The page cannot be displayed |
||||
The page you are looking for is currently unavailable. The Web site might be experiencing technical difficulties, or you may need to adjust your browser settings. | ||||
Please try the following: martes, abril 25, 2006Ang Bedtime Stories: Mga Dula Sa Relasyong Sexual (Book # 13, UP Press, Php170) ng masigasig na si Rene Villanueva ang isa sa dalawang librong nabasa ko ngayong buwan. Ang koleksiyon na ito ay isang attempt ng author na palawakin ang saklaw ng salitang "pangkama" na sinasabi niyang "nasadlak sa lusak" ng maruruming gawaing makamundo o kaya naman ay "imoral." Ngunit para sa napakaraming batang lalaki na nagkamuwang noong dekada 60, ang "bedtime stories" o BTS ay isang mahalagang introduksyon sa mundong nasa labas ng eskuwela. Ang palihim na pagbabasa ng smut unang nabigyan ng kahulugan ang mga gawaing karnal. Ngunit para kay Villanueva, ang kama bilang espasyo ay di lamang parausan ng makamundong pagnanasa. Nakasentro man ang mga dula sa ugnayang karnal, muli't muli ay higit pa rin sa pisikal na aspeto ng pagniniig ang tinutukoy ng mga ito. Nariyan ang peministang agenda ng teleplay na "Stella," kung saan ang pagiging "malaya" ng isang babae ay kadalasang ipinagpapalagay na karumihan o kawalan ng moralidad sa katawan. Hindi maintindihan (o sadyang ayaw intindihin?) ng lipunan kung bakit mas gugustuhin ng isang babae na magkaroon ng ugnayang pisikal sa labas ng seremonya ng matrimonya. Para kay Stella, wala sa pagkakaroon ng sariling pamilya o kaya'y mga anak ang katuparan ng kanyang pagkakababae. "Naisip ko, bakit pa ako mag-aasawa? Gusto ko namang iukol ang lahat ng panahon ko sa sarili." Personal ang desisyon na ito. Gayun pa man, naroon pa rin ang pagdududa sa isip niya: "Minsan, naitatanong ko sa sarili ko kung pagiging makasarili ba ang gano'n. Pagiging makasarili ba ang pag-uukol ng panahon sa pansariling kaligayahan? Ewan." Mahirap pahindian ang konsepto ng isang lipunan na kinagawian na. Tulad na lang ng ugnayan ng mga mag-asawa. Sa "Karamay, Dinamay," mas lumutang ang agendang didaktiko ng manunulat. Ang pagiging palikero ng isang lalaki ay tulad ng pagkakaroon ng isang kating di maiwasang kamutin. Ngunit may kapalit ang ganitong paglalaro ng apoy: pagkakaroon ng di lamang iisang kaniig ay magreresulta di lamang sa magulong buhay pamilya, kundi maaari ring magdulot ng sakit na nakamamatay. Ang ganitong pagtalakay ng isyu ng AIDS ay may pagka-"heavy-handed," ngunit malamang rin sa hindi na ito talaga ang layunin ng dula: ang maging babala laban sa pagwawalang bahala sa mga maaaring maging kahihinatnan ng napaka-kaswal na relasyong sexual. Sa "Ang Pambabading ay Gawaing Maselan," inilalahad di lamang ang mga personal na desisyon na nakapaloob sa pagpayag ng isang tinatayang TNL--tunay na lalaki--sa pagkakaroon ng koneksyong sexual sa kanyang kapwa lalaki. Para sa mga TNL ng dulang ito, ang nasa pagitan ng kanilang mga hita ay puhunang ipinagkaloob at nararapat lamang na gamitin sa kanilang ikauunlad. Kagipitan man o personal na luho ang dahilan, ang pang-ekonomiyang aspeto ng relasyong lalaki sa lalaki ay di basta maisasantabi. Sa kabilang banda, hindi lamang sa usaping pang-ekonomiya nakatali ang mga desisyon ng mga tauhan sa "The Bomb." Nariyan ang hatak ng ambisyon, ang nakakahilakbot na pagsasaliw ng disimuladong realidad at laro ng kapangyarihan sa telebisyon at media. May sapantaha akong mas mainam panoorin kesa basahin sa pahina ang "The Bomb." Napakaraming nangyayari sa iisang espasyo at panahon ng entablado. Marahil ay isa itong pag-aakma ng mga "fast cuts" at "quick dissolves" ng isang audio-visual na medium patungo sa mas kinagawiang mahinahong entablado. Anu't anupaman, lutang pa rin ang masalimuot na realidad na ang mga gawaing pangkama ay di lamang napapako sa kama kundi sakop pa rin nito ang mas malawig na mga usapin ng lipunan. Cannot Find Server at kantogirl 6:36 a. m. | 0 comment(s)
Cannot find server or DNS Error
|
||||