taong 2011, matapos magtagumpay ang isang kudeta siyam na taon nang nakaraan, nasa ilalim ng isang military government ang Pilipinas, sa ilalim ng batas militar. Pasok ngayon si Hesus, hindi ang anak ng Diyos, kundi si Hesus Mariano, anak ng magsasaka, isang, ayun, rebolusyonaryo. Maililigtas kaya ni Hesus Mariano ang Pilipinas mula sa isang pasistang rehimen? Maganda ang premise, 'di ba? Nagpaalam na ako sa nanay kong manonood ako ng sine sa UP. Gawa ni Lav Diaz ang pelikula. Sabi ng nanay ko, nagsimula raw si Lav Diaz sa pagsusulat sa komiks (pagsusulat o pagdodrowing, nakalimutan ko na, at di rin siya sigurado), at nagpatuloy raw sa paggawa ng ilang mga short films. Okey na yun, baka maganda, naisip ko. Madalas kasi, pag short films, pag experimental films, mas may "art", mas malalim, dahil una sa lahat, hindi komersyal, walang compromise na nangyayari para lang mapasaya ang mga producer. Kung ano ang gustong palabasin ng film maker sa short film niya, ilalabas du'n- basta parang ganu'n ang naiisip ko. Tama ba? Eniwei, bago tayo lumihis, naiintriga ako sa pelikulang ito, short film lang ba siya o feature length? Kinabukasan, kinulit ko ang ilan sa mga kabarkada ko sa tambayan. Tutal, libre naman yung screening, argumento ko. Yun lang ang kailangan kong banggitin, magic word kumbaga, at dumiretso na kami sa Film Center. Nakita ko doon ang ilan sa aking mga dating blockmates, at nalaman kong feature length pala ang Hesus. Ay, panghihinayang at pambubuntunghininga ng mga kasama ko, hindi kami makakapasok sa klase... daw, pero mukhang nasarapan na yata sa aircon ang mga damuho at hindi na umalis sa upuan nila. Medyo mainit kasi nung hapong yun e. Sabi nga ng isang ka-block ko, hindi raw niya ine-expect na sci-fi o futuristic yung pelikula. Agree ako doon. Masyado naman kasi yatang OA pag pinakita nila si Mark Anthony Fernandez (ay, di ko pala nabanggit, si Mark Anthony Fernandez ang gaganap na Hesus Mariano) na bumabaril ng laser gun kaharap ng mga ala-Terminator na mechanized endoskeletons, habang nakasakay sa isang hovercycle. Oo nga, iniisip ko political ang pelikula, tipong may social relevance ek-ek. Pero, si Mark Anthony Fernandez ang bida e, at katambal pa si Donita Rose bilang labidabs niya. Mangingibabaw kaya ang pagpapakyut ng dalawa sa kung tutuusi'y maganda sanang istorya ng pelikula? Maililigtas kaya ni Hesus Mariano ang bansang Pilipinas mula sa isang pasistang rehimen ek-ek? Paano ko ba sisimulan ito. Pintas ba muna o Puri? Pintas na muna ang unahin natin, para sa huli ang puri. Mas maganda kasing tapusin natin sa isang "positive" na paraan ang rebyu. Una sa lahat, may mga eksenang masyadong nakaka-bore dahil sa tagal niya. Ito yung mga eksenang puwede namang tanggalin o bawasan ng oras dahil wala namang relevance sa istorya. Tuald kunwari nung eksena na kung saan binabantayan ni Col. Simon ang isang unconscious na Hesus sa isang, ummm, hospital yata yun. Kuha agad ng mga manonood na kailangang gisingin si Hesus, pero kailangan pa bang mai-stretch ang mga eksenang ito ng pagkahaba-haba? At bakit ba napaka-OA ni Joel Lamangan?(siya kasi yung gumanap na Col. Simon) Naririnig ko rin ngang nagbubungisngisan yung mga katabi ko dahil mukhang nagkakagusto yata si Col. Simon sa natutulog na si Hesus, sobra kasi yung enthusiasm niya e. Pangalawang napuna ko ay yung mga propaganda posters ng rehimen ni Pangulong Cyrus Racellos, ang heneral na nagpasimuno ng kudeta at naupong diktador. Ano ang problema ko sa mga propaganda posters? Eto, nakalarawan sa mga posters ang isang mabangis at nakakatakot na Pangulong Racellos, katabi ang mga naglalakihang mensaheng "Sumulong ka, Bagong Pilipino", o parang ganoon. Sa paglarawan sa pangulo, hindi mo maipagkakaila ang similaridad ng drawing kay Adolf Hitler. Pati ang suot ng pangulo sa larawan ay Hitler na Hitler. Sa gitna kasi ng pelikula, nagpapakita sila ng mga pro-government na mga advertisements, kung saan lumalabas ang isang maamong-mukhang Pangulong Cyrus Racellos na madalas nakasuot ng barong tagalog - isang malaking contrast sa pro-admin ding poster na kung saan naman ay lukot sa galit ang sumisigaw na mukhang hiniram sa sikat na Fuhrer. At hindi ko rin nakita ni minsan na magsuot ang Pangulong Racellos ng kulay brown na Hitler-type garment tulad ng nasa poster. Anong problema ko rito? Bakit mo ipo-portray na demonyo, o mukhang demonyo ang Pangulo sa isang pro-admin na billboard? Siyempre, pinapakita ng pelikula na parang si Hitler din si Racellos, palibahasa, pasista naman silang dalawa di ba? Pero ang mali dito, hindi mo nga gagawin yun sa isang propaganda poster ng pamahalaan! Kahit na si Erap, di ba laging nakaplaster ang nakakasukang ngiti niya sa mga poster niya kahit na alam nating lahat na masahol pa sa demonyo ang impaktong yun? Ang nangyari kasi sa billboard portrayal na ito, masyadong bulgar yung pagpapakita ng kuneksyon. Parang naging pilit masyado. Ang argumento ng isang kasama ko, pinakita doon na factionalized ang military, tulad ng kilusang kinabibilangan ni Hesus Mariano. Well, siguro nga, pero siguro naman bago kinabit yung mga naglalakihang larawang yun ni Pangulong Racellos, rinereview yun dapat ng pamahalaan di ba? Kasi, kung mangyayari ito sa isang totoong diktaturya, pinapatay na siguro ng umuupong pangulo yung mga nagpinta nu'n! Pangatlong napuna ko sa pelikula ay yung casting. Hindi bagay kay Mark Anthony Fernandez ang karakter ni Hesus Mariano. Maging makatotohanan nga tayo, maiisip mo bang isang ideyalistiko't matalinong iskolar na anak ng magsasaka si Mark Anthony Fernandez? Hindi ko ini-lilimit sa superpisyal na level ang tanong- ang pinupuna ko kasi ay yung pag-arte, yung pag-internalize ng karakter. Sa pelikulang ito, si Hesus Mariano ay isang trigger-happy na lalaking gustong patayin ng maraming maraming tao. Yun ang masasabi ko sa pagganap ni Mark Anthony Fernandez. Pero nabasa ko sa dyaryo, sa isang interview kay Lav Diaz, ginawa raw niya ang role na ito para kay Mark. Ewan, sabay tayong magkamot ng ulo. Tapos eto pa si Donita Rose na ang karakter ay ang long-time labidabs ni Hesus Mariano. Ngayon lang ako nakakita ng mestisang nakatira sa barung-barong na anak ng magsasaka. Hesus Mariosep! Mas maputi pa sa labanos ang kutis! Kapani-paniwala bang laki sa hirap ang babaing yun? Hindi na yata uso ang mga banyagang prayle sa kabukiran... At marami ring malabo sa kuwento. Hindi na-establish nang maayos ang nakaraan nina Donita at Mark.Paano nabulag si Donita? Saan ba sila unang nagkita talaga? At marami ring weirdong tagpo- halimbawa na yung pagpasok ni Hesus Mariano sa bahay ni Col. Simon nang walang nakakaalam. Hesus Mariosep! Martial Law, tapos bahay ng Colonel, walang security? Ang nakakatawa pa rito, napaka-open ng entry ni Hesus. Yung bahay kasi ng Colonel, may puno sa tapat ng balkonahe. Umakyat si Hesus nung gabi sa puno, bumaba sa balkonahe, binuksan yung pinto papasok ng bahay. Walang kuwenta talagang sundalo si Col. Simon, sariling bahay niya, hindi alam kung paano bantayan. Sarap nakawan ano? Isa pang nakatutuwang tagpo ay nung bandang ending na. Hinahabol si Hesus ng mga militar at ng mga kasama niya sa kilusan. Sa kanyang pagtakas, dumaan muna siya sa bahay ni Donita Rose. Eto yung dialogue nila, hindi siguro eksakto, pero parang ganyan na rin. Yung nasa loob ng parenthesis ay yung mga comments ng mga katabi ko: Hesus: Halika, isasama kita. Donita : Hesus! nanay ni donita: Hesus! Saan mo dadalhin ang anak ko? Hesus: Isasama ko po siya. Lalayo po kami rito. nanay ni donita: ... ibabalot ko ang mga gamit niya (Ha? ganu'n lang kadali yun?) Hesus: Pakibilisan lang po... (Put@#$!na! ang kapal din 'no? Siya pa may ganang mag-utos?) At dito ipinakita ni Hesus Mariano ang kanyang talino. Hinahabol ka na ng mga taong gustong pumatay sa'yo, hindi mo alam kung saan ka magtatago, at idadamay mo pa ang isang babaing bulag. Wow. Si Hesus talaga, hindi rin mahilig maghanap ng batong ipupukpok sa ulo niya. At yung nanay naman ni Donita Rose, malamang matagal na niya sigurong gustong itapon ang bulag niyang anak. Hesus Mariosep. Marami pa kayong makikitang ganito. At ano ang overall feeling ng pelikula? Sa totoo lang, hindi naabot ng pelikula ang buong potensyal niya bilang isang socio-relevant film. Maganda nga ang premise, maganda ang ideya, pero lumabo sa execution. Bakit? Ang texture niya ay parang isang pangkaraniwang pinoy action movie, na ginawang politikal ang backdrop ng istorya. Yung mga shooting scenes, yung mga action scenes, grabe. Hindi pa ba tayo nagsasawa sa mga imposibleng eksena ng bida vs. dose-dosenang armed goons, at yung bida mananalo dahil hindi siya maubusan ng bala? Standard yan sa mga usual action flicks natin, at unfortunately, sakit din yan ng pelikulang ito. Buti na lang hindi na ginawang sobrang korni yung pelikula. Sa takbo kasi ng istorya, hinihintay ko na lang na magkaroon ng kumprontasyon si Hesus at si Pangulong Racellos, tapos magbabarilan sila sa loob ng malakanyang, tapos habang nagbabarilan sila, bibitawan na ni Hesus ang kanyang macho statement na staple sa lahat ng pinoy action movies- "Hayup ka Racellos! Papatayin kita! Humanda ka sa akin! Isang bala ka lang! Papatumbahin ka ni HESUS REBOLUSYONARYO!!!!" Tapos mapapatay nga niya si Racellos, at maisasalba ni Hesus Mariano ang buong Pilipinas. Pero salamat na lang at hindi ito natuloy. Matapos ang mga pintas, doon naman tayo sa mga positibong aspeto ng pelikula. Una, hindi plastik ang pelikula. Wala itong kinampihang panig. Naipakita nito na kahit na sa hanay ng isang organisasyong may matiwasay na layunin, may mga nagkakagatan pa rin upang makamit ang mga personal na ambisyon. Pati ang militar, ipinakita ring may hidwaang nagaganap sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Brown Army. Subalit ang pinakamalaking hidwaang ipinamumukha ng pelikula ay nahuli sa linya ni Col. Simon nang kinukumbinsi niya si Hesus na magtrabaho sa kanya- "Mahal ko rin ang bansang ito, Hesus. Pareho tayo ng layunin, pero magkaiba lang ang ideyolohiyang niyayakap natin." Ayon sa nabasa ko sa dyaryo, isang wake up call daw ito ni Lav Diaz sa mga kabataan. Bulong lang ang narinig ko sa wake up call na ito dahil nalunod ang mensahe ng pelikula sa pangkalahatang mediocrity. Hindi nasuportahan ng istorya ang isang magandang premise. Hindi naexploit nang mabuti ang isang magandang opportunity. Nang matapos ang pelikula, may open forum pang susunod. Nagmadali kami ng mga kasama ko sa CR dahil kanina pa kami naiihi. Nangibabaw ang antok ko at ang panghihinayang sa aking napanood kaya nawalan na ako ng ganang magtagal pa para sa forum. Bumalik na lang kami sa tambayan at nagpakabusog sa fishball. Pag-uwi ko ng bahay, alam kaagad ng nanay ko, sa mukha ko pa lang daw, hindi raw ako solb. Haha. Hesus Mariosep. Understatement yun, sabi ko. Cannot Find Server at evil wolf 12:10 a. m. |
Cannot find server or DNS Error
|
||||
Publicar un comentario
Close Comment